Richter Pakiramdam ko ay nabingi ako sa mga sinabi niya. Gusto niya lang naman na samahan ko siya ngayong gabi. Hindi ko alam kung ano pumasok sa isip niya pero hindi ko rin naman maitatanggi na gusto ko rin ang alok niya. "Sige." Nakita kong namula ang kaniyabg dalawang pisngi kaya hindi ko na naman mapigilan ang sarili ko na hindi ngumiti. Ang cute niya lang tingnan. Hindi ko na tuloy makilala ang masungit na Ezy na nakilala ko. Tahimik kaming naglakad sa hallway at pagdating namin sa condo niya. Dumiretso na ito sa kaniyang kuwarto. Pumunta na rin ako sa guest room kung saan natulog dati si Mildred. Ako na ang pumalit sa kaniya. Wala na rin ang mga gamit niya kaya dito na ako pinatulog ni Ezy. Habang nasa loob ako ng banyo nakatayo. Hindi ko maiwasang hindi isipin ang mga sinabi niy

