Flashback... Kinabukasan, pagkatapos ng gabing iyon, ang araw ng kaarawan nina sir Axel at Allen naglakas loob pa din akong pumunta sa opisina ni sir Axel.para balikan lang ang mga naiwan kong gamit doon. Ayaw ko na sanang pumunta dahil gaya ng sabi niya ay ayaw na niya akong makita pa. Pero ako sa totoo lang gustong-gusto ko siyang makita. Pero tuwing naaalala ko ang mga masasakit na salitang sinabi niya sa akin ay napapaluha ako. Pumasok ako sa opisina. Kumatok muna ako bago pumasok. Kung pagsasabihan niya man ako kung bakit narito pa ako ay tatanggapin ko nalang, ang importante ay makita ko siya sa huling pagkkataon. Pagpasok ko sa loob ay wala siya. Nakaramdam ako ng kaunting lungkot. Pero ganun siguro talaga. Hindi na talaga kami magkikita pang muli. Kinuha ko ang mga naiwan ko

