Amos POV
Pagkatapos akong takbuhan ni Antonette matapos ang confession ko napagdesisyunan kong umuwi na lang. Wala naman akong ibang pupuntahan e.
Nang makarating na ako sa bahay ay nakita ko ang Ducati ko na naka-park na sa garage. Mabuti naman at kinuha ni Mhico dahil kung hindi makakatikim nanaman sana saken sya ng 10 laps saken kahit di pa nag-uumpisa ang training namin.
Nang makapasok ako sa loob ng bahay ay nadatnan ko si Mhico na feel at home habang naka-upo sa sala at naglalaro ng video game. Si Mommy naman ay kakalabas lang galing sa kitchen habang may dalang merienda na para siguro kay Mhico.
"Ohh Amos, andito ka na pala. San ka ba nanggaling? Kanina pa si Mhico naghihintay sayo. Bat naman sya pa ang pinakuha mo ng motor mo?" sermon ni Mommy saken. Nagsumbong nanaman ang batang to.
"May pinuntahan lang ako Mommy." sabi ko.
"Grabe Seonjang, busy ako kanina kasi nasa bahay sina Kuya Raiden at ang ibang teammates dahil nagpa-practice kami tas bigla mo akong inistorbo. San ka ba kasi nagpunta?" mahabang sabi ni Mhico.
"Kasama ko si Antonette kanina. Alam mo naman na siguro kung bakit diba?" paalala ko. Napansin ko namang para syang natauhan.
"Ahh oo nga pala Seonjang. Nakalimutan ko. Hehe." kumakamot sa batok na sabi nya. Tumigil na sya sa paglalaro at kasalukuyang kumakain ng merienda na ginawa ni Mommy. Napakatakaw talaga.
Si Mhico ang pinakabata pero sya din ang pinaka-mahilig kumain samen.
"Teka, sinong Antonette?" curious na tanong ni Mommy.
"Wala yun Mommy. Sige po aakyat na ako. Nakakapagod maglakad e."paalam ko. Napagod ako sa paglalakad na wala naman palang mangyayari. "At ikaw naman Mhico pwede ka ng umuwi." lingon ko kay Mhico.
"Sige Anak, magpahinga ka na. Ikaw Mhico? Umuwi ka na rin masamang iniiwan ang bisita." sermon ni Mommy kay Mhico.
"Oo Tita. Baka nga naghihintay na sila kaya uuwi na rin ako pero pwede po ba akong mag-uwi ng binake mong cupcakes? Ang sarap po e hehe." pambobola ni Mhico kay Mommy. Ang sabihin nya matakaw lang talaga sya.
"Sige hintayin mo ako rito at ipagbabalot kita." paalam ni Mommy at bumalik na sa kitchen.
"Sige na Mhico, akyat na ako sa kwarto ko. Pasensya ka na sa abala thank you pala bawi ako sayo." nakangiting sabi ko.
"No problem Seonjang, you're always welcome." nakangiting sabi rin nya.
Hindi ko na hinintay na maka-alis si Mhico nagtuloy-tuloy na ako sa pagpasok sa kwarto ko dahil sobrang napapagod ako.
Antonette's POV
Sa sobrang gulat ko dahil sa nakakagulantang na confession ni Amos ay wala akong ibang nagawa kundi ang tumakbo palayo. Para kang timang Antonette! Nakakahiya ka!
Hindi ko kasi alam kung anong gagawin ko, kung anong isasagot ko. Kung hindi ang sinagot ko baka isipin nya na pa-hard to get pa ako e di naman ako maganda atsaka baka pagsisihan ko rin. Kung Oo naman ang isasagot ko baka sabihin nya ang easy to get ko naman. Ahhhhh! Ewan ko ba! Hindi ko talaga alam kung paano ako magre-response sa mga sinabi nya.
Sabi nya gusto nyang patunayan ang sarili nya saken, bibigyan ko naman sya ng chance kaso hindi ko alam kung bat naisipan kong tumakbo ng parang tanga kanina.
May Jharix pa nga pala. Waaaaa! Ano bang nangyayari sa magkaibigan na yun bakit ba nila ako pinagdidiskitahan? Akala ko si Amos lang yung kulang ng isang turnilyo ng utak pati pala si Jharix. Magkagusto ba naman sa dugyot na gaya ko! Hays talaga naman!
Dahil sa kakaisip ko sa mga nangyari kanina di ko namalayang nasa tapat na pala ako ng bahay namin.
Napatingin ako sa gate namin at napairap na lang ako sa nakita ko. Si Ate Damaeca kasama ang boyfriend nya. Mas lalo akong napairap ng halikan pa sya ni Ate. Enyewow!
"Sige bye Babe! Ingat ka!" sabi ni Ate at kumaway pa.
Nang makasakay na yung boyfriend nya sa kotse nito ay agad na itong umalis.
Naglakad naman ako diretso papunta sa gate. Nakita kong tinapunan ako ng tingin ni Ate pero di ko na lang sya pinansin at nilampasan ko sya para makapasok sa loob.
"Teka nga!" sabi nya at hinila ang braso ko pabalik.
"Bakit ba?!" iritang tanong ko.
"Ano tong nalaman ko na hinintay mo daw si Amos sa may gate para sabay kayong umuwi?" mataray na sabi nya.
Nakarating agad sa kanya yun? Ang bilis naman. May pakpak ngang talaga ang balita.
"Ano naman kung hinintay ko sya? wala kang pake!" mataray na sabi ko rin. Maldita si Ate pero palaban ako. Puro pagtataray lang naman kasi ang kaya nyang gawin e.
Hindi naman kami ganito dati. Nagbago lang ang lahat ng dahil sa isang pangyayari noon.
"Binabalaan kita! Layuan mo si Amos at ang mga kaibigan nya. Hindi mo kilala ang Amos na yun!" may authority na sabi nya.
"At bakit ko yun gagawin? Dahil yun ang gusto mo? No way!" matigas na sabi ko.
"Sa tingin mo matutuwa si Raiku sa ginagawa mo?" napatitig ako ng banggitin nya ulit ang pangalan na yun.
"Suportado ako ni Raiku kay Amos noon pa man, e ikaw? Sa tingin mo ba matutuwa sya dahil sa mga ginagawa mo?" masama ang tingin na sabi ko.
"Basta layuan mo si Amos at ang mga kaibigan nya." pagpupumilit nya.
"Wala kang karapatang diktahan ako kung anong gusto kong gawin. Oo Ate kita pero alam ko ang ginagawa ko. Bakit di mo tingnan ang sarili mo bago ako ang sitahin mo? Hindi mo ba naisip na baka sayo hindi natutuwa si Raiku at hindi saken." puno ng galit ang matang sabi ko.
Hindi sya nakapagsalita at nakatitig lang sya saken. Marahil dahil hindi nya rin alam kung anong sasabihin nya.
Tinanggal ko ang pagkakahawak ng kamay nya sa braso ko at agad pumasok sa loob. Nang makarating ako sa loob ng kwarto ko ay ipinatong ko ang gamit ko sa study table ko. May nalalaman pa akong study table ang tamad ko namang mag-aral.
Nang makaupo ako sa study table ko ay binuksan ko ang drawer at kinuha ang picture namin ni Raiku.
"I'm sorry Raiku. Sana nandito ka para may napagsasabihan ako ng lahat. Para alam ko kung anong gagawin. I miss you so much." malungkot kong sabi na parang animoy sasagot saken ang litrato nya. Pinunasan ko ang munting luha na pumatak galing sa mata ko.
Tumayo ako at kumuha ng damit na pambahay sa cabinet para magpalit. Nang makapagpalit ako ay sumalampak ako ng higa sa kama ko at pinagmasdan ang kisame hanggang sa makaramdam ako ng antok. ???
Ilang minuto akong naka-idlip nang magising ako dahil sa kalabog na nagmumula sa pinto ng kwarto ko.
"Hoy babae! Lumabas ka na! Kakain na raw pangit!" rinig kong sigaw ni Ate mula sa labas ng kwarto ko.
"Andyan na lalabas na!" sabi ko at naglakad para buksan ang pinto. Pagkabukas ko ay tumambad saken ang mukha ni Ate.
"Akala ko nagbigti ka na dyan, kanina pa kita tinatawag di mo naman sinasagot. Ano bang ginagawa mo?" mataray na tanong nya.
"Bat ko naman gagawin yun? Tabi nga!" inis na sabi ko at nilampasan sya.
Dumiretso ako sa kitchen at nakita ko si Mama na naghahain sa mesa habang kausap si Papa via video call sa laptop. Dali-dali akong bumaba.
"Hi pa! I miss you!" masayang bati ko sa kanya pagkarating ko sa harap ng laptop.
"Ohh kamusta ang bunso ko?" sabi nya mula sa kabilang linya.
"Okay lang po Papa! Kayo po? Kamusta dyan? Baka po pinapabayaan nyo ang sarili nyo dyan ha? Kumain po kayong mabuti." paalala ko kay Papa.
Nakalimutan ko palang sabihin sa inyo. Nasa Turkey si Papa at nagtatrabaho sya doon bilang chef sa isang hotel.
"Ayos lang si Papa dito bunso. Nasan na pala ang panganay ko?" hanap ni Papa kay Ate.
Sumenyas ako na lumapit sya at ginawa naman nya. Lumapit sya samen ni Mama.
"Hi Pa!" bati nya kay Papa.
"Kamusta Anak?" tanong ni Papa.
"Okay naman Pa. Kayo po?" tanong nya pabalik.
"Ayos naman ako rito Anak. 9 months na lang pauwi na ako. Ohh, kakain na yata kayo ng dinner sige na mamaya na lang ako tatawag ulit pagkatapos nyo kumain. Mahal na mahal ko kayo." nakangiting sabi ni Papa.
"We love you too Papa." sabi namin ni Ate at bumalik na sa pag-aayos ng pagkain.
"Ohh sige na Mahal, mamaya ka na lang ulit tumawag kakain muna kami ng mga Anak mo." sabi ni Mama kay Papa. Kumaway lang si Mama kay Papa at namatay na ang tawag.
Ilang minuto lang kami kumain ng dinner at matapos yun ay ako na ang naghugas ng mga plato.
Si Ate pa ba ang mapaghugas ko ng plato e ang tamad tamad nun.
Nang matapos na akong maghugas ng plato ay lumabas na ako ng kitchen Manunuod sana ako ng TV pero nadatnan ko si Ate na nanunuod ng TV sa sala.
Nagdisesyon na lang akong umakyat ng kwarto ko dahil ayoko na manuod ng TV pag-aawayan lang namin ni Ate ang channel baka mabato ko lang sya ng remote control.
Makapag-log in na lang kaya ako sa f*******:. Hmm, tama Antonette! Para naman may magawa ka.
Nang makarating ako sa kwarto ko ay kinuha ko ang laptop ko at naglog-in sa f*******:.
Saktong pag-open ko may nagpop-up na message. Binuksan ko ang messages at nakita ko ang pangalan ni SEVEN.
Naalala nyo si Seven na nagfriend request saken nung nakaraang araw? Yung profile picture e sa Naruto? Basta yun yun.
Inopen ko ang message nya.
From: SEVEN
"Hi!"
Replyan ko kaya, wala naman sigurong masama diba? Nabo-bored din kasi ako ngayon. Sige replyan natin.
To: SEVEN
"Hello!"
Pagkasend ko ng message ko ay naseen nya agad at agad syang nag-typing.
From: SEVEN
"How are you?"
Nagreply ako agad pagka-seen ko ng message nya.
To: SEVEN
"I'm fine, how about you?"
Ilang minuto lang at nagreply na sya.
From: SEVEN
"After two years, I'm happy to know that you're fine."
Napakunot-noo ako ng mabasa ko a ng reply nya. Kilala nya ba ako? Ano ang nalalaman nya sa nangyari saken 2 years ago?
Agad-agad akong nagtype ng ire-reply.
To: SEVEN
"Who are you?"
Inabangan ko ang reply nya pagka-seen nya ng message ko pero makalipas ang 30 mins di pa rin sya nagre-reply. Nag-out na rin sya. Mukhang wala ng balak ma replyan pa ako.
Nilog-out ko ang account ko at tinaob ang laptop matapos ay kinuha ang bag ko para simulan ang homework ko.
Jharix POV
Maaga akong nagising para pumasok. Friday ngayon at bukas e Saturday so wala kaming pasok. Aayain ko lumabas si Antonette bukas.
Pagkagising ko ay agad akong nag-ready para maligo at mag-ayos para pumasok.
Makalipas ang ilang minuto ay palabas na ako ng bahay.
"Sir, di po ba kayo kakain?" tanong saken ng katulong.
Napatingin ako sa dining area namin at nakita ko ang mga nakahain sa table na breakfast.
Hindi nanaman pala sila umuwi kagabi.
"Sa school na lang ako kakain kayo na bahala dito. Alis na ako." bilin ko sa katulong at kinuha ang kotse ko sa garage at nagmaneho paalis.
Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ko dahil tatawagan ko si Antonette. Mabuti na lang talaga at binigay saken ni Aera ang number ni Antonette.
Naka-ilang ring pa muna bago nya nasagot ang tawag.
"Hello? Sino to?" sabi nya mula sa kabilang linya.
"Good morning Antonette! Ako to! Si Jharix." nakangiting sabi ko kahit alam ko namang hindi nya ako nakikita.
"Ohh ikaw pala yan, san mo naman nakuha number ko?" tanong nya.
"Binigay ni Aera hiningi ko kasi. Okay lang ba?"
"Ang babaeng yun talaga, okay lang naman. Sya nga pala napatawag ka?"
"Wala naman, susunduin kita ha?" sabi ko habang nagmamaneho.
"Huh? e andito na ako sa main gate ng school natin e hehe. Maaga ako pumasok usapan kasi namin ng mga kaibigan ko." paliwanag nya. Nakaramdam naman ako ng panghihinayang.
"Ahh ganun ba, bukas pwede ka bang lumabas kasama ko?" tanong ko.
"Bukas? Oo ba! Wala naman ako gagawin e." pagpayag nya. Napangiti naman ako ng malapad dahil sa pagpayag nya.
"Sige. Susunduin kita bukas. Ibababa ko na muna nagda-drive kasi ako ngayon." paalam ko.
"Ohh ganun ba? o sige. Ingat." paalala nya.
"Thank you." yun lang at pinatay ko na ang tawag.
Bago ako dumiretso ng school ay bumili muna ako ng snacks na pop corn sa Goldilocks para ibigay kay Antonette mamaya bago ako pumasok.
"100 pesos po Sir." sabi nung nasa counter. Nagbigay ako ng cash at hindi ko na hinintay ang receipt at nagmadali ng lumabas pabalik sa kotse ko.
Nang makarating ako sa parking area ng school ay dinala ko ang snacks para kay Antonette at pinuntahan sya sa classroom nila pero hindi ko sya nadatnan dun.
"Hi Jharix! I'm Loraine, hinahanap mo ba ako?" maarteng sabi nung babaeng sumalubong saken na humawak pa talaga sa braso ko. Parang ahas kung makalingkis.
"Ahh sorry Miss, pero si Antonette nakita mo ba?" tanong ko. Parang bigo naman syang bumitaw sa braso ko.
"Nasa umbrella house sila malapit sa wishing well sa may fish fond. Lagi sya dun tumatambay kasama ang mga kaibigan nya." nakasimangot na sabi nya.
"Uyy thank you ha?" sabi ko at hinawakan ko pa sya sa balikat nya.
Natawa na lang ako nang makita kong
kinilig pa sya dahil lang sa paghawak ko sa balikat nya.
Dumiretso na ako sa may fish fond at malayo pa lang ako ay tanaw ko na si Antonette na nakikipag-tawanan sa mga kaibigan nya.
Nagmadali akong naglakad hanggang sa makalapit ako sa kanila ng tuloyan. Hindi nila napapansin na paparating na ako dahil busy sila sa pagke-kwentuhan.
"Hindi nga totoo?" parang hindi makapaniwalang tanong ni Lav. Anong pinag-uusapan nila?
"Oo nga kahapon nya sinabi." sabi ni Antonette.
"Anong pagkakasabi nya?" tanong naman ni Rean.
"Alam kong di naging maganda ang umpisa natin that's why I want you to give me a chance to prove myself to you. I will court you Antonette! Yun ang pagkakasabi nya." pagke-kwento ni Antonette.
Teka ano? May nanliligaw sa kanyang iba? Sino ang lalaking yun at napakalakas ng loob na kalabanin ako. Ako pa? Isang Jharix Marquez pa ang kinalaban nya. Tingnan lang natin.
"So legit na talaga, manliligaw na talaga sayo si Amos. Haba ng hair mo girl ipakalbo yan at nananalanta." nakangising sabi ni Yanichi.
Ano? Si Seonjang? Nililigawan nya rin si Antonette? Bakit? Teka, papaano? Hindi.
"Jharix! Kanina ka pa dyan?" gulat na. tanong saken ni Humie.
"Totoo ba yung narinig ko Antonette, nililigawan ka rin ni Seonjang?" hindi makapaniwalang tanong ko.
"Jharix. Kasi." napatitig lang ako sa kanya dahil hindi nya alam kung paano sasabihin saken.
Nakaramdam ako ng inis kay Seonjang. Kailangan ko syang makausap ngayon din. Kailangan kong linawan sa kanya lahat.
"Kakausapin ko si Seonjang tungkol dito." matigas na sabi ko at naglakad palayo.
"Teka Jharix!" narinig kong habol saken ni Antonette at ng mga kaibigan nya.
Hindi ko sila pinansin kahit nakasunod sila saken.
"Teka Jharix mag-usap muna tayo." sabi ni Antonette nang makarating kami sa classroom namin.
Nakita kong kumpleto sila sa loob ng classroom. Si Seonjang, Raiden, Yasper at Mhico.
"Sorry Raiden HAHAHAHA" narinig kong sabi ni Yasper kay Raiden habang tumatawa at kumakain ng Clover.
"Bat ka nagso-sorry?" nagtatakang tanong ni Raiden kay Yasper.
"E pano kasi Kuya Raiden yung clover na binigay nya sayo nahulog na sa sahig tas pinulot nya at pinakain ulit sayo. Finger licken good nga raw e HAHAHA" paliwanag ni Mhico habang natatawa rin.
"Gago ka talaga Yasper!" sabi ni Raiden at sinuntok pa si Yasper sa balikat na walang tigil sa kakahalakhak.
"Yan kasi, patay-gutom e." tila natauhan ako dahil narinig ko ang boses ni Seonjang.
Dumiretso ako papasok sa loob ng classroom. Hindi na nakasunod si Antonette saken dahil nahihiya siguro sa mga kaklase namin. Nanatili lang sya sa labas ng pinto kasama ang mga kaibigan nya.
"Seonjang! Pwede ba tayong mag-usap? may itatanong lang ako sayo." diretsong sabi ko nang makarating ako sa upuan namin.
"Ohh Jharix, ano yun?" walang kaalam-alam na sabi nya.
"Totoo bang nililigawan mo na rin si Antonette?" tanong ko.
"Bakit mo tinatanong?" tanong nya saken pabalik.
"Seonjang alam mong nililigawan ko sya! Alam mong gusto ko si Antonette! Diba ayaw mo sa kanya? Diba naiinis ka sa kanya? bakit ngayon liligawan mo pa?" hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses ko. Wala munang captain captain ngayon.
Nakita kong natigilan ang mga kaklase ko dahil sa pagtaas ng boses ko.
"Jharix. Ipapaliwanag ko na lang sayo." napatingin ako kay Antonette na pumasok na sa loob ng classroom namin at lumapit saken.
Tumingin muna si Seonjang kay Antonette bago nagpasyang magsalita.
"Oo nililigawan ko si Antonette. Hindi naman siguro bawal diba? Hindi mo pa naman sya girlfriend." napatitig ako dahil sa sinabi nya, may point naman sya.
"Pero Seonjang, gusto ko sya." maikling sabi ko.
"Pero gusto ko rin sya." natigilan ako dahil sa sinabi nya.
"Seonjang. Paano nangyaring gusto mo sya?" nagugulohang tanong ko.
"Jharix hindi porke hindi kami magkasundo at naiinis ako sa kanya nung una ay hindi ko na sya magugustohan." paliwanag nya. Hindi ako nakapagsalita. "May the best man win?" napalagi ang tingin ko sa inilahad nyang kamay saken hudyat na hinahamon nya ako. Ilang segundo ko yung tinitigan at tinanggap ko rin.
"May the best man win for Antonette." sabi ko habang kay Antonette nakatingin.