Chapter 9

2395 Words
THEY HAVE turned to went to the hospital just because of the unexpected follow up call from her mother. And for him, it was a great excuse to put off the questions of Jasmine that is hard to answer for the mean time. Pero kahit namamayani ang katahimikan nila ni Madison sa kalagitnaan ng kanilang biyahe ay hindi niya pa rin maitatanggi sa sarili na masyado siyang naapektuhan sa naging katanungan ni Jasmine, and most especially, mas iniisip niya ang mararamdaman ni Madison ngayon. "Kanina ka pa tahimik simula nang umalis tayo ro'n. Is there anything that bothers you?" mahinahon niyang pagkakawika sa dalaga matapos itong pasadahan ng tingin dahil kasalukuyang nakahinto ang kotse sa gitna ng traffic. And in fact, nasa cross road sila kung kaya't nataong naka-red light ang traffic lights. "Bakit ba kasi hindi mo na lang sinagot ang tinanong ni Jasmine kanina? Nang hindi lumilipad nang ganito ang isip ko," sinserong wika ni Madison. "So, pareho lang pala tayo nang iniisip," napapangising aniya. At doo'y nagawa siyang sentruhin ng tingin ng dalaga. "Kilala mo ako, Geofferson, prangka akong tao and I love the way how someone could open up his true feelings to me. Kaya ngayon sabihin mo sa akin, ano ba talagang motibo mo na ligawan ako? Para lang ba tuluyang makalimutan si Mara?" Napasandal ang braso niya sa manibela. Dahil hindi niya akalaing magagawang buksan muli ni Madison ang naudlot na topic kanina. And for some reason, gustuhin niya man magbigay ng dahilan ay hindi naman siya sigurado kung paano iyon matatanggap ni Madison. Of course, sigurado naman siya sa nararamdamang pagkagusto sa dalaga-- pero kapag involve si Mara ay hindi niya mapigilang magawang magdalawang isip sa nararamdaman. Ang ilang segundong lumipas ay nanatiling tahimik habang hinihintay pa rin ni Madison ang kaniyang kasagutan. At saktong nag-green na ang traffic lights, kung kaya umusad na rin ang mga sasakyan, hudyat na kailangan na niyang magpatuloy sa pagmamaneho. Bagama't kinakapa niya ang mga salitang kailangan lumabas sa bibig ay maingat naman siyang nakapagmaneho patungo sa nasabing hospital ng kaniyang ina. "Mads, please, p'wede bang mamaya ko na lang 'yan sagutin? Mas may mahalaga pa tayong kailangang harapin, and you promise me na tutulungan mo ako." Bahagyang napailing si Madison kasabay ang sandaling pagngisi. "Kita mo? Silence means yes. Geofferson, hindi mo na kailangang ipaliwanag sa akin, malinaw pa sa sikat ng araw, e, na isa lang din naman pala ako sa listahan ng mga babae mo." "Don't say that," mahinahong aniya. Subalit sadyang hindi pa rin nagpatinag si Madison. "Pero iyon ang ipinahihiwatig mo--" "I said, don't say that!" napasigaw na aniya. At kasabay nang pagsigaw na 'yon ang paghinto ng kanilang sinasakyan. Tanaw-tanaw na niya ang nakatayong hospital na pupuntahan nilang dalawa at saktong nakaabang sa may entrance ng gate ang guwardiya na siyang nag-welcome sa sinasakyan nilang Toyota Vios. Nanatiling walang imik si Madison hanggang sa makapag-parking sila sa may parking lot. Nang balikan niya ito ng tingin ay nakatingin lamang ito sa kawalan at saka naman siya naglakas loob na magsalitang muli, "I'm sorry.." Doo'y bahagyang napalingon si Madison sa kaniya. Saka nito kusang binuksan ang pinto ng kotse. "Pumasok na tayo sa loob." Ramdam niya agad ang pag-iwas nito sa usapan. At sa isang iglap ay tila nahipnotismo siya nang mabilis na paglakad nito na parang walang nangyari. Hanggang sa hindi niya namalayang para siyang nanigas na isang yelo mula sa kinatatayuan dahil hindi niya man lang magawang sumunod sa dalaga. Until he heard her voice that was wrapping out the place. "Ano? Diyan ka na lang? Hindi porque ako ang hiningan mo ng pabor na kausapin ang daddy mo ay hindi mo ako sasamahan?" Napangiwi siya sa sinabing iyon ni Madison. Gayundin ang kaniyang paghanga sa galing nitong magtago ng tunay na nararamdaman. In fact, she supposed to be mad at him, pero dahil sa kanilang naging kasunduan ay kinakitaan niya pa rin ito ng kagustuhang matulungan siya. Nang makarating sila sa third floor ay normal na sa kaniya ang makaramdam ng paninibago. Lalo pa't wala siyang ideya sa sickness history ng kaniyang ama. Natanaw niya ang k'wartong sinabi ng kaniyang ina, kung saan ay kasalukuyang mino-monitor ang kalagayan ng kaniyang ama. Habang ang ina niya naman ay maluha-luhang sumalubong sa kaniya. "Bakit ngayon ka lang?" "Pasensya na, mom, dinaanan ko pa kasi si Madison. Ahm, kumusta si dad?" Para bang bulong sa hangin ang katanungang iyon lalo na't sa dinami-rami ng taong dapat niyang bigyan ng pag-aalala ay ang taong kinamumuhian pa niya. "He was still not good. But I'm hoping na kakausapin mo siya para naman maramdaman ng daddy mo na, you were still care for him." "Damn it, bakit ko ba kasi kailangang gawin 'to?" pabulong niyang sabi at doo'y naramdaman niya ang kamay ni Madison na dumapo sa balikat niya. "Geofferson, 'wag kang mag-alala, gagawin ko ang ibinilin mo." Ilang sandali pa ay dumapo ang tingin ng kaniyang ina kay Madison. "Wait, who is she? Does she was the girl you are talking to? Madison?" Napalingon naman siya sa naging katanungan ng ina. Magsasalita na sana siya subalit una niyang narinig ang tinig ni Madison. "Ahm, good afternoon po, tita. Ako po pala si.. Madison Agcaoili. F-friend ni Geofferson." Bahagyang napataas ang kilay ni Mrs. Prieto bagama't namamayani rito ang hindi pagsang-ayon sa narinig, dahil na rin sa kilala nitong babaero ang anak. "O, so are you really just friends?" paniniguro pa nito. "Mom naman, ahm, actually, I am courting her. And I am sure na magugustuhan mo rin siya like Mara. Mom, ang totoo niyan ay, na-i-k'wento ko na sa kaniya kung ano ba talaga ang nangyari. That's why she's here to talk with dad in behalf of me." Doon nagsalubong ang kilay ng kaniyang ina. "Really? Are you out of your mind, Geofferson? At gagawin mo pa talagang pain ang babaeng nililigawan mo para lang makausap ang ama mo. Bakit? Hindi mo ba kayang gawin ang bagay na 'yon kaya inaasa mo sa iba? How could you this? Umasa ako, hijo, na even this time ay ibababa mo ang pride mo!" Napakapit siya sa sariling baba matapos na marinig ang mga katagang 'yon mula sa ina. Until he heard again the voice of Madison. "Tita, mawalang galang na po, alam kong wala akong karapatan na makausap ang ama ni Geofferson, dahil hindi n'yo naman ako kaano-ano. But I just wanted to help-- hindi ba't kapag galit tayo sa isang tao ay kung anong masasakit na salita ang nasasabi natin? That's the reason why Geofferson has able to asked my help, and I hope you'll understand, tita, kung bakit umaasa si Geofferson na matutulungan ko siya." Sandali pa silang nagkatinginan ni Madison hanggang sa napatango na lamang ito sa kaniya. Habang wala namang anong salita pa ang lumabas sa bibig ng kaniyang ina upang pigilan ang babaeng gusto niya. Ilang saglit pa ay nanatili siyang tahimik habang hindi naman matahimik ang kaniyang isip sa kung anong nangyayari sa loob ng ICU. Mag-isa na lamang kasi siya sa labas dahil nagawang sumunod ng kaniyang ina kay Madison. And while he was left hanging, sari-saring katanungan ang pumasok sa isip niya. What if his mom was right? What if his father was waiting for his approach? And what if this could be the last chance to talk to him? Sa kabila ng mga katanungang namayani sa kaniya ay hindi pa rin niya maaalis sa isipan ang galit na nararamdaman para sa ama. And at the end of his thinking, he was realized that no matter what he tries, it always end up useless. Pakiramdam niya'y hindi pa siya handang makausap ang taong kinamumuhian niya hanggang ngayon. Ang taong hinangaan niya nang sobra noon. Halos trenta minutos din ang lumipas ang kaniyang naging paghihintay bago pa man niya muling masulyapan si Madison na kasunod ang kaniyang ina. At tila ba ang tingin nito sa kaniya ay nangungusap nang magtama ang tingin nilang dalawa. "What happened? How is he?" Ilang segundo pa ang lumipas subalit wala siyang narinig na malinaw na kasagutan maliban sa pag-iling ni Madison. Until he was unexpected to hear the answer from his mother. "Masyado kang ma-pride, hijo. And I really can't understand on why you're doing this to your dad. Na sana ay isinantabi mo na lang muna ang galit na nararamdaman mo sa kaniya." Imbes na sagutin ang naging akusasyon sa kaniya ng sariling ina ay sandali pa siyang napasulyap kay Madison upang hingin ang impormasyon na nangyari sa loob ng ICU. "Tell me, what was really happened?" Sumentro ng tingin sa kaniya si Madison at doo'y umaasa siya na makakatanggap ng malinaw na kasagutan. Pero ito lang ang narinig niya, "Maiintindihan mo rin kapag ikaw na ang mismong kumausap sa kaniya." Napabuntong hininga siya. "Pero, Mads--" "Tapos na ako sa part ko. Ang mahalaga ay nakatulong ako." Akala niya ay tapos nang magsalita si Madison subalit ilang segundo pa ang lumipas ay pabulong itong nagsalita, "Pagkatapos nito ay kailangan mo pa rin linawin sa akin ang iyong kasagutan sa katanungan ni Jasmine." Para siyang na-estatwa sa huling mga katagang sinabi sa kaniya ng dalaga. And the last thing he knew was he was left by her in the middle of the passage way. Until he felt the hands that wrapping unto his arm. "Hayaan mo na muna siya. Madison is a good woman, and I like her," konklusyon ng kaniyang ina. "But, did she talked to dad?" Iyon ang naging pagbungad na katanungan niya sa ina. Habang marahan naman itong napatango. "But it seems nothing. You're dad was still on a critical condition and I know that he was still waiting for your voice to speak up." Parang kay bigat na dalahin sa kaniya na marinig ang katotohanang iyon. Hindi niya alam kung ano pa ba ang pumipigil sa kaniya ngayon gayong kung ang kasunod din naman nito ay ang umaasang si Madison mula sa kasagutan niya sa naging katanungan ni Jasmine. At pag-asang mabibigyang linaw din niya ang nararamdaman between Mara and Madison. He was ended up alone, tanging karamay niya ang yosi ng mga oras na iyon. Naroon pa rin siya sa parking area ng hospital at hindi niya alam kung dapat ba niyang ipagpasalamat na hindi sa mismong hospital na pinapasukan niya dinala ang kaniyang ama. Dahil kung nagkataon ay baka balutin lamang siya ng galit sa oras ng trabaho. Pero anong insulto rin sa kaniya ngayon na siya itong doktor ay hindi niya man lang agad nalaman ang kondisyon tungkol sa kalagayan ng kaniyang ama. In fact, he is a general doctor at kaya niyang malaman ang iba't ibang kondisyon ng pasyente pero wala siyang kakayahang pagalingin ito dahil wala naman siyang specialty, unlike Topher na doctor sa mga mata. In general, he used to call a general doctor not a physician. For some reason ay kaya niya lang maresetahan ka ng gamot pero wala sa kamay niya ang ikagagaling mo. In the middle of the night ay pinanindigan niya pa rin ang desisyong makausap si Madison. Saktong naabutan niya ito sa may apartment nito at kasalukuyang nagpapahinga. Wala siyang pakialam kung maistorbo niya man ito, ang importante sa kaniya ngayon ay ipamulat dito ang katotohanan tungkol sa nararamdaman niya para sa dalaga. "Geofferson? Akala ko ba ay nag-stay ka muna sa hospital ngayong gabi?" "Well, that's my excuse para hindi mo isiping pupuntahan kita, tonight." Nakita niya ang bahagyang pagkunot ng noo ni Madison. At sa halip na ipagtulakan siya nito paalis ay pinatuloy pa rin siya nito sa loob. "Kung nagugutom ka ay asahan mong walang lutong pagkain, malay ko ba naman na pupunta ka rito." "It's okay, I just bought a dinner meal in a convenience store. So, can I eat this here?" Pinangko ng tingin ni Madison ang hawak niyang naka-sealed pang pagkain. Batid niya na malabong mapakain si Madison ng ganoong oras pero hindi naman matahimik ang konsensya niya na hindi ito alukin. "Anyway, kain tayo? Sabayan mo ako." Madison got surprised to see the other dinner meal that was still not opened. At doo'y kunot noo itong napaupo sa tapat niya. "Nagpapatawa ka ba? Alam mong hindi na ako kumakain ng ganitong oras--" "Of course, I know. But you can still keep this for your breakfast tomorrow." Saka niya inilahad dito ang naka-sealed pang pagkain na nasa tub. Doo'y bahagya namang napaawang ang bibig ni Madison bago pa man tanggapin ang pagkain. "Okay, mahirap tumanggap sa blessings that's why I'll take it." Tipid naman siyang napangiti bago nagpatuloy sa pagkain. Samantala'y nagawa namang ilagay ni Madison sa mini fridge nito ang ibinigay niyang food. Enjoy na enjoy lamang siya sa pagkain habang abala naman sa paggamit ng cellphone si Madison. Hanggang sa nabasag ang katahimikang namamayani sa kanila nang matapos na siyang kumain. "Ahm, anyway, I came here to talk to you." Doo'y bahagyang napataas ang kilay ni Madison habang hinahanap niya naman ang trash can. At mukhang nahalata naman siya nito. "Hayaan mo na, ako na ang bahalang magtapon niyan mamaya. And now sabihin mo sa akin, tapos mo na bang kausapin si tito?" Bahagya siyang napayuko. "Iyon nga ang problema, e, I can't do that." Napaawang ang bibig ni Madison sa narinig bagama't nanatili itong tahimik at umaasa sa kaniyang susunod na sasabihin. "But I'm sure na hindi ako makakatulog nito nang maayos kung hindi kita kakausapin." Isang malalim na pagbuntong hininga pa ang pinakawala niya bago pa man magpatuloy sa sasabihin. "Gusto mo nang malinaw na sagot, 'di ba?" Tila natameme si Madison sa narinig. At kapagkuwa'y tila nagkaunawaan ang kanilang mga matang magtagpo at hayaan ni Madison ang sandali para sa kaniya na makapagpaliwanag. "Mads, you won't believe me, I admit na si Mara.. ay nandito pa rin sa puso ko at hindi mawawala 'yon dahil ipinangako ko 'yon sa kaniya. Ipinangako ko rin sa kaniya na kung magmamahal akong muli ay asahan niyang mamahalin ko rin ito katulad nang pagmamahal ko sa kaniya. Pero, Mads, maniwala ka naman sana na hindi kita ginagawang rebound para lang makalimot. Maniwala ka naman sana na iba ka sa mga babaeng niloko ko at ituring na pangkama lang. Maniwala ka naman na gusto talaga kita." Parang tumigil ang mundo sa pagitan nila. Hanggang sa hindi niya namalayan na may luhang pumapatak sa pagitan nila. And it was from Madison. Gaano ba ito naapektuhan sa sinabi niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD