Michael daw ang pangalan niya at masaya naman siyang kausap 'yon nga lang ay may pagka-malantod dahil ilang beses kong tinataboy ang kamay niya sa tuwing hahawakan niya ako sa baywang o kahit sa ano'ng parteng bahagi ng katawan ko. Nag-usap kami ng kung anu-ano hanggang sa nagpaalam na ako sa kaniya. "Almost two hours din tayong magkasama dahil 9:00 pm na. Thank you sa time pero kailangan ko nang umuwi," sabi ko habang nasa table kami. Nang mapagod kasi kami sa pagsasayaw ay dito na kami nag-usap at nagkuwentuhan para makapag-pahinga. "Ang bilis naman. Wala pa nga sa kalagitnaan ang party, eh. 4:00 am pa 'to matatapos," sabi ni Michael sa akin. "May kasama kasi ako, eh. Kailangan ko siyang hanapin," sabi ko kasabay nang pagtayo at pagkuha ko ng sling bag sa ibabaw ng table. "Gano'n ba?

