PALINGA-LINGA siya sa kalsada habang hinihintay ang pagdating ni Madison. After he went on his parents home, he was decided to have a surprise visit sa mismong apartment na tinutuluyan ni Madison sa Taguig. Bagay na hiningan niya ng pabor sa mga kaibigang sina Travis at Jasmine upang malaman ang apartment na tinutuluyan nito. Hindi niya nga maintindihan ang sarili dahil umaasa pa rin siyang may mabubuong chance sa kanilang dalawa. At kahit na batid niyang hindi nito inaasahan ang pagbisita niya nang dahil sa huling naging usapan nila. In fact, he was willing to lower his pride for Madison, given the fact that his courtship is supposed to be rejected by her.
Sinunod niya ang payo ni Topher na hindi basta-basta sukuan si Madison. And as a result-- ay iyon nga ang ginagawa niya ngayon. He wouldn't understand why how he became vulnerable these past few days after the serious conversation with Madison.
At kagaya nang inaasahan ay nadatnan niya itong bumaba sakay ng isang taxi. Expected niya na iyon gayong wala silang naging komunikasyon these past few days.
Doon siya humanap ng tamang tsempo para lapitan ito. Kaya mula sa kaniyang Toyota Vios ay pasimple siyang bumaba para sorpresahin ito. Sinundan niya ito sa paglalakad hanggang sa makarating ito sa pangalawang palapag kung saan ay naroon ang k'warto nito. Wala man lang itong kamalay-malay na nakasunod siya. Kaya naman habang pinipihit nito ang doorknob ay inilahad na niya sa dalaga ang biniling bouquet ng bulaklak sa isang flower shop. "Good evening--" natigilang aniya.
"Ay kamote!" gulat na gulat na wika nito. Gusto niya sanang matawa ang kaso ay baka ma-offend niya lamang ito lalo na't halatang pagod ito sa biyahe. At nang mahimasmasan ay saka naman ito napatitig sa inilahad niyang bouquet of red roses dito. "My goodness, Geoff, bakit naman bigla kang sumusulpot? At saka, para saan ba 'yan? For peace offering?"
Nagkibit balikat lamang siya. Hindi naman kasi talaga sila nag-away at medyo tumaas lang ang tensyon sa pagitan nila noong huli silang nag-usap. "Maybe if you would give me a chance to enter your house. But, honestly, it's my peace offering whenever you like it or not-- or kindly take it as a compliment from me of courting you." Bahagyang napaawang ang bibig ni Madison habang nakatuon lamang ang tingin sa mga bulaklak. Hanggang sa walang emosyon nitong tinanggap ang flowers.
"Tatanggapin ko na lang, tutal naman ay mahal ito at sayang din kung-- itatapon mo lang," sabi nito nang hindi nakatingin sa kaniya. Saka ito kusang pumasok sa loob nang hindi na hinintay ang sasabihin niya. Hanggang sa makaramdam ito na hindi siya sumunod sa loob. "O, akala ko ba ay papasok ka sa loob?" Medyo hindi man magandang pakinggan ang naging approach nito sa kaniya mula kanina ay hindi naging rason 'yon para panghinaan siya ng loob. In fact, buo nang muli ang kalooban niya na ipagpatuloy ang panliligaw dito, anuman ang maging pakikitungo nito sa kaniya nang dahil sa mga kalokohan niya.
Matapos magbihis ni Madison ng pambahay na damit ay iniwan muna siya nito sandali upang magtungo sa may kusina. Doo'y tanaw-tanaw niya ang sexy curve ng katawan nito sa suot nitong kulay rosas na fitted spaghetti sleeves at maong na short. Hanggang sa maamoy niya ang aroma ng kape na humahalimuyak.
"O, magkape ka muna." Tahimik niyang sinulyapan ang black coffee na paborito niya at saka tipid na napangiti. "Kape lang muna ang mai-o-offer ko sa'yo ngayon, dahil madalas kapag ganitong oras ay wala na rin akong ganang kumain. Kumakain na kasi ako malapit sa cafeteria ng office during after work. Pero, if you want to eat, ay may mga instant at can goods naman akong stocks dito. Ang kaso, magsasaing pa. Anong gusto mo?" Hindi niya akalaing i-we-welcome siya ng ganoon ni Madison, gayong biglaan lang din ang kaniyang pagbisita sa dalaga.
Tipid na naman siyang napangiti bago sumagot, "Wala naman, okay na ako rito. Anyway, thank you for this. In fact, nasabi na rin sa akin ni Jasmine na 'wag daw akong magdadala ng food dito if ever gabi na ako bumisita kasi nga on diet ka."
"Sinabi niya 'yon? At teka, siya rin ba ang nagturo sa'yo tungkol sa exact address ko?" Dahan-dahan siyang napatango habang nakikita niyang salubong ang kilay nito.
"I'm sorry, I-i just.. wanna see you. Kaya kinulit ko sina Travis at Jasmine," tila nahihiyang sagot niya. Napabuntong hininga naman ito at doo'y hindi niya pinalampas ang pagkakataon para magsalitang muli, "But I hope na hindi ka magalit sa kanila, just because you see me again, tonight."
Bahagyang natawa si Madison. "Ano ka ba, okay lang, Geofferson. Saka, alam ko naman na.. behave ka lang kapag ako ang kasama mo, 'di ba?" Hindi niya alam kung bakit kusa na lang siyang napangiti sa sinabi nito. Hindi niya rin akalain na kahit hindi naging maganda ang kanilang huling pagkikita ay ito pa rin si Madison na kilala niyang prangka at marunong makisama. Ito pa rin si Madison na pinili niyang magustuhan. "O, ba't natahimik ka? Don't tell me na pinag-iisipan mo na akong ikama. Naku, Geofferson, iyan ang 'wag na 'wag mong gagawin. Unless-- mahal mo na ako." Halos ibulong na nito ang huling mga kataga, pero malinaw niya pa rin iyong narinig. At ewan ba niya kung bakit sadyang napakalakas ng epekto niyon sa kaniya.
Kaya naman nag-enjoy siyang kausap si Madison hanggang sa ma-open-up niya rito ang naging senaryo noong nakaraang araw. "I don't know, Mads, but it was a strange feeling, e. Pakiramdam ko ay may nagmamatyag sa akin no'ng nakaraang araw. A day after we talked."
Nakita niya ang unti-unting pagpawi ng ngiti ni Madison dahil sa naging masaya nilang kwentuhan. "May nagmamatyag sa'yo?" Tipid siyang napatango. At saka naman ito nagpatuloy sa sasabihin, "Pero kung totoo man 'yon, would you see him?"
"I'm not sure o baka nagkataon lang, but believe it or not, Mads, 'yung lalaking napagbintangan kong sumusunod sa akin no'ng nakaraang araw ay ang lalaking nakita kong sakay ng isang kotseng sumusunod din sa akin sa kahabaan ng Buendia."
Bahagyang napaisip si Madison. "Seryoso? Edi kung ganoon ay dapat ka ngang magdoble ingat, pero how about the next day? Naulit ba ang pangyayaring iyon?"
"Iyon nga ang ipinagtataka ko, e. Matapos ang araw na iyon, ay parang naging normal ulit sa akin ang lahat. Pero, ayokong magpakampante, Mads. Alam ko ang bawat kinikilos ng mga tao kung may masama ba itong balak o wala, dahil minsan na rin akong naging alagad ni dad."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Mads, naging lider ng isang sindikato ang daddy ko at siya ang pumatay kay Mara-- kaya siya nahatulan nang panghabangbuhay na pagkakakulong." Hindi naiwasang mapahalukipkip ni Madison sa narinig.
"So, did you mean na isa ngang kriminal ang daddy mo? Iyon ba ang rason kaya matagal na panahon na rin kayong hindi nagkakausap?"
Sandali siyang napayuko. "Honestly, yes, and it's my choice, Mads. Dahil simula nang araw na namatay si Mara ay kinamuhian ko na siya at hindi na itinuring pang ama," sinserong aniya. Makikita ang galit sa mga mata niya habang sinasabi iyon. At hindi alam ni Mara kung paano nito papawiin ang galit na nararamdaman niya.
-
Akala ni Madison ay nagbanyo lamang si Geofferson kung kaya't nawala ito sa may living room matapos niyang mailigpit ang dalawang tasa na kanilang pinagkapehan. Iyon pala ay nadatnan niya ito sa may maliit na balkonahe sa labas ng kaniyang bahay, tahimik na humihithit ng yosi at mukhang malalim ang iniisip.
"Nandito ka lang pala." Bago pa man siya makapagsalita ay napalingon na ito sa kaniya. Wari ay sadyang malakas ang pakiramdam nito na dumating siya.
"Alam ko talaga kapag may tao sa paligid ko, nararamdaman ko," sinserong wika nito.
"Kaya ba naramdaman mo rin na may nagmamatyag sa'yo noong nakaraang araw?" Tinapos muna nitong pausukin ang yosi bago sumagot habang hindi naman niya magawang umangal sa usok na nalanghap dahil batid niya na stress reliever lamang ni Geofferson ang pagyoyosi.
"Yeah, pero ang hindi lang ako sigurado ay ang tungkol sa ating dalawa." Sandaling nagtama ang kanilang mga mata at ilang paglunok ang ginawa niya bagama't walang kahit anong salita ang gustong lumabas sa kaniyang bibig. Hanggang sa hinagis nito sa sahig ang filter ng yosi at tinapak-tapakan upang mamatay na nang tuluyan ang baga. Saka dinampot at itinapon sa may trash can. Habang napatitig lamang siya sa ginawang iyon ni Geofferson.
"Sandali at kukuha ako ng alcohol."
"O, no need, Mads." Mabilis na inilabas ni Geofferson ang hand sanitizer na nasa bulsa at napatitig lamang siya sa ginawa nito.
"Handang-handa, hah?" wika pa niya.
Bahagya itong natawa. "Of course, para sa kahit anong laban ay maging handa ako," pilyong anito at kapagkuwa'y kumindat pa sa kaniya. Kaya naman mabilis na dumapo ang kamay niya mula sa paghampas sa braso nito.
"Anong iniisip mo? Na gagawin natin ang bagay na 'yon?" mariing katanungan niya.
"P'wede naman, e, as long as you want." Saka ito pasimpleng napatanaw sa kalangitan. "Pero kagaya nang sinabi ko sa'yo no'n, iba ka, Mads, kaya iginagalang kita."
"Wow, ba't parang nag-iba ang ihip ng hangin? Akala ko ba ay palagi kang hayok pagdating sa mga babae?"
"Seriously, nagawa ko na rin tumanggi sa isang babae, Mads." Bahagyang napataas ang kilay niya sa narinig. Mukhang hindi siya makapaniwala na magagawa iyon ni Geofferson. Kaya naman hinayaan niyang makapagk'wento pa ang binata. "And I admit na hindi lang basta sinong babae ang tinanggihan ko. It was Adelle." Animo'y nagkaroon ng sandaling katahimikan sa pagitan nila.
"Siya 'yong former secretary mo, 'di ba?"
"Yeah, and a day after we talked ay siya itong kusang bumisita sa condo ko, para lang ipagkatiwala sa akin ang katawan niya. Of course, I was shocked, kasi 'yung huli naming pagkikita ay tila sinampal niya ako sa katotohanan na hindi lahat ng gusto ko ay makukuha ko."
"And then? Anong motibo niya para ipagkatiwala ang sarili sa'yo? Mahal ka na ba niya?"
"Honestly, yes, pero, Mads, ayokong i-take for granted ang pagmamahal niyang 'yon. Ewan ko, sarili ko na mismo ang pumigil na mali 'yon. Lalo na't gusto kong patunayan sa'yo na sinisikap kong magbago."
Parang natameme siya sa mga katagang 'yon. Nakakapanibagong marinig iyon sa lalaking batid niyang babaero na simula nang makilala niya. And there's a little space in her heart that she was grateful to know how Geofferson has been changing-- for her.
Pero kahit gano'n ay nais niya pa rin mas marinig pa ang side nito kung bakit bigla itong nagbago nang dahil sa kaniya. "Pero-- iyon ang gusto mo, 'di ba? Saka, hindi ko naman sinabing magbago ka nang dahil sa akin."
Doon nagawang hawakan ni Geofferson ang magkabilang pisngi niya at sinabi, "I know, Mads. Pero may gusto lang akong patunayan sa'yo. Na kahit womanizer ako ay kaya ko rin magseryoso sa taong gusto ko." Mataman ang pagkakatitig nito sa mga mata niya na tila ilang segundo lamang ay p'wede na siyang matunaw. And of course, it seems like she's melting by the gaze of him. At nang sandaling iyon ay hindi niya na rin magawang makapagsalita.
At sa gitna ng katahimikang iyon ay ang malakas naman na pagtibok ng puso niya.