Ezlynn Makalipas ang ilang araw ay palagi pa rin akong ginugulo ni Richter. Minsan napapanaginipan ko pa rin ang mukha nito. Palagi ko kasi siyang naiisip. Kagabi nag-dive ako sa internet tungkol sa kaniya at talaga nga namang sumasakit ang ulo ko dahil sa hitsura niya. Bakit naman kasi kamukhang-kamukha niya si Rich? Minsan pinagmamasdan ko si Rich nang hindi niya alam. Pero hindi ko siya kinakausap o pinapansin kahit magkasama kami sa condo ko. Busy kasi akong isipin si Richter Tenorio. Sinubukan kong i-search si James Abasolo sa laptop ko ngayon. Baka may alam siya tungkol sa Richter na 'yon dahil gusto ko itong ma-meet personally. Ano ba, Ezy? Nababaliw ka na. Hindi yata ako mabubuhay nang mapayapa hanggat hindi ko nakikita o nakakausap manlang si Richter. May gusto lang kasi akong l

