"Good morning," pagbati ko kay Ezy pagkalabas nito ng kuwarto niya. Naka-ayos na ito pero hindi pa siya nakabihis pang-office. "Ano'ng ginagawa mo diyan?" tanong niya sa akin nang makita niya ako sa harap ng kaniyang pintuan. "Balak sana kitang katukin for breakfast. Hindi ka ba papasok?" tanong ko. Sabay kaming lumakad papunta sa kusina bago niya ako sagutin sa tanong ko. "Sumakit ang mga paa ko kakalakad kahapon. Mamaya na lang ako papasok ng tanghali." Naupo ito sa bakanteng upuan at saka nagsimulang magsandok ng fried rice. Umupo na rin ako sa bakanteng upuan kaharap niya at pinapanuod lamang siya na naglalagay ng scramble egg, luncheon meat at longganisa sa kaniyang plato. "Kumain ka na. Huwag mo akong panuorin," masungit na sabi nito kaya napangiti ako bago i-abot sa kaniya ang

