NANATILI SIYANG tahimik habang nakatitig sa mahimbing na natutulog niyang nobya. Naisip niya na anuman ang pinagdaanan nito sa kamay ng mga dumukot dito ay naging malakas pa rin ito at nakauwin nang ligtas. Bagay na ipinagpapasalamat niya sa Diyos. Walang duda na na-miss niya itong titigan nang malapitan. At kung iisipin ay parang kay tagal na panahon niya itong hindi nakita. Kaya naman sa bawat segundong lumipas ay nanatili lamang siyang nakatitig dito. "Sino ba talaga ang may gawa nito sa'yo?" pagkausap niya rito kahit malabong marinig nito. At kamukat-mukat ay nakarinig siya ng malalakas na katok mula sa pinto. Halatang iritable at nagmamadali ang kung sinumang kumakatok sa pintong iyon. Kaya naman sandali niyang iniwan ang nobya na kay himbing pa rin ng tulog. Pagkabukas niya ay

