Maaga akong nagising para magluto kasama sina Marie at Melia. Mukhang tulog pa ang dalawa kaya tamang-tama lang ang timing namin. Nagluto kami ng fried rice, sinigang na hipon, ginisang ampalaya with egg at hotdog. Nagtimpla na rin kami ng mga kape para sa agahan namin. "Sa garden ba kayo kakain?" Tanong ko sa dalawa habang naghahanda kami sa lamesa. "Yes po, Madam. Bonding niyo po kasama ang mga bisita niyo, eh," sabi nila sa akin kaya nginitian ko sila bilang tugon. "Salamat, ah?" "Ang bango naman niyan," sabi ni Ava kasama si Ezy nang pumasok sila sa dining room. Mukhang good mood ang dalawa, ah? "Kakain na ba? Gutom na ako pero mas lalo akong nagutom ng makita ko ang mga nakahain," sabi ni Ezy kasabay nang pag-upo sa upuan. Umupo na rin si Ava katapat niya at bago pa man sila maka

