Dahan-dahan at puno nang pananabik ang bawat halik na pinapalasap niya sa akin. Sa dami ng lalaking hinalikan ko sa buong buhay ko ay ito ang mas nagustuhan ko. Parang kanina lang ay galit na galit ako sa kaniya. Pero ngayon, parang may sariling pag-iisip ang katawan ko dahil kusa itong bumibigay sa kaniya. Hindi ko na namalayan ang sarili ko na tumutugon na rin pala ako sa paghalik niya. Mabilis kong tinanggal ang mga butones ng kaniyang polo at saka hinubad ito sa kaniya. Naramdaman kong hiniga niya ako sa malambot kong kama habang naka-ibabaw ito at tuluy-tuloy sa paghalik sa akin. Ang lalaking kinamumuhian ko sa buong buhay ko. Heto, kasama ko ngayong gabi at walang pagdadalawang-isip na sinusuko ko ang sarili ko sa kaniya. Napakahina kong tao. Pero kahit ano'ng sabihin ng utak ko

