After 5 months... Nagdesisyon kami na sa Pampanga na kami manirahan ng aking pamilya. Taga ditong probinsiya din kasi si inay. Mabuti na din ito para makalayo na ako sa buhay nina sir Axel at sir Allen. Hindi ko nga din alam kung itinuloy pa ba ni sir Allen ang pagpunta niya sa Canada pero sana lang ay hindi na dahil ang sabi ko naman ay ako na lang ang lalayo. Wala na din akong balita kay sir Axel. Malamang ay ikinasal na sila ni Mam Pam. Hindi ko pa din maikakaila na may nararamdaman pa din ako kay sir Axel pero hindi din magtatagal ay tuluyan ko ng matatanggap na hindi kami pwedi, at hinding-hinding pweding maging kami dahil iba ang mahal niya. Kahit paapano ay nasanay na kami sa buhay namin dito sa Pampanga. Nagbukas kami ng maliit na tindahan para may mapagkakitaan pa din kami k

