Ezlynn Nauna akong maglakad kay Ava paakyat sa taas at naramdaman ko naman ang pagsunod nito kasabay ng isang kasambahay ni Mildred dito sa resthouse niya. Arrggh! Kung hindi lang buntis at napikon si Mildred ay hindi ako papayag na makasama ang bruhang 'to. Mas ma-pride pa yata kaysa sa akin. Tahimik kaming pumasok sa loob na dalawa at nakita naming nakaayos na ang mga gamit namin at sobrang linis ng buong kuwarto. "Rest well po," nakangiting sabi ng kasambahay bago isara ang pinto at iwan kaming dalawa sa loob. Nakatayo lang ako habang pinagmamasdan ang kuwarto nang biglang humiga si Ava sa kama. Malaki at kasya naman ang dalawang tao sa kama pero ayaw ko siyang katabi kaya gumapang ako palapit sa nakadapang si Ava at saka malakas itong tinulak dahilan para malaglag ito sa sahig. "Fv

