"Ayos ka lang ba, Ava? Kanina ka pa yata wala sa sarili mo. Masama ba ang pakiramdam mo?" Hinawakan ako ni Richter sa dalawa kong balikat at hinarap ako sa kaniya habang nag-aalala siyang tinatanong ako. "Ano ka ba? Ayos lang ako," sagot ko habang pinipilit ang sarili na huwag maiyak. Ayaw ko na makita niya akong mahina at malaman niya ang nangyari sa akin kagabi. Ngumiti ako sa kaniya at saka nauna nang naglakad. "Sure ka, ah? Hindi ka kasi natatawa sa mga joke ko," paghabol na sabi nito sa akin kaya binigyan ko siya ng isang panuksong tingin. "Kasi hindi ka naman nakakatawa. Ang corny ng mga joke mo at isa pa…" pagputol ko sa aking sasabihin habang tinitingnan siya. "Ano? Grabe ka naman sa akin," nakangusong tugon nito kaya tumawa muna ako nang malakas bago magsalita. "Mauumay sa 'y

