"Kumusta pag-uusap ninyo ni ate Sab? Nagkaayos na ba kayo?" tanong ko sa kanya. "Negative. Ayaw na niya pakinggan ang paliwanag ko, masyado na daw huli " "Eh yung bata? Inamin ba niya na anak niyo iyon?" "Hindi daw. Anak niya daw iyon sa ibang lalaki. Ni hindi nga niya pinakita sa akin yung bata e." "So anong plano mo ngayon, kuya?" "Eh ano pa, edi babalik sa Pampanga. Siguro nga tama si Sab, dapat na akong lumimot kasi matagal na din ang pangyayaring iyon. Panahon na siguro para kalimutan ko na siya ng tuluyan. Hindi ko naman din siya masisisi kung bakit ganyan siya sa akin." Tumango lang ako sa kanya. "Saan ka pala nagpunta kanina. Bigla ka nalang umalis kala ko ano ng nangyari sa iyo " "Nagkita lang kami nung kakilala ko. Sorry kung di ko kaagad nasabi." "Ayos lang. Oh magdinn

