"Nagka-usap kami ni Jeff kahapon. Tinatanong niya ang tungkol sa 'yo at sa anak mo kung nasaan kayo," panimula ko habang magkatawagan kami ni Mildred. Nandito ako ngayon sa balkonahe ng condo ko habang pinagmamasdan ang kabilugan ng buwan. Napatawag din kasi si Mildred para kumustahin ako kaya sinabi ko na rin ang pagkikita namin ni Jeff kahapon. "Ano naman ang sinabi mo?" Tanong niya sa akin. "Hindi ko sinabi. Bahala siya diyan," walang gana ko na sabi. Narinig kong napabuntonghininga ito kaya tinanong ko siya. "Umaasa ka pa rin ba na maaayos ang relasyon niyo ni Jefferson?" Tanong ko sa kaniya. Sandali itong nanahimik bago sumagot sa katanungan ko. "Oo naman. Hindi lang para sa ikatatatag ng relasyon namin. Kundi pati na rin sa magiging anak namin," sagot nito na siyang kinatahimik k

