Chapter 38

1821 Words

"Oo. Ihahatid na kita sa inyo," sabi ko sa kaniya habang tinuturo sa kaniya ang passenger seat. "Hindi na. Sabi ni Madam ako na lang ang maghahatid sa iyo," sagot niya sa akin kaya sinara ko ang pinto at saka tumingin sa kaniya. "Ikaw na mag-drive ng sasakyan na ito. Magta-taxi na lang ako." Pagkasabi ko n'on ay mabilis akong lumakad palayo. Ilang beses pa akong tinawag ni Jessica sa pangalan pero hindi ko na siya pinansin pa. Nang makarating ako sa condo nina Christian at Tessa. Nagulat sila nang makita ako. "Sir, kumusta? Ngayon ka na lang ulit nakapunta rito," sabi ni Christian nang papasukin nila akong dalawa. Napatingin ako sa tiyan ni Tessa na medyo halata na kaya ngumiti ako sa kaniya. "Naisipan ko lang na dito tumuloy ngayong gabi. Kung ayos lang sa inyo," sabi ko sa kanila.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD