Ava Inis kong tinalikuran si Richter habang naglalakad papunta sa main entrance ng condominium. Akala niya ba makukuha niya ako sa gano'n? Pero kahit gano'n ay nakaramdam pa rin ako ng takot sa kaniya. Ano nga ba ang laban ko sa kaniya? Mas mataas siya kumpara sa akin at alam ko na anumang oras, eh, kaya niya kaming patumbahin ni Mildred if ever na magsalita kami kay Ezlynn laban sa kaniya. Isa pa 'tong mangkukulam na 'to. Feeling matalino pero hindi manlang tiningnan ang background ni Richter. Ang galing talaga mang-uto ng lalaking 'yon. Bakit ko ba sila pinoproblema. Bahala sila diyan! Papasok na sana ako sa main entrance pero parang ayaw ko pang umuwi lalo na at natanaw ko na naman ang paborito kong tambayan malapit dito sa condo ko. May isang coffee shop na malapit dito at 24 hours

