THE MOMENT was freeze while they were gazing to each other. At sa kaibuturan ng puso ni Geofferson ay nagtatago roon ang kasiyahan na may halong pagtataka. Hindi niya maintindihan, ngunit kahit pareho silang tahimik ng sandaling 'yon ay nararamdaman niyang may sinasabi ang kanilang mga mata. Na kahit hindi niya magawang alisin ang tingin sa dalaga ay hindi rin naman magawang alisin ni Madison ang tingin sa kaniya. Para bang nangungusap ang mga mata nito at may nais sabihin. Hanggang sa animo'y sinamantala na niya ang pagkakataon para angkinin ang labi nito. Subalit mabilis pa sa alas kwatrong napalihis ng tingin si Madison at gayundin naman ang kusang pagkalas ng kaniyang dalawang kamay mula sa pagkakahawak sa pisngi nito.
Tila ba nagkaroon sila ng kaunting ilangan sa isa't isa. Hanggang sa naglakas loob na siya muling magsalita. "I-i guess, I need to go home, baka kailangan mo na rin magpahinga."
"Ah.. s-sige. K-kaya mo na bang mag-isa?" Hindi niya alam kung bakit nauutal si Madison ng mga oras na iyon.
Pero nagawa niya pa ring balewalain ang naging pagbabago sa dalaga. He was simply smiled at her and say, "Oo naman, you can stay here at ako na ang bahalang magsara ng gate. Anyway, thank you sa pagpapatuloy mo sa akin, tonight." Mabuti na lang at mabilis na napawi ang kabang namayani sa kaniya kanina. Matapos medyo mapahiya sa ginawang pagputol ng sandali ni Madison. Sa isip niya ay, "Sayang! Iyon na, e. Mahahalikan ko na sana siya ulit at malalaman ko na sana ang tunay niyang nararamdaman para sa akin." Matatandaang minsan niya na ring nahalikan si Madison at nakaw pa. In fact, sadyang mabilis talaga siyang mag-first move pagdating sa mga babae. Kaya nga sadyang napakarami niya ng karanasan pagdating sa kama. Pero bakit ngayon ay tila ang bagal niya? Napangisi na lamang siya sa isiping 'yon at kapagkuwa'y nakita niya ang tipid na pagngiti sa kaniya ni Madison. Saka siya muling nagsalita, "Sige na, aalis na ako. And thanks for the coffee." Sumilay na naman ang ngiti ni Madison bago pa man siya tuluyang makatalikod. Hindi niya alam kung para saan ba ang ngiti na 'yon, kung sa pagiging bigo ba niya na mahalikan ito o dahil sa nagkasama sila nito kahit sandali.
Subalit hindi pa man siya tuluyang nakakahakbang palayo ay natigilan siya sa pahabol na sinabi nito, "M-mag-iingat ka." Isang tipid na ngiti naman ang kaniyang pinakawalan pero sa kaibuturan niya ay nagtatago roon ang kilig. Ikaw ba naman na makasama ang taong gusto mo at paalalahanan kang mag-ingat sa pag-uwi ay napakasarap sa pakiramdam.
Maingat naman siyang nakapag-drive patungo sa condo unit dala ang kaniyang Toyota Vios. At pabagsak na nahiga sa queen size na kama.
IT SEEMS like a normal day again, a day after that he talked with Madison. Ewan ba niya kung bakit pagkatapos ng usapang iyon ay mas lumakas pa ang paninindigan niyang magbago para sa dalaga. Lalo na nang muntikang magtagpo ang mga labi nilang dalawa. He won't sure but he feels like there's a mutual feelings between them. And he couldn't explained how it develops so fast.
Marahil ay in-denial pa si Madison sa tunay na nararamdaman-- but the way she looked at him last night ay parang espesyal. Iyon ang pinagkunan niya ng inspirasyon para mas ganahan pang magtrabaho. Kapansin-pansin ang kaniyang madalas na pagngiti sa mga pasyente at tila ba hindi siya nawawalan ng energy. Iba ang epekto ng ngiting ipinabaon ni Madison sa kaniya kagabi. And it was good to see him feeling better.
Subalit, hindi rin naman palaging masaya lang ang bawat araw. Despite of enjoying by his profession, ay hindi naman inaasahang magkakaroon ng problema. Isang tawag ang pumukaw ng kaniyang atensyon habang kumakain siyang mag-isa sa convenience store.
It was her mom. At in-e-expect niya na sanang pangungumusta ang ibubungad nito sa kaniya-- but he's wrong. Dahil isang masamang balita ang ibinungad nito sa kaniya. "Where are you? You have to come to the nearest hospital where your father has been in prisoned."
Doo'y sandali niyang nabitiwan ang hawak na kutsara't tinidor bago nagpunas ng tissue sa kaniyang bibig. Then he used to start the conversation again. "But why? W-what happened?" nauutal na tanong niya.
"O, god! 'Wag nang maraming tanong, hijo. Your father has been cardiac arrest and he is on a critical condition. So you have to lower your pride this time." Halatang panenermon ang winika ng kaniyang ina. Pero hindi niya pa rin nagawang ibaba ang linya.
"Okay, j-just wait me there, mom," may halong pag-aalinlangan na aniya. Animo'y nagtatalo ang kaniyang isip at puso kung ano ba ang tunay na mararamdaman. Gayong namumuo pa rin ang galit sa puso niya para sa ama, pero kailangan niyang kalimutan na muna 'yon alang-alang sa ikabubuti nito.
Isang malalim na pagbuntong hininga pa ang pinakawala niya bago pa man mag-decide na tumayo at iwan ang kinakain kahit hindi pa iyon nauubos saka dali-daling binitbit ang kaniyang glandstone bag.
Pagkalabas niya ng convenience store ay saka siya nagdesisyong tawagan ang isang taong batid niya na makakapagpagaan ng kaniyang kalooban ngayon. While waiting on a response, ay minabuti niyang humithit na muna ng yosi. Subalit habang patuloy sa pag-ring ang linya ay hindi naman naiwasang mahagip ng mata niya ang lalaking minsan niya na rin nakita. Ang lalaking batid niya ay minsan na ring sumusunod sa kaniya. Animo'y binalot na naman siya ng kaba lalo na nang magtagpo ang mga mata nila nito. Hanggang sa hindi niya namalayan na sinagot na pala ni Madison ang kaniyang tawag mula sa kabilang linya.
"Hey, Geofferson? Ano bang problema? Naistorbo mo na nga ako sa pagkain tapos ako pa 'tong kailangan mangulit para malaman kung ano ba talaga ang pakay mo!" Mataas ang tono ng boses nito na halatang naiinis nga sa pang-iistorbo niya. But he needs to calm down as of the moment, lalo na't si Madison lamang ang batid niyang one call away, kahit gaano pa ito ka-busy.
"You don't have to shout, Mads, okay? And I'm sorry if I disturb you. I-i just called because.. I need your help."
Narinig niya ang mahinang pagtawa nito. "Seryoso? Ako pa talaga? Naka-break lang ako pero may trabaho pa ako rito sa office. Saka ano ba namang malay ko sa problema mo?" Napabuntong hininga siya at aktong susuko na sanang humingi ng pabor dito. Hanggang sa marinig niya ulit ang mahinang pagtawa nito. "Pero, since naging nice ka sa akin kagabi-- kahit muntikan mo akong halikan. Fine! Ano bang problema?"
-
Tahimik niyang sinusulyapan ang paglabas ni Madison mula sa building ng office nito. Matapos niya kasi itong makausap ay nag-decide siya na puntahan ito sa office na pinapasukan nito sa Makati. Saka niya ipinagkatiwala na muna sa doktor na kapalitan ang clinic at maging ang mga pasyente na kailangang i-check up. Malayo pa lang ay tanaw-tanaw na niya ang disappointment sa mukha ni Madison habang hinahanap-hanap siya nito. Pasimple siyang kumaway mula sa kinatatayuan at doon nga'y patakbo itong naglakad palapit sa kaniya. Batid niya na pang-iistorbo ang ginawa niya sa dalaga pero wala siyang pakialam kung ang kapalit naman nito ay ang kapanatagan ng kaniyang kalooban. Aaminin niya na malaking bahagi na si Madison ng kaniyang buhay at nagbibigay inspirasyon ito sa kaniya. Sa katunayan ay bigla ngang nagkaroon muli ng direksyon ang buhay niya nang dahil sa dalaga.
"So now, ipaliwanag mo sa akin na mas mahalaga ang problema mo kaysa sa trabaho ko," nakapamewang na anito.
"Mads, baka nakakalimutan mong kaya kong bayaran ang isang araw na pinasok mo sa trabaho para lang makasama ako."
Doo'y sandaling napataas ang kilay ni Madison at saka sinabi, "O? Akala ko ba ay nawala na ang kapreskuhan mo sa katawan. At siyempre, hindi naman sa nagmumukhang pera pero kailangan mo talagang bayaran ang araw ko kung kinakailangan kong mag-half day sa trabaho para lang sa'yo!"
"Small thing, Mads. But, like what I've said lately-- that I need your help."
Sandaling napabuntong hininga si Madison. "So? Hindi mo lang pala ako trip na ligawan? Kundi trip mo rin akong maging problem solver sa problema mo."
"It's not what I mean, Mads. I'm serious about my courtship with you. And let me tell you this, ibang bagay din ang hihingin kong tulong sa'yo ngayon." Doon sandaling natahimik si Madison.
At kapagkuwa'y nagawa nitong sumentro ng tingin sa kaniya. "E, bakit kasi ako pa? At ano ba talagang problema mo?"
"My dad is on critical condition," walang patumpik-tumpik na aniya. Kaya naman pasimpleng nasapo ni Madison ang bibig habang hinihintay niya naman ang sasabihin nito.
"So, anong gusto mong gawin ko?" mahinahong katanungan nito.
"Mads, alam mo naman na hindi pa ako handang makausap siya. But I have to. Mads, can you show to him in behalf of me? Kasi isipin ko pa lang na makaharap siya ay sobrang bigat na para sa akin. I know, inaasahan ako ni mom na by this time is I could lower my pride. Pero hindi ko kaya.. hindi ko kaya dahil galit pa rin ako sa kaniya kahit nabalitaan kong kritikal na ang kalagayan niya."
Doon niya naramdaman ang paghawak ni Madison sa balikat niya habang nangingislap ang mga mata niya sa luha na dulot ng galit. "Geofferson, baka p'wede namang.. pagbigyan mo sa ngayon ang mommy mo. I know it is hard for you to do this, pero isipin mo na lang na ang pagpapatawad at pagharap sa problema ay nakapagdudulot ng pansarili mong kapayapaan. We all need a peace of mind at kung mananatiling babalutin ka palagi ng galit sa puso mo ay hindi ka lubusang magiging masaya." Doon siya napasulyap kay Madison.
"Pero wala na akong pakialam sa kaniya, Mads. Naiintindihan mo ba 'yon? Kaya nga gusto kong tulungan mo ako. Na imbes na ako ang humarap sa kaniya ay ikaw na lang, dahil baka kung ano pang masabi kong masasakit na salita na lalong magpalala ng kondisyon niya."
Hindi niya maintindihan ang sarili. Sadyang kay bigat para sa kaniya na magpatawad lalo na't sa tuwing maaalala niya ang nakaraan ay paulit-ulit na bumabalik ang sakit. "Sige ganito na lang, sasabihin ko ang tungkol sa bagay na ito kay Jasmine. Alam ko kasi na siya ang mas makakaunawa sa'yo dahil kapatid niya ang napatay ng ama mo."
"That's why it is really hard for me, Mads. Kung ganoon lang sana kadaling magpatawad ay sana noon ko pa ginawa. Na kung sana ganoon lang kadaling kalimutan ang kasalanang ginawa niya sa pamilya Llaneta and especially for Mara, pero hindi, e. Masyadong malaki ang galit na nabuo sa puso ko, and I hope you'll understand me."
Napatango si Madison hanggang sa hindi niya akalaing matitigilan siya sa naging katanungan nito. "Hindi kaya.. hindi ka pa rin handang magmahal ulit dahil hanggang ngayon ay masakit pa rin para sa'yo ang pagkawala ni Mara. Geofferson, are you really serious about your courtship with me? Kasi, p'wede naman tayong maging magkaibigan muna habang hindi pa naghihilom ang puso mo."
Tila ba natameme siya sa mga katagang sinabi ni Madison. Hanggang sa hindi nila namalayan ang pagdating ni Jasmine. "Totoo ba, Geoff? Na mahal mo pa ang kapatid ko?" Para bang naipit siya sa isang sitwasyon na mahirap takasan. Aaminin niyang hindi nawala sa puso niya si Mara, pero para sa kaniya ay ibang bagay ang pinipilit niyang pasukin ang buhay ni Madison at ibang bagay din ang paghahangad niya ng kapanatagan sa kalooban sa kabila nang naging kasalanan ng kaniyang ama sa pamilya Llaneta-- lalung-lalo na kay Mara.
Pero bakit tila nagtatalo ang puso at isip niya sa nakaraan at sa kasalukuyan nang dahil sa katanungan ni Jasmine?