IT WAS not easy for him to end the conversation with his father, nang hindi niya matatapakan ang pagkatao ni Madison. In fact, kahit batid niya na wala na sila ay ayaw niya pa ring ipaalam sa magulang ang kinahantungan ng relasyon nila. Lalo na kay Adelle na siyang mas unang magdidiwang kapag nalaman nito ang katotohanan. And speaking of Adelle, malawak pa naman ang buong araw para ipagpatuloy niya ang misyon sa dalaga. Matatandaang nagtangka na naman siya nitong pagsamantalahan noong isang araw sa kabila nang pagkalaki ng tiyan nito. Nagdesisyon na muna siyang umuwi upang magpahinga. Pagkauwi sa condo ay binalot na naman siya ng matinding kalungkutan. Hindi maalis sa kaniyang isipan ang mga alaalang nabuo nila ni Madison sa apat na sulok ng condo na iyon. Animo'y sariwa pa rin sa kani

