Trustless 9: CORDIALITY

4035 Words
Antonette's POV Sabado ngayon at maga-alas nuebe na ako nagising ng umaga. May pupuntahan nga pala kami mamaya ni Jharix ang sabi nya manunuod din kami ng sine. Matapos kong ayusin ang kama ko ay bumaba ako sa kusina para magkape at mag-agahan nang madatnan ko si Ate at ang boyfriend nya na naghaharutan sa sala. "Oh, good morning Antonette!" bati saken ni Paul. Paul ang pangalan ng boyfriend ni Ate. Nginitian ko lang sya ng pilit, napansin kong nasa akin ang paningin ni Ate pero di ko na lang rin sya tiningnan ng matagal at dumiretso na sa kusina. Nang makarating ako dun ay nagtimpla lang ako ng kape at umupo sa sa harap ng dining table namin. Tulala akong nagkaka-kape ng maalala ko nanaman si Raiku. Nitong mga nakaraang araw napapadalas ang pagsagi nya sa isip ko. Siguro dahil hindi na ako nakakabisita sa kanya. Maybe sa sunday after ko magsimba. Tinapos ko na ang pagkaka-kape ko at bumalik na sa kwarto ko at inabala ang sarili sa paglalaro sa cellphone. Ganito lang ang ginagawa ko tuwing walang pasok, gigising sa umaga, magkakape or kakain, babalik sa kwarto para gumamit ng gadget or manuod ng Hollywood movies. Isa sa hobby ko ang manuod ng mga Hollywood movies. Ang gaganda kasi ng movie nila. "Antonette!" napatingin ako kay Ate na bahagyang binuksan ang pinto ng kwarto ko. "May pupuntahan kami ni Paul, ikaw na bahala magsabi kay Mama pagdating nya galing sa paggo-grocery." paalam nya. "Okay." tipid na sagot ko. Nakita kong napabuntong-hininga pa sya bago muling isara ang pinto at umalis na. Ibinalik ko na lang ang atensyon ko sa cellphone at maya-maya ay may tumawag na unknown number. Dali-dali ko yung sinagot baka kasi emergency e. "Hello!" sagot ko dun sa tumawag. "Antonette." agad nag-init ang pisngi ko sa di malamang dahilan ng marinig ko ang boses nya. Malamig pero nakakapanindig balahibo. Bakit ganito pa rin ang epekto nya saken? Dahil ba crush ko sya? "Hey, are you still there?" nabalik ako sa wisyo ng muli syang magsalita. Tama na ang pagiging lutang Antonette. "Ohh, b-bakit?" nauutal na sabi ko. "Ang bahay nyo ba e second floor na may kulay na blue green at white, tapos may gate na kulay black?" napakunot-noo ako dahil sa tinanong nya. "O-oo." nagugulohang sagot ko. "Okay bye!" napakunot lalo ang noo ko ng bigla nya akong babaan ng telepono. So wierd. Tatawag-tawag tapos yun lang ang sasabihin. Binalik ko na lang ang phone ko sa side table ng kama ko at naligo. Hihintayin ko lang si Mama na makauwi galing sa pag-gogrocery at pupunta ako kena Aera. Boring dito sa bahay e. Wala akong magawa. Mamayang hapon pa naman kami gagala ni Jharix, uuwi na lang ako ng mga 2:00 pm para mag-prepare. Nang matapos na ako maligo at magbihis ay humarap ako sa salamin para magsuklay. "Antonette!" narinig kong tawag ni Mama saken mula sa baba ng bahay namin. Dali-dali akong lumabas ng kwarto ko habang nagsusuklay ng buhok at pumunta sa baba ng bahay namin para salubongin si Mama. "Ano yun Ma?" tanong ko nang makababa na ako. "Ohh, aalis ka?" tanong nya ng makitang nakapanlakad ako ng damit. "Oo Ma, pupunta ako kena Aera, wala ako magawa dito e." paliwanag ko. "Ang Ate mo nasan?" tanong ni Mama habang inaayos ang mga grocery na pinamili nya. "Umalis kasama si Paul." walang emosyong sabi ko tapos ay binuksan ko ang isang balot ng kettle corn na binili nya. "Tirhan mo ang ate mo nyan, baka sabunutan ka nun kapag inubos mo." saway saken ni Mama. "Edi sabunutan kaming dalawa, lalaban naman ako e." mataray na sabi ko. Pinitik nya naman ako sa bibig. "Aww!" angil ko. "Yang bibig mo, napapadalas ang pagsagot ha?" ngumuso na lang ako dahil sa sinabi ni Mama. "Sige na Ma, akyat muna ako sa kwarto kukunin ko yung gamit ko para maka-gora na ako at gugulantangin ko nanaman si Aera." paalam ko. "Sandali! Kaya nga kita tinawag kasi may nakita akong bouquet ng roses dyan sa may pinto kanina pagdating ko. Nakita ko yung card at para sayo raw." kumunot ang noo ko sa pagtataka at dali-daling kinuha ang roses na nakapatong sa coffee table sa sala at binasa agad ang card. "To Antonette: ...." Yan lang yung nakasulat, parang may gustong sabihin pero tinamad kaya hindi na itinuloy. "Galing ba yan kay Jharix?" tanong ni Mama. "Di ko alam Ma e, baka nga galing sa kanya. Sige ha? Akyat na ako." paalam ko at bumalik na sa kwarto dala-dala ang bouquet ng roses. Ipinatong ko lang yun sa kama ko at dali-daling tinapos ang pagsusuklay. Naglagay lang ako ng powder at bumaba na ulit ng kwarto ko para umalis. "Alis na ako Ma!" paalam ko kay Mama ng makarating ako sa pinto ng sala. "Sige Anak, mag-iingat ka. Wag masyado pagabi." paalala nya. "Yes po!" huling sabi ko at pumara ng taxi para magpahatid sa village nina Aera. Hiwa-hiwalay kasi kami ng tirahan. At sila e sa mga exclusive village nakatira samantalang ako e sa isang subdivision. "Kuya sa Been Com village po." Sabi ko dun sa taxi driver. Tumango lang ang taxi driver at agad nagmaneho paalis. Ilang minuto lang ay nasa tapat na ako ng bahay nina Aera. Dali-dali akong bumaba ng taxi matapos magbayad kay Kuya driver na agad ring umalis. Napatingin pa ako sa sign na "FABRES RESIDENCE" na nakapaskil sa gilid ng gate ng bahay nina Aera bago nag-door bell. Agad namang lumabas si Ate Janet na katulong nina Aera. "Hi Ate Janet! Good morning!" masayang bati ko. "Ohh, Antonette andyan ka pala, pasok ka! Alam ba ni Aera na pupunta ka dito?" tanong nya matapos akong pagbuksan at papasukin ng gate. "Di nga Ate e. Naisipan ko lang pumunta, sobrang mamamatay ako sa sobrang boring sa bahay." pagke-kwento ko. "Kaya pala hanggang ngayon e tulog pa rin ang babaeng yun dahil hindi alam na pupunta ka, sige akyatin mo na sa kwarto nya at ipaghahanda kita ng makakain at maiinom." sabi nya. "Sige Ate. Thank you!" sabi ko. Si Ate Janet ay 27 years old pa lang, maagang nabuntis kaya namasukang katulong kena Aera para may pantustos sa anak nya na nasa probinsya na ang nag-aalaga ay ang Mama nya. Ang nakabuntis kasi sa kanya ay hindi sya pinanindigan. Bakit may mga ganong lalaki no? Walang takot magkama ng babae pero tinatakbuhan ang responsibilidad kapag nakabuntis. Mga walang balls! Kaya nga pala alam ko ang kwento ni Ate Janet ay dahil parang Ate na namin sya nina Aera at ng iba pa naming kaibigan. Kapag nagsasama-sama kami tumambay dito kena Aera e ka-bonding din namin sya kaya naman alam namin ang kwento nya. At dahil sa pagke-kwento ko ng buhay ni Ate Janet e nandito na pala ako sa tapat ng kwarto ni Aera. Dali-dali kong binuksan ang pinto at nadatnan kong mahimbing pa ang tulog ni Ate girl. Nakanganga pa nga at humihilik pa. Tumingin ako sa paligid at may nakita akong crumpled paper sa study table nya at agad isinalpak yun sa bunganga nya dahilan para magising sya. Nagulat pa sya ng makita ako at napabalikwas pa ng bangon habang hawak ang dibdib. "Gulat na gulat Cyst?" mataray na tanong ko. "Jusmeyo Marimar ka naman Antonette akala ko multo ka." sabi nya habang inaayos ang buhok nya gamit ang kamay nya. "Grabe yung banat ha? Bumangon ka na bilis asikasuhin mo ang bisita mo." sabi ko na ang tinutukoy ay ang sarili ko. "Bisita ko? May bisita ako? Sino?" tanong nya. "Malamang ako, sino pa ba?" inis na tanong ko. "Ayy, bisita ka ba? Akala ko kasi bwisita." hinampas ko sya ng unan dahil sa sinabi nya at ganun din ang ginawa nya saken hanggang sa ang naging ending e nagkaroon na kami ng pillow fight ni Aera. Jharix POV Tanghaling tapat at ilang oras na lang ay aalis na ako para sunduin si Antonette sa kanila. Ako nanaman mag-isa sa bahay dahil maaga nanaman umalis ang parents ko para pumasok sa trabaho. Kami ang may-ari ng Marquez Hotel and Restaurant na sobrang dami ng branches kaya sobrang busy nila. Minsan naman kung walang trabaho si Mommy nakaka-bonding ko sya si Daddy lang naman ang malayo ang loob saken e dahil mas paborito nya si Kuya. "Sir Jharix may mga bisita po kayo." napakunot ang noo ko dahil sa sinabi ng katulong namin matapos buksan ang pinto ng kwarto ko. "Bisita? Wala akong inimbitang bisita ngayon kasi may pupuntahan nga ako." nagtatakang sabi ko. "Sabi po kasi ni Sir Amos, surprise visit daw." paliwanag nya. "Sige sabihin mo bababa na ako, maliligo lang saglit." sabi ko at lumabas na sya. Ako naman e dumiretso lang sa banyo para maligo. Kahit kelan talaga si Seonjang napaka-hilig bumisita ng biglaan. Teka? Hindi kaya nalaman nyang may date kami ni Antonette kaya pumunta sya dito para di ako makapunta? Bwisit na batang Mhico yan, sa kanya ko lang sinabi na may date kami ni Antonette kasi sa kanila ako kumuha ng flowers. Mamahaling flowers kasi ang negosyo nina Mhico kaya sa kanila ako nagpa-arrange ng bulaklak kaya nahulaan nya rin na may date kami ni Antonette, baka mamaya isinuplong na ako ng batang yun. Waaaaa! Wala talaga akong kawala sa kanya. Pero di bale, gagawa ako ng paraan para makatakas sa kanila mamaya. Ilang minuto lang ako naligo matapos ay nagbihis lang ako ng cotton white T-shirt tsaka jersey short tapos ay lumabas na ako ng kwarto ko. Nadatnan ko sila sa pool habang nagsi-swimming. Dito pa talaga nila naisipang mag-swimming. Nakita kong naka-upo si Mhico sa gilid habang ngumunguya ng Pringles. "Hoy! Anong ginagawa nyo dito?" tanong ko sa kanya. "Sorry Kuya Mhico, nasabi ko kasi na may date kayo ni Antonette mamaya kaya ayan inaya kami dito ni Seonjang para daw di kayo matuloy." napatingin ako kay Seonjang na nagsi-swimming kasama si Yasper at Raiden habang nagtatawanan. Minsan talaga isip-bata rin si Seonjang e. "Bakit mo kasi sinabi sa kanya? Dapat sinabi mo hindi mo alam." may halong inis na sabi ko. "Ehh sinuhulan ako ng carbonara na luto ni Tita Ariane e. Alam mo namang basta luto ni Tita hindi ko matanggihan. Sorry talaga Kuya Jharix 101%." sabi nya matapos ay nag-puppy eyes pa sa harap ko habang nakanguso. Totoo namang sobrang sarap magluto ni Tita Ariane sa sobrang sarap di ka makakatanggi idagdag pa natin na napakahilig pang kumain ni Mhico. Kinuyomos ko ang mukha nya gamit ang palad ko. "O sige na! pa-cute ka pa e di ka naman cute." hindi maipinta ang mukha na sabi ko. "Uyy yung dalawa nagso-solo!" sigaw samen ni Raiden na nakasakay pa sa salbabidang kulay yellow na may bebe sa harap. Parang bata hayst! "Baka may relasyon talaga kayong dalawa ha? Di nyo na lang sinasabi kasi nahihiya kayo, aminin nyo na!" nakangising kantyaw pa ni Yasper. "Magtigil nga kayo! Ano ba ginagawa nyo kasi dito at dito pa kayo dumayo ng swimming e may kanya-kanya naman kayong pool! At teka yang salbabida mo Raiden kanino mo naman nakuha yan? Nai-stress ako sa inyo! May pupuntahan ako e!" maktol ko. "Hoy Jharix, ganyan ka ba mag-welcome ng bisita? Atsaka yung salbabida ako nagdala nun cute kaya!" nakangusong sabi ni Seonjang. "Oo nga! May pangalan pa nga yan e! binigyan yan ng pangalan ni Seonjang." payabang na sabi ni Raiden. "Ano namang pangalan?" parang hindi interesado na sabi ko. "DuckyDuck! Ohh diba ang cute?" proud na sabi ni Raiden. "Oo nga e. Pero mas cute to tingnan mo." tiningnan nya ang kamay ko na dumudukot sa bulsa ng jersey short ko at pinakita sa kanya ang middle finger ko na naka-f**k YOU sign mula roon. "Uyy gago! Seonjang oh nama-muck you si Jharix. Pinakyuhan si Raiden." parang batang sabi ni Yasper. "Ahh pinakyuhan nya si Raiden? Mhico ano pa hinihintay mo?" nagtaka ako sa sinabi ni Seonjang at napatingin ako kay Mhico na nasa likod ko at bigla akong tinulak sa pool! "Mga bwisit! Kakaligo ko lang e!" reklamo ko matapos ihilamos ang palad ko sa mukha ko dahil basang-basa na ako. "Wag ka kasing madaya ano ka, kami lang magsi-swimming?" natatawang sabi ni Yasper. "Ehh bat si Mhico?" reklamo ko ulit. "Mhico halika na, inuubos mo snack na hinanda ng katulong nina Jharix e tirhan mo naman kami!" sabi ni Seonjang. "Di ako magsi-swimming Seonjang, nilalamig ako e." sabi nya sabay kagat ng pizza. Maya-maya ay sabay-sabay kaming umahon ng pool at nilapitan sya habang pare-parehas masasamang nakatingin sa kanya. Napatigil sya sa pagkain ng pizza at dahan-dahang tumingin samen. "Ano yang mga tingin nyo? Seonjang? Kuya Yasper? Kuya Raiden? Kuya Jharix? May binabalak kayo no?" natatakot na sabi nya. "Ready get set go!" sabi ni Seonjang at sabay sabay naming binuhat si Mhico at hinagis sa pool matapos at sabay-sabay na nagtawanan! "Di pala magsi-swimming bat andyan ka sa pool?" pang-aasar ni Yasper. "Oo nga akala ko ba nilalamig ka?" tumatawang sabi ni Raiden. "Sumbong ko kayo kay Mommy! Ikaw Kuya Yasper sana mabaog ka sa sobrang babaero mo! Pati ikaw rin Kuya Raiden! At ikaw naman Kuya Jharix at Seonjang sana di kayo sagutin ni Antonette parehas!" nakangusong sabi nya na tinawanan lang namin. "Wag ganyan Mhico baka dinigin ka ng langit, gusto ko pa naman magka-anak ng dose iba-iba ang nanay HAHAHA" sabi ni Yasper at humalakhak pa. "Tigilan nyo na nga si Mhico! Tara swimming!" Sabi ni Seonjang at isa-isa kaming tinulak sa pool! Nagtawanan lang kami dahil sa pagkukulitan naming lima. Medyo matagal na rin kasi simula ng makapag-bonding kami ng ganito kaya naman nag-enjoy rin ako na kasama sila. Alas-singko na ng hapon at mga nakabihis na kami dahil tapos na kami mag-swimming. Ang sabi ko kay Antonette ay alas-sais ko sya susunduin. Binuksan ko ang phone ko at naka-recieve ako ng text galing kay Antonette. From: Antonette "Tuloy ba tayo mamaya? Anong oras ka. pupunta dito sa bahay 6:00 diba?" Nang mabasa ko yun ay agad akong nagtype ng reply. To: Antonette "Yeah, I'll be there at 6:00 pm." Message sent! ☑ Pinagmasdan ko silang apat na nagtatawanan lang matapos kong isend ang message. Alas-singko na at hindi ko alam kung paano ako makaka-alis. Ampangit naman tingnan kung papaalisin ko sila diba? "Ohh Jharix antahimik mo naman? Napagod ka ba sa kaka-swimming?" tanong ni Raiden. "Napagod lang yan kalaro si Duckyduck. HAHAHA" tumatawang sabi ni Yasper na ang tinutukoy e yung salbabida na binili ni Seonjang. "HAHAHA sira-ulo ka." tumatawang sabi ko rin. "Anong oras na Mhico?" tanong ni Seonjang kay Mhico. Tumingin naman si Mhico sa phone nya. "5:15 pm Seonjang why?" tanong ni Mhico pabalik. "Let's go home. May date pa si Jharix." sabi ni Seonjang at tumayo na at isa-isang kinuha ang gamit nya. "Seonjang akala ko ba pumunta tayo dito para pigilan sya?" nagugulohang tanong ni Yasper kay Seonjang. Nagugulohan din akong tumingin kay Seonjang. "Sa tingin mo talaga ganun ako ka-immature? ogag ka." natatawang sabi ni Seonjang. "Ay joke joke lang pala lahat." sabi ni Yasper na inosenteng tumatango-tango. "Magready ka na para sa date mo Jharix, uuwi na rin kami. Make her happy tonight." seryosong sabi ni Seonjang. "Teka, pinapaubaya mo na ba si Antonette kay Jharix? E ano yung pa-may the best man win mo sa chapter 8?" nagtatakang tanong ni Raiden. "Tanga ka? Bat ko yun gagawin! Araw nya to kaya pinagbibigyan ko lang." sabi ni Seonjang kay Raiden. "Basta pasayahin mo sya yun lang ang gusto ko. Ang maging masaya si Antonette." sabi saken ni Seonjang at umalis na. "Good Luck Kuya Jharix!" sabi ni Mhico "Good luck Bro!" sabi ni Raiden at hinawakan pa ang balikat ko. "Pasayahin mo raw! Alam mo na!" natawa na lang kami parehas dahil sa tinutukoy nya. Sira-ulo talaga idadamay pa ako sa mga kagaguhan nya e. Nang maka-alis na sila ay naligo ulit ako matapos ay nag-ayos bago pumunta kena Antonette. Syempre dapat pogi at presentable. Nang matapos na ako mag-ayos ay sumakay na ako sa kotse ko at nagmaneho papunta kena Antonette. At exactly 6:00 pm ay nakarating ako sa kanila. "Pasensya ka na natagalan ako. Pumunta kasi sina Seonjang sa bahay e." paliwanag ko habang inaalalayan ko sya papasok sa kotse ko. "Okay lang yun ano ka ba?" nakangiting sabi nya. Mabuti na lang talaga at di sya tulad ng ibang babae. Mabuti na lang at understanding sya. "Let's go!" sabi ko nang makasakay na ako sa driver seat. Napagdesisyunan naming manuod na muna ng sine. Akala nya manunuod lang kami ng sine ang di nya alam ay may inihanda akong romantic dinner for her sa isa sa mga restaurant namin. Ilang minuto lang at nakarating na kami ng mall at ang papanuodin naming movie ay Kita Kita. "Maganda ba yang movie na yan?" tanong ko sa kanya nang mag-umpisa na ang movie. "Yeah, sabi nila nakakaiyak daw pero di naman ako madaling umiyak sa mga ganyang movie e." pagke-kwento nya. Tumango-tango na lang ako sa kanya at inilagay ang foods and drinks sa gitna ng mga upuan namin. Tahimik lang kami at parehas nakatutok ang atensyon sa screen. Nakakahiya naman sa ibang nanunuod kung magdadaldalan kami dito diba? Nasa kalagitnaan na kami ng movie at nagsisimula na ring maging malungkot ang eksena. Kukuha sana ako ng pop corn na nasa gitna namin nang mapansin ko ang paghikbi ni Antonette. Napatingin ako sa kanya at umiiyak nga sya habang patuloy ang pagkuha ng pop corn at nginunguya ito. Natawa na lang ako ng mahina dahil sa nakikita ko. Bakit ang cute nya? Kinuha ko ang panyo sa bulsa ko at inabot sa kanya. "Thank you huhu. Bakit ba kasi bulag sya?" sabi nya at humagulgol matapos ay suminga ng pagkalakas-lakas sa panyong ibinigay ko. Napatingin ako sa paligid at halos lahat ng nanunuod ay sa kanya nakatingin. "Shh! Ano ba naman yan?! Ang lakas namang makahagulgol ni Ate girl." sabi nung babae sa harap. "OA makaiyak, ganda ka cyst?" sabi naman nung katabi nya. "Ang pogi pa naman ni Kuya tapos nakikipagdate sya sa babaeng gaya nyan so eww! Assuming siya!" sabi nung isa pa nilang katabi. Napatingin na lang ako ng masama sa kanila dahil kilala ko ang tatlong yan. Sila lang naman ang LBM girls na tinatawag ng mga uto-u***g babae sa school. Palihim siguro nila kaming sinundan, mga nag-disguise pa talaga akala yata e di ko sila makikilala. Hindi ko na lang sila pinansing tatlo hanggang sa matapos na ang movie. Palabas na kami ng sinehan ng makita ko yung tatlo na nakasunod samen. "Grabe yung movie, sobrang sakit sa dibdib." sabi nya nang makasakay kami ng kotse ko. "Sabi mo di ka madaling umiyak sa mga ganung klaseng movie?" nakangising pang-aasar ko. "May sinabi ba ako? Wala kaya!" palusot nya. "Anong wala? Meron kaya! Gusto mo iparinig ko pa sayo? Naka-record yun dito sa phone ko." pagbibiro ko. "Seryoso ka dyan?" gulat na tanong nya. "Gagi hindi! Pero may sinabi ka talaga!" pagpupumilit ko. "Oo na! aamin na! Meron nga akong sinabi. E pano kasi ang sakit lang ng ganung klase ng love story." mahabang sabi nya. "Sige kumain na muna tayo para maka-move on ka na sa sakit ng pinanuod natin. HAHAHA" tumatawang sabi ko. "Okay!" masayang sabi nya. Nagmaneho na ako papunta sa Marquez Restaurant. At nang makarating kami dun ay sobrang tahimik ng buong lugar. Wala kasing ibang tao sa restaurant kundi kaming dalawa lang. Sinadya ko talagang hindi muna pabuksan ang restaurant para sa date namin ni Antonette. "Bakit walang tao?" nagtatakang tanong nya ng makapasok kami sa loob. Iginiya ko syang maupo sa table na nasa gitna habang may mga kandila sa mesa at mga bulaklak. "Gusto kong masolo ka e." nakingiting sabi ko nang tuloyan na syang makaupo. Umupo ako sa upuan sa harap nya at maya-maya ay may lumapit na waiter. "Pakidala na ng foods and wine dito."utos ko dun sa waiter na agad namang sumunod. "For you!" inabot ko sa kanya ang isang bouquet ng sun flower. "Thank you! Nga pala thank you rin sa mga roses na pinadala mo sa bahay. Ang gaganda nila." sabi nya. Kumunot naman ang noo ko. Wala naman akong roses na pinadala sa kanila kanina e. "Roses? Wala akong pinadalang roses sa inyo kanina." sabi ko. Nakita ko namang bumalot ang pagkagulo sa mukha nya. "Ahh w-wala ba. Baka dala yun ng boyfriend ni Ate. hehe." sabi nya. Medyo nabawasan ang kaba ko akala ko kasi inunahan nanaman ako ni Seonjang e. "Eto na po yung foods and wine na pina-ready nyo Sir." sabi nung waiter at isa-isang ipinatong ang mga dala nya sa mesa. "Let's eat." nakangiting sabi ko sa kanya at nag-umpisa na kaming kumain. "Pwede ba ako magtanong?" paalam nya saken. "Sure ano ba yun?" sabi ko habang kumakain. "W-wala ka pa bang nagiging girlfriend?" tanong nya. Nakangiti akong tumingin sa kanya matapos ay uminom ng tubig at pinunasan ko muna ng napkin ang bibig ko bago ko sya sinagot. "Nothing. Wala pa akong nagiging girlfriend." sagot ko. "Nakakapagtaka naman. Gwapo ka kaya, sikat, mayaman, sporty bat di ka nagka-girlfriend?" curious na tanong nya. "Let's just say na loyal ako sa isang babae sa matagal na panahon." malalim na sabi ko. "Ha? di ko gets." sabi nya. "I mean there is one girl na matagal ko nang gusto." pagpaparinig ko. "Wow ang swerte naman ng girl na yan." at di nya nga nagets ang pagpaparinig ko susko! HAHAHA. "yeah, swerte ka." diretsong sabi ko at bahagya naman syang natigilan. "A-ako? Bakit ako?" nagtatakang tanong nya. "Matagal na kitang gusto Antonette. Simula pa lang second year high school tayo gusto na kita." pag-amin ko. "Ahh.... G-ganun ba? Teka bakit parang uminit?" pilit ang tawang sabi nya. Nakita ko ang pamumula ng pisngi nya dahil sa sinabi ko at pinapay-payan pa ang sarili nya. Napangisi na lang ako dahil sa reaksyon nya. Ang cute cute nya kapag namumula at naiilang. Sa sobrang cute nya gusto ko sya iuwi. kidding! HAHAHA "cr muna ako." paalam nya matapos naming kumain. Tumango lang naman ako sa kanya. Habang papunta sya sa Cr ay lumabas muna ako ng restaurant at pumunta sa kotse di kalayuan sa kotse ko na naka-park. Kinatok ko ang bintana at gulat namang tumingin saken ang LBM girls nang buksan nila ang bintana. "Jharix." sabi ni Loraine na gulat pa ring nakatingin saken. "Ako nga. Anong ginagawa nyong tatlo dito? bat nyo kami sinusundan ni Antonette?" sunod-sunod na tanong ko. "Huh? Kasi... W-wala lang." hindi makatingin ng diretsong sabi saken ni Bernadeth. "BAKIT NGA!??" sigaw ko at hinampas pa ang bubong ng kotse nila dahilan para pare-parehas silang magulat. Ako pa gagawin nilang tanga? Alam kong may nag-utos sa kanila na sundan kami. "Ang lider ng Cordiality ang nag-utos samen." sabi ni Meca Ella. "Sorry na Jharix." sabi ni Loraine. "Umalis na kayo!" matigas na sabi ko lumayo ako ng bahagya sa sasakyan nila at nagmaneho na sila agad paalis. Akala ko tinigilan na ako ng Cordiality pero di pa rin pala. Andami pa rin nilang gustong itago. Cordiality pa ang pangalan ng grupo nila pero hindi naman sila honest. Joke ba yun? Hanggang ngayon ba ayaw pa rin nilang malaman ni Antonette ang lahat? Bigla-bigla nanaman tuloy bumalik sa ala-ala ko ang nangyari 2 years ago. "Jharix!" napalingon ako kay Antonette na kakalabas lang ng restaurant. "Antonette. Sorry hindi na kita nahintay sa loob." Paumanhin ko. "Okay lang, ano ka ba?" nakangiting sabi nya. "Hatid na kita sa inyo." sabi ko at pinagbuksan sya ng pinto ng kotse ko. "Okay, let's go!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD