SA KASALUKUYAN ay unti-unti na ngang nakaka-recover si Brent at hindi magtatagal ay makakapagmaneho na ito ulit. Pero kahit limitado na muna sa ngayon ang mga nais nitong gawin ay sinisigurado naman ni Jenny na gagawin pa rin nila ang mga nakasanayan nilang gawin noon, katulad nang pamamasyal o pagkain sa labas. Sa katunayan ay unti-unti muli silang bumabangon, kahit na medyo nabawasan ang iniipon nila para sa future. And one day, they didn't thought that there has an outing invitation from Geofferson and friends, given the fact, na kasali na rin sila sa group chat ng buong tropa. Kaya naman sina Jasmine, Sabrina, Hanna at Laarni ay masayang in-approach si Jenny. Habang sina Travis, Dave, Topher at Andrei naman ay kinumusta si Brent. "Si Geofferson pala ang nag-add sa atin sa group cha

