Chapter 102

1583 Words

DUMATING ANG araw ng nasabing outing ng buong tropa pagkatapos lamang ng isang linggo. Sa isang resort sa Lipa, Batangas na kung tawagin ay The Farm At San Benito. Dito nila napagkasunduang matuloy ang outing dahil na rin sa native ambiance nito at para ka rin talagang nasa kabundukan. Nakarating sila roon dala ng kani-kanilang mga kotse, kung saan ay doon na rin pinasakay ni Geofferson sina Jenny at Brent sa kaniyang kotse upang hindi na ito mag-commute pa. Bagay na ipinagpasalamat naman ng magkasintahan sa kaniya. "Wow! Ang ganda rito," napapamanghang wika ni Jenny habang inaalalayan nito sa paglalakad ang nobyo. Silang lahat ay katabi ang kani-kanilang mga nobyo't asawa sa pagtuntong pa lamang ng farm resort. Buong tropa lang talaga at napagkasunduan din nina Laarni at Sabrina na i

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD