"ANO? Sinasabi ko na nga ba na tama ang kutob ko no'n, e. Na posible ngang pineperahan lang ni Tito Luis si mommy. At ito namang si mommy, nagpapauto rin?" He sighed sharply. At doo'y hindi niya maiwasang mahampas ang manibela. Kasalukuyan na sila no'ng nasa Parañaque at binabaybay na rin nila ang kalsada sa kabila nang mabagal na pag-usad dahil sa traffic. Pero hindi niya pinalampas ang matinding emosyon sa nalaman mula sa nobya. "Geoff, hindi rin natin masisisi si tita, masyado siyang nabubulag ng pagmamahal. Ang importante, ay na-i-k'wento ni manang sa akin ang katotohanan." "But I'm wondering, kung minsan na silang nagtalo about sa pera, it was really possible na may pinaglalaanan si Tito Luis sa pera. And for what reason? Bakit kailangan niyang pumasok sa buhay ni mommy para lang m

