MABILIS NA lumipas ang mahigit isang taon. Bukod sa lumago ang itinayong negosyo ni Madison ay malaki rin ang naitulong ng nakuha niyang last pay sa last employer niya. Dahil na-fully paid niya ang tuition fee ni Jayson this school year. Kaya naman ang sa pag-o-OJT na lamang nito ang paglalaanan niya next year. Wala rin siyang naging problema sa mga naging gastusin sa panganganak. At dahil doon ay tuluyan na ngang nagbago ang takbo ng kanilang buhay sa pagdating ni Baby Harvey. Buwan ng Hunyo ipinanganak si Baby Harvey, Hunyo otso, at inspired ang pangalan nito sa isang malakas na bagyong tumama sa US, taong 2017. Para kay Madison ay strong baby si Baby Harvey dahil kasagsagan ng bagyo nang siya'y makapanganak ngunit hindi naging hadlang iyon para ito'y ligtas na maisilang. "Ang pogi-pog

