HINDI NAGTAGAL ay natupad nga ang planong pagluwas ni Madison ng Manila kasama si Baby Harvey. Sa mga pagkakataon na 'yon ay sina Aleng Mylene at Mang Ben na muna ang pinagkatiwalaan niyang magbantay ng grocery store dahil rest day ni Juvy. Bagama't hindi sigurado si Madison na makakabalik agad sila kinabukasan ay inihabilin niya na rin muna sa magulang ang negosyo, tutal naman ay balang araw, ibibigay niya rin ito sa mga ito. Si Jayson naman ay madalas na rin busy sa thesis nito kasabay nang umuusbong na relasyon nito kay Audrey. No wonder how inspire was him ever since they have each other. At 'yung ipinagbabawal na bagay na inaakala ng kanilang tropa na parte na ng relasyon nila, ay ang bagay na iniingatan nilang hindi mangyari hangga't hindi pa sila kasal. Of course, marami pa silang p

