SA PATULOY niyang paghahanap sa kaniyang ina ay siyang pagpapatuloy naman ng kaniyang mithiin na makakamit ang hustisya. At dahil hindi pa naman natatapos ang araw ay inilaan niya ang oras sa pag-aasikaso ng mga bagay na importante. "Mr. Prieto, dineny ng piskal ang pagsampa mo ng kaso kay Allan Corpuz dahil wala ka naman daw matibay na ebidensya," wika sa kaniya ni SPO2 De Guzman nang sandali siyang pinadaan sa presinto para i-meet ang kaniyang lawyer na si Atty. Precilia Fernandez na siya ring naging lawyer ng kaniyang ina. Agad niyang pinasadahan ng tingin si Atty. Precilia Fernandez. "How could it happened, attorney? Akala ko ba ay under surveillance pa rin ngayon si Allan Corpuz hangga't patuloy ang pag-iimbestiga sa kaniya?" "That's possible, Geofferson. Lalo na't maituturing na

