Chapter 51

1525 Words

"KAILAN ka pa natutong tumanggi kapag may nakaplanong inuman ang tropa, Jayson, hah?" tanong iyon ng kaibigan ni Jayson na si Harold. "Harold naman, e, wala namang naidudulot na maganda ang pag-iinom. Isa pa, ay hindi napupulot ang perang ibinibigay sa akin ng ate ko para lang may maipangbayad sa tuition fee," mahabang paliwanag niya na binigyan lamang nito ng ngisi at pag-iling. "Diyan ka na nga!" Halatang dismayado ito sa naging kasagutan niya. Gayong siya ito sa pinakamagaling makisama sa magtotropa, kaya kung wala siya ay tila hindi kumpleto ang pagsasama. Napabuntong hininga pa siya bago pa man magpasyang magtungo sa kanilang susunod na classroom. At pagkarating doon ay naroon na rin ang professor at isa-isang pinipirmahan ang exam permit bilang patunay na nakabayad ka sa tuition

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD