Mildred Parang timang ang dalawang 'to. Pinapahirapan akong magbigay ng instructions. Hindi na lang nagsabay na lumuwas papunta rito. May problema ba ang dalawang 'to? Imposible naman. Dahil kahit maldita si Ezy at mapang-asar naman si Ava ay kailanman hindi sila nagse-seryoso sa mga asaran. Baka busy lang o ano. Pinipilit ko ang sarili ko na maayos ang lahat at walang problema. Medyo halata na rin ang baby bump ko at masaya ako dahil healthy daw ang baby ko sabi ng doctor. Mag-two months and half na akong buntis. Sayang nga lang at walang magiging tatay ang anak ko. "Hays!" Napabuntonghininga na lamang ako dahil sa pag-iisip na naman kay Jefferson. Kahit gaano kaganda rito ay hindi ko pa rin maiwasang hindi malungkot. Hindi naman ako mag-isa dahil hindi ako papayagan ng parents ko. Ma

