Trustless 10: VOLUNTEER

2610 Words
Antonette's POV Today is sunday at kakatapos ko lang maligo. Pupunta kasi ako sa church at bibisitahin ko rin si Raiku after ko magsimba. Nagsuot lang ako ng summer dress na may print na sunflower at korean wedge. Kahit naman maganda ang suot ko ngayon wala pa ring pinagbago ang itsura ko, dugyot pa rin. "Ma, alis na muna ako." paalam ko kay Mama habang nagwawalis sa sala. "Anong oras ka uuwi? After mo ba magsimba uuwi ka rin?" tanong ni Mama. "Medyo matatagalan ako Ma. Pupunta ako kay Raiku e." sabi ko. "O sige! ikamusta mo na lang ako kay Raiku." "Sige Ma!" "Mag-iingat ka Anak!" pahabol na paalala ni Mama. "Yes Ma!" sagot ko bago ako tuloyang makalabas ng pinto. Pumara ako ng taxi para mas mabilis ako makarating, medyo malayo-layo kasi ang simbahan mula samen. Saktong pagbaba ko ng taxi ay ilang minuto na lang at mag-uumpisa na ang Mass. Dahil medyo puno ang simbahan sa pinaka-last na row na lang ako umupo. Isang oras lang ang mass at nang matapos ay pumunta ako sa kumbento. "Hi father Polo! Hi Sister Min! Good morning po!" nakangiting bati ko sa kanila. "Ohh Antonette! Good morning hija!" sabi saken ni Father matapos mag-bless sa kanya. "Kamusta na po kayo rito?" nakangiting tanong ko. "Ayos naman kami. Antagal na mula nung huli kang bumisita ahh." sabi ni Sister Min. "Oo nga po e. Pasensya na po. Si JM po pala at si Yoon?" tanong ko sa mga bata na nakatira dito sa kumbento. Naging malapit ako sa mga tao dito sa simbahan dahil kay Raiku. Sobra kasing God-fearing nyang tao. Palagi syang tumutulong at nagdo-donate dito sa church at lahat ng idino-donate nya ay galing sa sarili nyang pagsisikap kaya naman napalapit na rin ako sa kanila. Madalas din syang mag-volunteer sa mga charity kasama ako. "Ate Antonette!" napatingin ako sa dalawang batang tumatakbo papalapit saken. "JM! Yoon! Kamusta na kayo?" nakangiting tanong ko at niyakap sila parehas. Si JM at Yoon ay kinupkop ng simbahan dahil may nag-iwan sa kanila dito. Ewan ko ba naman sa mga tao ngayon at gumagawa ng mga bagay pero di nila pinapanindigan. At the end ang mga bata ang nakakaawa. Si JM ay 5 years old at si Yoon naman 7 years old. Parehas silang lalaki. "Okay naman po kami Ate! May nakuha po akong 5 stars sa school!" masayang pagyayabang ni Yoon sabay pakita saken ng likod ng braso nya. "Ohh talaga? Wow naman! Very good ahh. Galingan mo pa sa susunod." payo ko at ginulo pa ang buhok nya habang nakangiti ako. "Ate Antonette nami-miss na po namin si Kuya Raiku." malungkot na sabi ni JM. "Pupunta ako sa kanya ngayon? Gusto nyo sumama?" tanong ko sa kanilang dalawa. Lumapit naman saken si Yoon at bumulong. "Hindi po kami papayagan ni Father Polo at Sister Min. Ipagpaalam nyo po kami Ate Antonette." napangiti na lang ako sa binulong saken ni Yoon. "Ohh Yoon, wag ka nang bumulong sa Ate Antonette mo, pumapayag na kami." natatawang sabi ni Father. "Talaga po Father Polo? Yeey! thank you po!" tuwang-tuwa at tumatalon pa na sabi ni JM at Yoon. "Sige na alam naman naming nami-miss nyo na ang Kuya Raiku nyo. Antonette ikaw na bahala sa kanilang dalawa." bilin saken ni Sister Min. "Opo Sister Min, ako po bahala. So ano? let's go kids! Bye father Polo! Bye Sister Min!" paalam ko at parehas nang iginiya si JM at Yoon hawak ko sila sa magkabilang kamay ko. Sumakay kami ng taxi at inabot lang kami ng ilang minuto bago kami nakarating. "Andito na tayo!" nakangiting sabi ko kay JM at Yoon. "Hi Kuya Raiku!" bati sa kanya ni JM "Kamusta ka na Kuya Raiku? Namimiss ka na namin." sabi ni Yoon. "Isinama ko sila para naman di ako mag-isa dito, tsaka gusto ka rin daw nila makita. Pinapakamusta ka rin ni Mama tsaka ni Father Polo at Sister Min." sabi ko habang nakatingin sa puntod nya. Nakita kong may bagong flowers na nakalagay sa gilid ng puntod nya. "Naku! May nauna na pala samen pumunta dito. Nakalimutan naming bumili ng flowers pasensya ka na. Masyado kasing excited yung dalawang bata na makita ka e." pagkausap ko habang hinihimas ang pangalan nya sa lapida. "Kamusta ka dyan? Masaya ka ba dyan kasama si Papa God? Nami-miss na kita Raiku. Sana nandito ka. Alam mo bang may dalawang lalaki na nililigawan ako? Si Amos yung isa atsaka Jharix yung pangalan nung isa. Kung nandito ka sana nasindak na sana ang dalawang yun. Sorry din ha? Sorry kung minsan na lang ako pumupunta." hindi ko napigilan ang paghikbi ko dahil sa pag-iyak ko. "Sorry kasi kapag pumupunta ako dito nasasaktan pa rin ako e. Sorry din kasi hindi pa namin mabigyan ng hustisya ang pagkamatay mo. Sorry Raiku... Miss na miss na kita sobra.. Miss na miss ko na yung bestfriend ko." humahagulgol na sabi ko. "Hoy babaeng maganda! Pansinin mo naman ako! Bestfriend ko!!!" sigaw nya habang nakatalukbong ako ng kumot habang nakahiga sa kama nya! "Maganda ka Antonette at kahit anong itsura mo o kahit di ka pa mag-ayos I will still accept you for being who you are!" "Anong manliligaw? Bawal ka magpaligaw hanggat bestfriend mo ako!" "Si Amos? Kapag niligawan ka nya susuportahan ko kayong dalawa! Bakit? kasi alam kong sa kanya ka sasaya!" "I love you bespren! I love you so much! Ikaw ang pinaka-importanteng babae sa buhay ko kaya gusto ko palagi kang masaya!" "Kapag nawala ako, ayoko ng nalulungkot ka, kasi malulungkot din ako sa heaven. Maging masaya ka lang ha, at syempre wag kang maghahanap ng ibang bestfriend. Pwede ka ng magpaligaw ngayon basta ako pa rin ang bestfriend mo hanggang kamatayan!" Hindi ko napigilan ang pag-iyak ko ng biglang isa-isa nagflashback lahat ng memories namin simula nung una kaming magkakilala. "Tahan na Ate Antonette." sabi ni JM na niyakap pa ako. "Ayaw ni Kuya Raiku ng umiiyak ka, kaya wag ka na umiyak Ate." sabi naman ni Yoon na hinahagod pa ang likod ko. Pinunasan ko ang luha ko at ngumiti sa kanila. "Okay lang ako Kids!" sabi ko sa kanilang dalawa. "Sabi ko na nga ba iiyak nanaman ako kapag pumunta ako dito e, mabuti na lang kasama ko si JM at Yoon kaya may taga-comfort ako. Pano bespren uuwi na muna ako kasi ihahatid ko pa tong mga bata sa church. Mag-iingat ka palagi ha? at bantayan mo kami parati. Babalik ulit ako sa susunod. I love you!" yun lang at tumayo na ako at umalis na ako kasama ang dalawang bata. Nang makarating kami sa church at nang makababa kami sa taxi ay nagtaka ako kung bakit bigla na lang nagtakbuhan si JM at Yoon. "JM! Yoon! wag kayong tumakbo baka mamaya madapa kayo!" saway ko sa kanila at nang matapos akong suklian ng driver mg taxi ay agad ko silang hinabol. Nakita ko si JM at Yoon na lumapit sa lalaking pasakay ng motor. Teka? Pamilyar ang motor na yun saken ahh. Dali-dali akong naglakad papalapit sa kanila at di nga ako nagkakamali si Amos nga ang nakasakay sa motor. "Anong ginagawa mo dito Amos?" tanong ko sa kanya. Nakita ko pa ang pagkagulat nya ng bahagya. "Galing ako sa kumbento kasi dinala ko yung donation ko. Ikaw ano ginagawa mo dito?" balik na tanong nya. "Hinatid ko lang si JM at Yoon may pinuntahan kasi kami." paliwanag ko. "San naman kayo pumunta?" pang-iintriga nya. "Kay Kuya Ra-" hindi natapos ni Yoon ang sasabihin nya dahil tinakpan ko agad ang bibig nya. Walang ibang nakaka-alam ng tungkol kay Raiku kundi kami lang ng family ko at ng mga kaibigan ko. "Ah.. HAHAHA wala! dyan lang sige ha? Baka hinahanap na sila ni Father Polo at Sister Min ihahatid ko muna sila." tuloy-tuloy na sabi ko. Iniwan ko na sya dun at hinila ang dalawang bata papasok sa kumbento. "Sister Min, binabalik ko na po si JM at Yoon." sabi ko kay Sister Min. "Kamusta ang pagbisita nyo kay Raiku?" tanong ni Sister. "Ayos naman po. Syanga po pala kilala nyo po ba si Amos Rasper Rasiño?" tanong ko. "Ahh si Rasper ba? Oo. Lagi yung nagdo-donate dito sa church e." Sagot nya. "Ahh ganun po ba. Anyway, kailangan ko na po palang umuwi." paalam ko. "Ohh sige. Ohh JM at Yoon magpaalam na kayo kay Ate Antonette nyo." "Bye Ate Antonette!" paalam ni JM. "Kelan ka ulit bibisita Ate?" tanong ni Yoon. "Hindi ko pa alam Yoon e. Matatagalan siguro bago ako makabisita ulit baka kasi maging busy ako." paliwanag ko. "Ganun po ba?" malungkot nyang sabi. "Wag kang mag-alala, sa susunod na pagbisita ko dadalhan ko kayo ng pasalubong okay?" "Talaga Ate?! Sige po!" tuwang-tuwang sabi ni Yoon. Nagpaalaman lang kami at nang makalabas na ako ng kumbento ay nakita ko pa rin si Amos na nakasandal sa motor nya. Lalampasan ko na sya ng bigla nya akong tawagin. "Antonette, where do you think you're going?" tanong nya saken. "Pauwi na. Bakit?" nakatinging sa kanya na sabi ko. "Samahan mo muna ako may pupuntahan tayo." nagtaka ako sa sinabi nya pero di na ako nakatanggi nang bigla nya akong hilahin paalis. "Teka san tayo pupunta? San moko dadalhin?!" nagpa-panic na tanong ko. "Magde-date tayo! Nanliligaw din ako sayo kaya di pwedeng si Jharix lang ang makadamoves sayo." sabi nya at sumakay sa motor nya. Hindi ako nakapagsalita at tumingin lang sa kanya. "Ano pa hinihintay mo? Sakay na!" maangas na sabi nya. Wala akong nagawa kundi ang sumakay sa likod ng motor nya. "Ohh!" abot nya saken ng extra nyang helmet tinanggap ko yun at inilagay sa ulo ko. "Let me do it." sabi nya at ikinabit ang helmet ko. Sobrang lapit ng mukha nya sa mukha ko at ilang inch na lang malapit na kami mag-kiss. Tumitig sya sa mata ko at ganun din ako. Maya-maya ay lilipat ang tingin nya sa labi ko at tititig dun. "Pangit ng lips mo! Subukan mo mag lip balm para di mag-dry!" sabi nya matapos ay lumunok. Sinamaan ko lang sya ng tingin hanggang sa mag-start na syang magmaneho. "Bakit pala di ka gumagamit ng kotse? Pansin ko kasi ikaw lang ang di gumagamit ng kotse sa grupo ng mga kaibigan mo." pagpuna ko. "I have a car trauma." maikling sabi nya. May trauma sya sa kotse? Bakit kaya? "Bakit ka naman nagkaroon ng trauma sa kotse?" pang-iintriga ko. "Mahabang kwento e." naramdaman ko na ayaw nyang pag-usapan ang topic kaya naman hindi na lang ako nagsalita. Baka kasi private at wala naman akong karapatan panghimasukan ang mga ganung bagay. Ilang minuto lang at nakarating na kami sa sinasabi nyang pupuntahan namin. Nang mai-park nya ang motor nya ay tinanggal nya ang helmet ko tapos ay hinawakan ang kamay ko at mabilisan akong hinila. "Teka! Bitawan mo nga ako! Susunod naman ako e! Di mo ako kelangang hilahin!" palag ko. Kahit kelan talaga walang sweetness sa katawan tong si Amos! Kung hindi ako susungitan, lalaitin ako! Mabuti pa si Jharix mabait na sweet at gentleman pa! Teka Antonette e bat mo ba sila pinag-kukumpara? Nawala ang mga imahinasyon ko nang may sumalubong sa aming napakaraming bata. "Kuya Amos!!!" sabay-sabay nilang sabi habang sabay-sabay na nagsilapitan samen. "Ano pong dala nyo para samen?" tanong nung isang bata. "Maraming dala ang Kuya Amos nyo para sa inyo kaya sige na magsi-upo na kayo. Kung sino ang pinaka-behave syang unang mabibigyan okay ba yun?" nakangiting sabi nya sa mga bata "opo Kuya Amos!" Sagot nila na agad nagsitahimikan at nagsi-upuan. Makalipas ang ilang minuto ay may mga dumating na lalaking may mga dalang kahon. Tingin ko halos nasa 10 boxes mahigit yung mga dala nilang kahon na di ko alam kung anong laman. Ngayon ko lang din narealize kung nasan kami. Base sa nakapaskil sa Bulletin board nila na "PROTECT ABANDONED CHILD PARADISE!" nasa bahay-ampunan kami. Isa-isang binuksan ni Amos ang mga kahon na ang laman pala ay school supplies at mga pagkain. Isa-isa silang pumila at isa-isa silang pinagbibigyan ni Amos nang may mga ngiti sa labi. Nakatingin lang ako sa kanya mula dito sa gilid. Kitang-kita ko na masaya sya sa ginagawa nya. Kahit naman pala masungit at laitero tong lalaking to matulongin at mapagbigay naman pala sa kapwa. "Hoy Antonette ano pa ginagawa mo dyan? Tulongan moko dito! Kaya nga isinama kita para may tumulong saken sa pamimigay ng mga to hindi para maupo lang dyan." sermon nya na ang tinutukoy ay ang mga pinamimigay nya. "S-sige. wait lang." tinanggal ko ang mini bag pack ko at ipinatong yun pansamantala sa table at nag-umpisa na kaming mamigay ng mga school supplies at pagkain. Inabot kami ng halos isang oras mahigit sa pamimigay dahil medyo madami rin sila. Ngayon naman ay kumakain na ang mga bata ng lunch kasabay namin. "Kuya Amos! Pwede po ba kaming magtanong?" sabi nung batang lalaki sa harap. "Oo naman ano ba yun?" sabi ni Amos matapos bumili ng tubig. "Girlfriend mo po ba si Ate Antonette?" tanong nya. Napatigil ako sa pagsubo ng marinig ko ang tanong ng bata. Nakita kong nakatingin lang din saken si Amos. "Girlfriend na nga ba kita?" tanong nya saken. Inalis ko ang tingin ko sa kanya at hindi ko sya sinagot. Nagpatuloy lang ako sa pagkain. Narinig ko naman ang impit nyang tawa. "Hindi ko pa sya girlfriend. Magiging girlfriend ko pa lang." muli akong napatingin kay Amos dahil sa sinabi nya. "Ayeiiiii!" kantyaw ng mga bata dahilan para mamula ako. "Ang ganda-ganda po ni Ate Antonette! Bagay na bagay po kayo!" sigaw nung isang batang babae sa gilid. Maganda daw ako? No honey, dugyot ako sabi ng Kuya Amos nyo. "Maganda ka daw? Maganda ka ba? Assuming HAHAHA" tumatawang sabi nya at humagalpak ng tawa kaya naman hinampas ko sya sa balikat. "Joke! Oo na maganda ka na! Ikaw ang pinakamagandang babae sa paningin nila! Pero sa paningin ko hindi. HAHAHA" pang-aasar nya pa ulit at tumawa nanaman. "Bwisit ka talaga!" iritang sabi ko habang masama ang tingin ko sa kanya. "Pero nag-enjoy ka ba?" biglang seryoso na sabi nya. "Oo naman. Masaya kasama ang mga bata dahil nakakawala sila ng stress atsaka masaya ako na masaya sila dahil sa mga tulong mo." seryosong komento ko rin. "Matagal ko na tong ginagawa. Nakagawian na namin ng Team ko. May kanya-kanya nga lang kaming charity na tinutulongan." pagke-kwento nya. Akala ko puro lang porma ang mga barkada ni Amos at pati sya e walang ginawa kundi magyabang at manlait ng kapwa pero hindi pala. They love to serve people ng walang hinihinging kapalit. "Akala ko puro lang kayo porma yun pala may mga ganto kayong pakulo." natatawang sabi ko. "Grabe ka naman samen HAHA. Sya nga pala kapag pumunta ulit ako dito sumama ka ulit ha? Pasensya na rin pala kasi ganto yung first date natin." mahabang sabi nya. "No its okay. Nag-eenjoy ako sa gantong klaseng date. This date was low-key but sweet. Thank you for tho experience." komento ko. Mahilig din kasi ako tumulong at mag-volunteer dahil yun din ang ginagawa namin nung mga panahong buhay pa si Raiku naimpluwensyahan nya kasi ako. "I'm glad kasi nag-enjoy ka." nakangiting sabi nya. Kung may isang bagay man na magkakasundo kami ni Amos? Siguro sa ganitong gawain. Ang tumulong at magpasaya ng kapwa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD