DUMATING ang ika-dalawampu't apat na kaarawan ni Madison at walang kamalay-malay ang dalaga na sadyang pinaghandaan ni Geofferson ang kaniyang kaarawan. Sumakto pang araw ng Linggo kung kaya't nagkataong libre ang buong tropa. Kaya naman kaniya-kaniya silang toka ng gastos para sa balloons, alak, pulutan, cake, pizza, tuna carbonara at iba pang masasarap na pagkain. "Excited na me! See you, Tarlac!" masiglang sabi pa ni Sabrina. Suot nito ang outfit na kay tagal din nitong hindi nasuot nang dahil sa pagbubuntis. Kamakailan lamang ay pumutok ang balita na kapapanganak lamang nito no'ng nakaraang buwan. At oo, nagawa nitong ilihim sa tropa ang pagbubuntis ng ilang buwan para maging sorpresa ang balitang iyon sa buong tropa. At siyempre, baby girl naman ang ipinanganak nito. "Uy, brat! Pa

