Minulat ko ang mga mata ko at saka bumangon sa pagkakahiga. Nag-unat unat ng mga kamay habang tinitingnan ang kabuuan ng kuwarto. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako kanina. Nasaan kaya sila at ano ang ginagawa nila? Tumayo na ako at saka nagbanyo. Pagkatapos, nag-ayos ako ng sarili ko bago nagpasyang lumabas ng kuwarto. Alas kuwatro na. Ang sabi ni Rich gusto niyang mapanuod ang sunset kasama ako. Habang bumababa ng hagdan ay natanaw ko si Mildred kausap ang dalawang kasambahay na nakalimutan ko ang mga pangalan. Nagtatawanan ang mga ito habang nagkuwekuwentuhan. Nang makita ako ni Mildred ay um-ayos ito ng upo at saka nakangiting pinanuod akong makalapit sa kanila. Kumakain ito ng mga nilagang mani kaya in-alok niya ako at tinanggap ko naman ang binigay niya. "Gising ka na pala. A

