Trustless 7: FIRST MOVE

3329 Words
Antonette's POV Kakatapos lang ng lunch break namin at nandito pa ako sa canteen dahil nahuli nanaman ako sa kanila matapos kumain. Mga walang konsensya talaga ang mga kaibigan ko iwan ba naman ako mag-isa kumain dito sa canteen, wala man lang talaga naiwan kahit isa sa kanila para hintayin ako. Hays! Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko maya-maya ay may naglapag ng pagkain sa harap ko. Tiningnan ko kung sino yun at nabitawan ko ang kutsara na ginagamit ko nang magtama ang paningin namin ni Amos. "Uyy may bisita pa yatang darating!" sabi ni Yasper at dinampot ang nahulog na kutsara ko. "Get a new spoon for Antonette Mhico." utos ni Amos kay Mhico habang saken pa rin nakatingin. "Yes Seonjang." agad na pagsunod ni Mhico. Wait teka? Tama ba yung pagkakarinig ko? He called me by my name? He called me Antonette right? Hindi naman ako nabibingi diba? "Here's your new spoon Antonette." nakangiting abot saken ni Mhico ng kutsara. "Ahh.. S-salamat. Nag-abala ka pa." ngumiti ako ng ilang kay Mhico matapos ay tinanggap ko ang kutsara. "Pumunta na kayong tatlo sa table natin, may sasabihin ako kay Antonette." utos nya nanaman dun sa tatlo. Tama nga ang pagkakarinig ko. Tinawag nya ako sa pangalan ko. Nag-iba yata ang ihip ng hangin at hindi na Ms. Dugyot ang tawag nya saken. "Teka Seonjang, anong pag-uusapan nyo ni Antonette?" parang kinakabahang tanong ni Jharix. Iniisip nanaman yata nya na aawayin ko nanaman si Antonette. "Wala ka na ron. Sige na, alis na!" may authority na sabi ni Amos. Dali-dali namang nagsikilos ang tatlo. "Tara na Dude baka masampal pa tayo ni Seonjang ng tray ng pagkain nya kapag di natin sya sinunod." aya ni Yasper at hinigit na si Jharix sa uniform. "Teka sandali!" narinig kong apila pa ni Jharix pero wala ding nangyari dahil pinagtulongan na syang hilahin ni Raiden, Mhico at Yasper papalayo. "So did you receive it Antonette?" napakunot noo ako dahil sa tanong nya matapos nyang umupo sa harap ko. "Receive what?" nagugulohang tanong ko. "I guess you didn't receive it already. Kapag narecieve mo na sana magustohan mo." nakangiting sabi nya. Hindi ko mapigilan ang sarili kong magtaka dahil sa ikinikilos nya. Ang alam ko kasi galit sya saken. Sya na nga ang nagsabi ayaw nya ako nakita dahil nandidiri sya saken tapos sya naman tong lumalapit saken ngayon. "Teka nga, bat ganyan ka na makipag-usap saken? Diba ayaw mo saken? Tsaka stop calling me Antonette! Kinikilabutan ako! Ms. Dugyot ang itawag mo saken simula pa lang kaya yun lang dapat ang itawag mo saken!" mahabang sabi ko. "Ayoko nga! Ngayon ko lang kasi narealize na your name was really beautiful. Like you!" nagtindigan ang balahibo ko dahil sa sinabi nya. Sobrang nawi-wirduhan ako sa mga pinagsasasabi nya. O baka naman hindi lang talaga ako sanay sa ganung ugali nya dahil hindi naging maganda ang naging encounter namin nitong mga nakaraang araw. "Ituloy mo na yang pagkain mo, masama yung nagpapagutom ka." seryosong sabi nya at nilagyan ba ng ketchup ang plato ko. "Itigil mo yang ganyang gawain mo! sobrang nawi-wirduhan na ako sayo Amos!" inis na sabi ko. Hindi kasi talaga ako natutuwa. "Why? don't you like it? Wag kang mag-alala dahil hindi lang ito ang una at huling beses na magiging ganto ako sayo. Ngayon pa lang sinasanay na kita kaya para kapag nasundan pa ng nasundan di ka na maninibago." sabi nya habang nakangiti saken. "Hindi ko kaya to! Hindi kita kinakaya! Hindi ko alam kung anong pumasok dyan sa utak mong kulang ng isang turnilyo pero bahala ka sa buhay mo! Dyan ka na nga bwisit!" iritang sabi ko at nag-walk out. "Bye Antonette! See you again later!" nilingon ko sya at pinakitaan ko sya ng middle finger. Nanlaki pa ang mata nya dahil sa ginawa ko. Mabilis kong nilakad ang corridor papunta sa classroom namin habang pilit inaalala ang mga pinaggagagawa ni Amos kanina. "Ano bang problema ng lalaking yun? Nasisiraan na ba sya ng bait?" pagkausap ko sa sarili ko habang naglalakad. Diretso lang ang lakad ko ng may kitataas ng takong ang sumalubong saken. Tiningnan ko sila at hindi na ako nagulat ng makita ko ang Team LBM. "Anong kailangan nyo?" tanong ko habang pinapalipat-lipat ang tingin sa kanilang tatlo. "Don't you know us?" mataray na sabi nung maliit na si Loraine. "Syempre kilala ko kayo! Ikaw si Loraine! Ikaw si Bernadeth! Ikaw si Meca Ella! Magkakaklase tayo kaya natural lang na kilala ko kayo!" sabi ko matapos silang ituro isa-isa. "Ano ba naman yan! Magi-intro kami e!" iritang sabi ni Bernadeth. "Ha? Magi-intro bakit?" nagtatakang tanong ko. "Gaya ng mga ginagawa ng mga mean girls sa Tv magi-intro din kami kaya dapat kunwari hindi mo kami kilala!" maarteng sabi ni Meca Ella. "Ohh okay?" nagtataka man pero pumayag ako. "Okay take two!" sabi ni Loraine ulit at inayos pa ang buhok matapos ay tumayo ng tuwid. "Don't you know us?" mataray na sabi ulit ni Loraine. "Sorry pero di ko kasi kayo kilala." kunwaring sabi ko. Ano bang trip nilang tatlo at pati ako e dinadamay! "Well, kung ganon magpapakilala kami sayo. My name is Loraine Andrade!" sabi ni Loraine habang nakataas pa ang kilay. Maliit sya pero sya ang pinaka-maganda sa kanilang tatlo. "My name is Bernadeth Catubay!" sabi ni Bernadeth. Sexy sya at morena. "And my name is Meca Ella Raby." pagpapakilala naman ni Meca Ella. Sexy sya at maputi. "At kami ang starting with the L!" nagpose na parang si Steffe Cheun ng My love from the star si Loraine ng sabihin nya yun. "Followed by the B!" may pagtaas ng kamay namang sabi ni Bernadette na animoy si Darna. "And end with the M!" nakapamewang na sabi naman ni Meca Ella. "We are LBM girls!" sabay-sabay na sabi nilang tatlo. LBM girls pala akala ko Team LBM pero walang magbabago sila pa rin ang Team Jebs para saken. "O-okay nga kayo nga ang LBM girls. Tapos naman na kayo sa intro nyo diba baka pwede na ako pumasok? Pasok na rin kayo!" pilit ang ngiting sabi ko. "No were not done yet!" maarteng sabi ni Meca Ella. "Ahh hindi pa ba? May another intro pa kayo?" tanong ko. "No! We have a threat for you!" sabi ni Bernadette. "A threat?" nagugulohang tanong ko pero bahagya akong kinabahan. Threat daw diba pagbabanta yun? "Threat. Banta! Wait Loraine check mo nga sya dictionary kung tama ang meaning ng threat!" utos ni Bernadeth kay Loraine. "Tama! Tama ang ibig mong sabihin ng threat." sabi ko. Lintek magche-check pa ng dictionary app sa phone tatagal lang kami lalo e. "okay that's good. Anyway speaking of threat, we want you to stay away from our princes! Layuan mo si Prince Raiden, Prince Mhico, Prince Yasper and especially our favorite Prince Jharix and Prince Amos!" mahabang sabi ni Bernadeth. "Dahil kung hindi mo yun gagawin paulit-ulit ka naming ipapahiya dahil malilintikan ka samen! Your life in this school, we are surely make it miserable understand?" mataray na sabi ni Loraine at hinigit pa ng bahagya ang dry kong buhok. Masakit sya ng very light ha? mga bwisit na to parang mga timang! "Dyan ka na nga! We already warning you Ugly gal!" sabi saken ni Meca Ella. "Let's go girls! Galga!" sabi pa ulit ni Meca Ella at sabay-sabay ko silang pinagmasdan na naglalakad papalayo habang kumikendeng ang mga bewang. Iiling-iling na lang akong sumunod sa kanilang tatlo para pumasok na rin. Nang makarating ako sa classroom ay wala pa ang teacher namin para sa afternoon class. Sabagay maaga pa naman may 30mins. pa. Nang makapasok ako sa loob ng classroom ay sinalubong ako ng mga kaibigan ko na parehas may nakakalukong mukha. "Ohh anong mga mukha yan?" curious na tanong ko. "Wala naman, kinikilig lang kasi kami sayo Chingu." sabi ni Humie na halatang kinikilig nga. Wait, nagugulohan na ako ha? "Ha? Bat naman kayo kikiligin?" nagtatakang tanong ko. "Sana ol, gumaganda kahit hindi nagsusuklay ng buhok, yung iba kasi dyan nagsusuklay na pero lumalapad lang yung noo." nakangising sabi ni Lav na ang tinutukoy ay si Aera. Agad namang binatukan ni Aera si Lav. "Nang-aano ka e! nananahimik na nga ako rito e." asar na sabi ni Aera. "Teka sandali! Ano ba kasing meron!" pag-agaw ko ulit sa atensyon nila. "Tingnan mo kasi yung armchair mo bruha ka!" sabi ni Yanichi na mukhang excited. Tumingin ako sa armchair ko tulad ng sinabi nya. May isang malaking box na nakapatong sa desk ng armchair ko. Manapis yung box pero malaki. "Ano to? Balik-bayan box?" curious na sabi ko sabay lapit sa upuan ko. Pagtingin ko sa ibabaw ng kahon ay may nakadikit na note na kulay green. Binasa ko naman yun agad. "Hi Yohara Antonette Madrigal! I want to say sorry sa lahat ng mga nagawa at nasabi ko sayo this past few days. Babawi ako sayo. Please accept this box peace offering ko kasi to sayo. Atsaka usap tayo later after ng class mo aabangan kita sa gate! See you later! From: Amos Rasper Rasiño (Your Bebe boy!) PS: Si Yasper ang nagsulat ng (Your Bebe boy) sa hulihan ng pangalan ko hindi ako hehe. Peace yo!?✌? Hindi ko napigilang ngumiti ang sarili ko dahil sa nakalagay sa note. Tiningnan ko ang likod ng note at nakita kong may nakasulat din. Tulad lang rin nung letter na nabasa ko pero puro erasure lang. Siguro yun yung unang sinulat nya pero dahil puro mali ay sa likod na lang nun sya nag-ulit ng panibago. Talagang hindi man lang gumamit ng ibang papel. Nagtitipid ba sya? "Ohh tama na ang ngiti! Kinikilig ka naman dyan masyado!" pang-aasar saken ni Aera. "Ayeiii luma-lovelife na sya." nakangising tukso saken ni Rean. Tama sya note pa lang yun pero kinikilig na ako. "Bilis na buksan mo na, nae-excite na kami!" sabi naman ni Lav. "Ikaw na kaya magbukas! atat ka e!" mataray na sabi ko kay Lav. "Ayy uma-attitude sya! Nakatanggap lang ng kahon e gumaganyan ka! Sana patay na pusa ang laman nyan para karmahin ka bwisit!" inis na sabi nya na tinawanan lang naming magkakaibigan. "Ito na nga po bubuksan ko na." sabi ko ng may halong sarcastic. Inayos ko muna ang pwesto nung box at binuksan yun. Pagbukas ko. "WOW!!!" sabi naming lahat. Ultimong mga kaklase ko ay napa-wow sa nakita namin. Ehh pano ba naman kasi? pagbukas na pagbukas ko ng malaking kahon ay sya namang pagliliparan ng tatlong heart shape balloons mula sa loob ng kahon tapos may nakalawit pa na card na ang nakasulat ay "SORRY!" Hindi ko napigilan ang pag-init ng pisngi ko at biglang bumilis ang pintig ng puso ko dahil dito. Pano na Antonette? Malalababan mo pa ba talaga ang nararamdaman mo para kay Amos? Crush lang ba talaga yang nararamdaman mo o mas lumalalim pa? Amos POV 5 mins. 5 mins na lang Amos magbe-bell na. Hayst! Antagal magring ng bell putek! Baka kasi hinihintay na ako ni Ms. Dugyot sa gate baka mamaya magbago pa ang isip nun at hindi na makipag-usap saken. Ayoko namang mangyari yun! First move ko to kaya dapat di ako pumalpak. At wait! Bawal ko na nga pala syang tawaging Ms. Dugyot simula ngayon dahil kailangan kong makuha ang loob nya. Wait, nakuha ko na nga pala kasi gusto nya na nga pala ako. Yabang HAHAHA "Ano ka ba naman Bro! Para kang may bulate dyan sa pwet, di ka mapakali dyan." sita saken ni Raiden. "Ehh nae-excite kasi ako sa pag-uusapan namin ni Antonette mamaya. Napakatagal naman mag-bell!" inis na sabi ko. "Excited kang maka-usap si Antonette Seonjang? Why?" tanong ni Mhico. "Wala! Basta!" tipid na sabi ko sa kanya. "At di mo na rin sya tinatawag na Ms. Dugyot Seonjang." si Yasper naman ang nagsalita. "Malamang! Alangan namang liligawan ko sya tas Ms. Dugyot pa rin ang tawag ko sa kanya edi first move ko pa lang bulilyaso na." masama ang tingin na sabi ko. "Ohh Jharix, antagal mo namang bumalik galing cr mag-uuwian na." sabi ni Raiden nang makapabalik na si Jharix. Hudyat yun na tumigil na kami sa pag-uusap tungkol kay Antonette dahil walang alam si Jharix sa pustahan namin. "Oo nga e. Pumunta rin ako sa canteen bumili muna akong drinks." sabi nya sabay pakita ng bottled water na binili nya. Maya-maya ay nagring na rin ang bell hudyat na mag-uuwian na. "Ohh ayan na Bro, bell na! Alam naman naming di ka sasabay samen ngayon kasi yung prinsesa mo naghihintay na sa may gate kaya sige na! Sibat ka na!" sabi ni Raiden. Never nya talaga akong tinatawag na Captain o Seonjang, wala e! Bestfriend e! "Sige na, mauna na ako sa inyo. Magsi-ingat kayo sa pagmamaneho lalo ka na Mhico! Kakakuha mo pa lang ng license mo kaskasero ka na agad magmaneho!" pagpapa-alala ko sa kanila. "Sige Seonjang! Good luck!" sabi ni Yasper. "San punta ni Seonjang?" rinig kong tanong pa ni Jharix sa kanila. "Sa Prinsesa nya! Tara na Kuya Jharix!" rinig kong sagot naman ni Mhico sa kanya. Hindi ko na lang sila pinansin at dali-dali kong kinuha ang motor ko sa parking lot at agad tinungo ang gate. Nang makarating ako sa gate ay hindi nga ako nagkamali, nadatnan ko si Antonette dun habang nakasandal sa pader at tinitingnan ang mga estudyante na isa-isang nagsisi-uwian. Sinabi ko pa namang aabangan ko sya sa gate tas ang ending e sya pa tong naghintay. Palpak ka talaga Amos! "Antonette!" tawag ko sa kanya pagkatapos kong itigil ang motor ko sa harap nya. "Buti naman dumating ka na." sabi nya saken. "Kanina ka pa ba? Sorry ha? Pinaghintay kita. Ang tagal kasi kami pinalabas ng lecturer namin e." paliwanag ko. "Hindi ayos lang!" sabi nya. "So tara na?" aya ko sa kanya. Nakita ko naman ang pagtataka sa mukha nya. "Akala ko ba mag-uusap tayo?" tanong nya. "Oo nga. Pero di dito. Dun tayo sa tahimik. Sakay ka na, ihahatid naman kita pauwi e." sabi ko at isinenyas kong umangkas na sya. Ilang naman syang naglakad palapit saken at dahan-dahang sumakay sa hulihan ng upuan ng motor ko habang nakakapit sa balikat ko. "Okay ka na ba?" tanong ko pa. "Oo!" maikling sabi nya. Nung inumpisahan ko nang paandarin ang makina ng motor ko ay ayaw naman nitong umandar. Paulit-ulit kong sinubukan pero ayaw talaga. Pag minamalas ka nga naman. Chineck ko ang tangke at nakita kong wala na palang gas ang motor ko. "May problema ba?" tanong ni Antonette mula sa likod ko. "Ngayon ko lang napansin, wala na palang gas yung motor ko. Pwede bang maglakad-lakad na lang tayo? Tapos saka tayo mag-usap." nahihiyang sabi ko. Lintek ang malas ko naman imbyerna. "Oo naman, tsaka walking distance lang naman ang bahay namin dito sa school e. Pero pano yang motor mo? Iiwan mo dito?" tanong nya na tinuro pa ang motor ko. "Oo tatawagan ko na lang si Mhico para ipakuha yan dito." pagtukoy ko sa motor ko. "Sige. Tawagan mo na sya bago tayo umalis, take your time." nakangiting sabi nya. "Excuse me lang ha?" paalam ko matapos kong madial ang number ni Mhico. Mabuti naman at sinagot nya agad. "Hello Mhico! Nakauwi ka na ba? Kung nakauwi ka na, bumalik ka sa school at kunin mo yung motor ko sa main gate, magdala ka na rin ng gas naubusan ako e. Kapag di mo to kinuha yari ka saken! Naiintindihan mo?! Sige na bye!" di ko na sya hinintay na makapagsalita dahil sigurado ako na tatanggi yun. Malakas ang loob nung tumanggi sa mga utos ko kapag sa phone ko lang sya inuutusan. Mhico's POV Nage-enjoy kami maglaro ng basketball dito sa court ng bahay namin kasama si Kuya Yasper, Kuya Raiden, Kuya Jharix at iba namang ka-team sa basketball. Dahil wala pa kaming practice sa school ay sa kanya-kanyang mga court na lang sa mga bahay namin kami nagti-training. Nagkataon naman nagkasundo sila na dito sa bahay ngayon magpractice. Nagdi-dribble lang ako ng bola ng bigla akong tawagin ni Andrei isa sa teammates namin. "Mhico, nagri-ring yung phone mo may tumatawag." sabi nya saken. Tumakbo ako sa may bench kung saan nakapatong ang phone ko para sagutin kung sino ang tumatawag. Pagtingin ko sa screen ay nakita ko ang pangalan ni Seonjang, bat kaya sya tumatawag? Dali-dali kong pinindot ang answer button. "Hi Seonjang!" pagbati ko. "Hello Mhico! Nakauwi ka na ba? Kung nakauwi ka na, bumalik ka sa school at kunin mo yung motor ko sa main gate, magdala ka na rin ng gas naubusan ako e. Kapag di mo to kinuha yari ka saken! Naiintindihan mo?! Sige na bye!" *Toot Toot* Pinatay nya agad? Grabe talaga si Seonjang di man lang ako pinagsalita. Psh! Walangya talaga yun, kung di lang ako takot maparusahan e di ko talaga sya susundin e kaso takot ako sa kanya! pag-iinitan ako nun kapag sinuway ko sya! Matapos kung kausapin si Seonjang ay dali-dali kong kinuha ang towel ko at nagpunas ng mukha. Bibili pa ako ng gas para sa motor ni Seonjang. "Mga Kuya alis muna ako sandali, maiwan ko muna kayo dito. May inutos si Seonjang e. Babalik rin ako." paalam ko sa kanila. "Sus! Nautusan ka nanaman ng halimaw kong best friend. Pasensya ka na!" paumanhin ni Kuya Raiden. "Its okay Kuya Raiden. Si Seonjang yun e! Lakas yun saken!" nakangiting sabi ko. Kahit naman pala-utos si Seonjang mabait yun kaya naman hindi ako nagrereklamo sa kanya. "Sige, mag-iingat ka bata!" paalala ni Kuya Yasper. Iniwan ko na sila doon at nagmaneho na para pumunta ng gas station upang makabili ng gas. Ibubuhos ko yun kay Seonjang tapos sisilaban ko sya. Kidding! HAHAHAHA Antonette's POV So dahil nawalan ng gas ang motor ni Amos ay naglalakad-lakad kami ngayon. Okay na rin toh, gusto ko rin kasing makasama sya ng medyo matagal. "Araw-araw ka bang naglalakad papasok at pauwi ng school?" tanong nya saken. "Oo. pero kaninang umaga sinundo ako ni Jharix sa bahay para daw sabay kaming pumasok." pagke-kwento ko. "Nanliligaw na ba talaga sayo si Jharix?" napatingin ako sa kanya dahil sa tanong nya. "Oo yata. Sabi nya kasi manliligaw daw sya kaya hinayaan ko sya." paliwanag ko. "Sya nga pala, salamat dun sa kanina." nahihiyang sabi ko na ang tinutukoy ay yung pa-balloons nya. "Nagustohan mo ba?" tanong nya. "Oo naman! Thank you ha?" sincere na sabi ko. "Actually Antoinette I have something to tell you." bigla akong kinabahan sa sinabi nya. Feeling ko nagka-trauma na ako sa sentence na "I have something to tell you" yan din kasi ang sinabi saken ni Jharix nang sabihin nyang liligawan ako. Sobrang nagulat lang talaga ako. "Ano naman yung sasabihin mo?" kinakabahan man pero pilit kong tinanong yun. "Alam kong di naging maganda ang umpisa natin that's why I want you to give me a chance to prove myself to you." sabi nya habang diretsong nakatingin saken. "What do you mean?" nagugulohang tanong ko. "I want to court you Antonette." seryosong sabi nya. Napatitig lang ako sa kanya dahil sa sinabi nya. Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Nabigla ako, di ako ready. Pakiramdam ko nalunok ko ang dila ko at hindi ako makapagsalita. Anong gagawin ko? Anong sasabihin ko? "Antonette." pagtawag nya sa pangalan ko. Hahawakan pa sana nya ang braso ko pero ginawa kong oportunidad yun para tumakbo palayo sa kanya. "Teka Antonette!" narinig ko pang sigaw nya pero hindi ko na sya pinansin at nagtatakbo na ako ng mas mabilis. Shit Antonette! What the f**k are you doing?! Napailing na lang ako habang hinihingal sa pagtakbo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD