"Isay, please tulungan mo ako." "Saan naman, kuya Troy." "Diba kilala mo si Sabrina Alcantara? Nakilala mo siya sa Maynila di ba? Ibig sabihin alam mo kung saan sila nakatira. Samahan mo ako sa kanya. Gusto kong malaman ang katotohanan. Kung sinasabi mo na may anak siya na limang taong gulang posibleng iyon ang anak ko at nagsinungaling lang siya sa akin ng sabihin niyang pinalaglag niya ang anak namin nung nagbubuntis siya " Kita ko kung paano siya kadeterminadong makitang muli si Sab. Gusto ko siyang tulungab kaya lang ay nagdadalawang isip ako. Kung sasamahan ko siya sa Maynila, may posibilidad na makita kong muli si sir Axel. Kaya nga ako pumunta dito para tuluyang makalimot tapos ngayon pupunta pa ako kung nasaan siya "Pwedi ba ibigay ko nalang ang address nila doon at ikaw nala

