"MATAGAL MO na pala akong niloloko, Brent? Bakit? Bakit mo inilihim sa akin ang totoong pagkatao mo noon?" kalmado pero nagtatakang tanong ni Jenny sa nobyo kinabukasan. Doon lang kasi siya nagkaroon nang lakas ng loob para komprontahin ito. "Sandali, bakit mo ba sinasabi 'yan, Jenny?" "Sinabi sa akin ni Geofferson ang dahilan kung bakit kinailangan niya ang tulong mo. At alam mo ba ang masakit doon? 'Yung ipagkait mo sa akin ang katotohanan tungkol sa nakaraan mo." Pinilit makaupo nang maayos ni Brent bago ito sumagot sa nobya. "Jenny, kung anuman ni Geofferson na tungkol sa nakaraan ko, aaminin kong choice kong hindi sabihin sa'yo 'yon, dahil simula nang dumating ka sa buhay ko ay ayoko nang balikan pa ang nakaraan. Pero hindi ko naman inakalang kakailanganin ni Geofferson ang tulong

