"Bakit hindi muna sila sumabay kumain sa'tin bago umuwi?" tanong ni Mrs. Prieto matapos mabalitaan nito na umuwi na ang mag-asawang Jasmine at Travis. "Mom, may pasok pa po kasi si Travis, and hindi niya naman p'wedeng iwan na lang dito ang kaniyang mag-ina, of course, isasama niya 'yon." "Okay, pero sana man lang ay sinabihan n'yo kami ni Tito Luis mo na uuwi na sila." "Paano naman namin kayo masasabihan kung ayaw n'yo akong pagbuksan ng pinto kanina? I-i mean, kumakatok ako pero mukhang tulog pa kayo." "Ahm, I'm sorry, hijo. Masyado lang napasarap ang tulog namin ng Tito Luis mo." Napatango siya subalit pasimple naman siyang bumulong sa ina. Tutal naman ay kasalukuyang nasa shower room si Luis. "But, mom, I will not let this to happen again. Hindi p'wede na palagi mong patutulug

