MASAKIT MA'Y kay hirap tanggapin. Umuwi siya ng Maynila na bigo kasama si Topher dala ang bigat sa dibdib na nadarama. Hindi niya alam kung may dahilan pa ba para ipaglaban ang isang taong ipinagtutulakan na siyang umalis, o kung dapat pa ba siyang kumapit sa pag-asang sakaling magbago pa ang desisyon ni Madison. Hindi na nga natupad ang dapat sana'y dadaan sila sa kulungan para makausap ang ama at doo'y ipaalam dito ang plano niyang pakasalan si Madison. Pero dahil sadyang iba ang itinakbo ng kapalaran ay tatanggapin niya na lang kahit sobrang sakit at kahit hindi pa rin siya sanay na mabuhay nang wala si Madison. "Bakit gano'n, bro? Sobrang sakit, 'ni minsan ay hindi ko naisip na magagawa sa'kin 'to ni Madison," aniya habang seryosong nagmamaneho. Mahigit trenta minutos na simula nang

