"Naisip ko lang na. Hindi mo kailangan nang maraming pera para lang sumaya ka. Sa mga ganitong pagkain lang solve na." "Ano'ng drama iyan? Kakain ka na lang ng fishball may pa-drama ka pa diyan. Magkano ba ito?" tanong ko sa kaniya nang maubos ko na ang kinakain ko habang siya ay kanina niya pa naubos ang fishball niya. "Piso dalawa iyan. Sinasabi ko lang naman. Hindi naman ako nagda-drama," natatawa nitong sabi sabay tayo. "Halika! Marami pa tayong kakainin dito." Magsasalita pa sana ako pero hinila niya na ako patayo at sabay kaming naglakad-lakad sa parke. "Ano ba iyang mga iyan? Bakit kulay orange ang mga itsura?" tanong ko kay Rich habang pinapanuod namin si Manong na nagluluto at nagtitinda. Yung quail eggs kasi binabalot sa kulay orange na akala mo ay pintura. Nandito kami ngayo

