IN THE MEANTIME, Adelle's plan of trying to convince Geofferson to marry her was still on going. Ngunit ang paghahangad naman ni Allan na makuha siyang muli ay hindi rin naman magpapapigil. "Bakit ka nandito?" tanong ni Adelle nang minsan siya nitong bungaran sa labas ng clinic na pinapasukan niya ngayon bilang secretary. "Sinusundo ka. Masama bang sunduin ang babaeng mahal ko?" Marahan siyang napangisi. "Hindi na kailangan, may pamasahe ako. Saka p'wede ba? Tantanan mo 'yang kasasabi sa'kin na mahal ako dahil naririndi ako!" "Wow, para namang hindi mo ako no'n minahal." "Noon 'yon! Saka kung p'wede, 'wag ako ang atupagin mo, kundi ang pinapatrabaho ko sa'yo!" Sandali itong napakapit sa may baba at hindi niya inaasahan ang itatanong nito. "Ano bang pinaplano mo? Na paniwalain sa

