THE LAST few minutes before the day ends were supposed to be the time for resting, but unfortunately, Geofferson has begun to overthink for what happened the entire day. Parang sa isang iglap ay nagbago ang lahat. Parang kanina lang ay kasama pa niyang kumain ng almusal si Madison habang kausap ito sa kung anu-ano mang mga bagay, at parang kailan lang ay nag-effort pa itong lumuwas ng Maynila para lang makasama siyang mag-celebrate ng birthday. Samantalang ngayon.. tila isa na lamang iyong alaala at walang kasiguraduhan kung mangyayari pa. Pero dahil malaki pa rin ang kaniyang pag-asa na magigising si Madison ay ginawa niya iyong inspirasyon upang mas magtiwala pa sa plano ng Diyos. "Lord, whatever your plan is, I will continue to believe in you." Tipid pa siyang napangiti matapos na sab

