SA KABILA ng kaunting ilangan ay nanatili sa isipan ni Madison ang mga nalaman. Kaya naman habang masayang nag-uusap ang lahat ay kapansin-pansin ang kaniyang pananahimik. For some reason, Jasmine is expecting it to happen, little did she know that Madison was still upset to their friendship. In fact, sanay naman na siya sa moodswings ni Madison, pero ang ipinagtataka niya ngayon ay bakit ganoon katagal ang epekto? Nang matapos kumain at magkaroon ng pagkakataon na ito'y kausapin ay siya na ang unang lumapit dito habang pabalik sila sa may pool area. "Madi," may halong hiyang pagkausap niya. Pero hindi niya naman inaasahan na tutugon ito agad. "O?" "Ahm, sorry, hah?" "Hindi, ako dapat ang magsabi niyan, I'm sorry." Sandaling nagkaroon ng katahimikan sa pagitan nila bago pa man siy

