NAKITA NIYA ang bakas ng dugo sa may bedsheet ng kama kinabukasan at doon niya lang naramdaman ang mga brasong nakayakap sa kaniya. Doon niya lang naalala na kaniya nang ipinagkatiwala ang sarili sa nobyo kagabi. At wala siyang pinagsisisihan do'n. Pinagmasdan pa niya si Geofferson at sadyang mahimbing pa rin ang pagkakatulog nito. Ngunit tila itinuring siya nitong isang malambot na unan nang dahil sa pagiging komportable nito mula sa pagyakap sa bewang niya. Kaya naman para hindi ito magising ay dahan-dahan niyang inalis ang braso nito sa kaniyang bewang upang magawa na niyang bumangon. Subalit, sandali siyang napaingit nang maramdaman ang sakit na nagmumula sa kaniyang maselang parte ng katawan. Kaya naman mas nag-ingat pa siyang bumangon upang tuluyan nang makababa sa kama. Tatayo pa

