"Ano naman ang gagawin mo diyan?" tanong ko kay Rich pero ngumiti lang ito sabay kindat sa akin. "Ang guwapo po talaga ng boyfriend niyo Miss. At saka ang ganda mo rin. Bagay na bagay kayo sa isa't isa," nakangiting puri sa amin ng babae kaya tiningnan ko siya. "Hindi ko siya--" "Salamat, ah? I promise. Ibabalik ko ito ng maayos at walang sira," pagputol ni Rich sa aking sasabihin kaya napatingin ako sa kaniya. Bakit? "Sige, babalik ako rito mayamaya dahil dito ako lagi tumatambay," sabi ng babae bago tuluyang lumakad palayo sa amin. Nagsimula naman na kaming maglakad nang sabay ni Rich habang bitbit niya ang gitara sa likod at hawak ang kamay ko. Hindi na ako umimik pa at hinintay na lamang na huminto kami sa gusto niyang pagtambayan. Makalipas ang ilang minutong paglalakad. Nakara

