Halos tatlong linggo na ang nakakaraan simula ng maaksidente si Allen. Nung araw na pinuntahan namin siya sa hospital ni Sir Axel ay iyon na din ang huling punta ko. Nang makita ko ang kalagayan niya ay halos hindi ko siya matingnan. Walang ibang dapat sisihin kundi ako. Kasalanan ko kaya siya nagkaganon. Hindi na ako muling naglakas loob na dalawin siya sa hospital dahil hindi ko kayang makita siya ng ganoon. Alam ko na nakauwi na din siya sa kanila at nagpapagaling dahil nabalita iyon sa telebisyon at radio na hindi naman nakakapagtaka dahil sikat ang pamilya nila pagdating sa negosyo. Ngayong alam ko na magaling na siya ay masaya na ako. Iyon lang naman ang importante. Ngayon ay nagtatrabaho ulit ako sa mall bilang sales clerk, halos kakaumpisa ko lang sa trabaho. Isabella? Is tha

