SA SOBRANG lalim ng kaniyang iniisip ay hindi niya namalayan ang pagdating ni Madison. Mula sa binabaan nitong bus na Victory Liner ay paikot-ikot ang tingin nito at mukhang hinahanap siya. Kapagkuwa'y parang napuna niya na halos marami na ring bumabang pasahero mula sa mga humintong bus. Kaya naman hindi na siya nag-aksaya pa ng oras para hanapin ng mga mata si Madison. When he checked his phone, ay laman iyon ng ilang missed calls at texts mula kay Madison. At dahil nga sa rami ng tao ay hindi niya agad ito napansin. Buti na lang at kilala niya ito kahit na nakatalikod. Kung kaya't hindi na siya nagpatumpik-tumpik pang lumapit dito. "Finally, I found you--" natigilang aniya. Dahil halos tumigil ang kaniyang mundo nang mapagtantong hindi si Madison ang nasa harapan niya. Kundi si Monica

