AGAD NA nag-panic ang mga nurses na tumitingin kay Madison nang sumapit ang pasado alas otso ng gabi dahil na rin sa malakas na pagtunog ng medical machine. At nang tingnan ni Dra. Lucena ang dahilan, iyon ay dahil sa sign na patuloy sa pakikipaglaban ang pasyente. Hanggang sa ang ingay na 'yon ay sadyang tumigil at tumigil na rin ang pag-curve ng linya at nauwi sa straight na linya sa ECG monitor na siyang nagdeklara ng kamatayan ni Madison. Sinubukan pang isalba ng mga doktor na kasama ni Dra. Lucena kung may magbabago sa vital signs nito ngunit walang nagbago. "Why does it happened?" nagtatakang sabi ni Dr. Dominguez na isa ring neurosurgeon at katulong ni Dra. Lucena sa operasyon. Samantala'y kaka-out lamang no'n ni Geofferson sa clinic matapos nitong mag-sideline sa clinic ni Dr.

