KALAUNAN NGA ay nagkita sina Geofferson at Adelle sa isang cafeteria. At dahil nga maaga siyang natapos mag-clinic ay mas marami siyang oras para asikasuhin ang kaso ni Madison. Pero dahil mas kinakailangan niyang makausap si Adelle ay pinaglaanan niya talaga ito ng oras. Bagay na hindi rin naman siya pinagkaitang bigyan ng pagkakataon nito para magkita. Kakaibang saya ang naramdaman ni Adelle nang makita siyang muli. Kung kaya naman mabilis itong napayakap sa kaniya. Bagay na ikinailang niya. "Ah, by the way, please have a sit," aniya matapos ang sandaling pagkailang. Ramdam naman din ni Adelle ang hindi niya pagiging komportable sa yakap kung kaya't agad din itong dumistansya sa kaniya. "Thank you. Hm, mabuti naman at naisipan mong makita ang magiging ina ng anak mo." He sighed an

