Trustless 6: PUSTAHAN

2186 Words
Amos POV Today is thursday at hindi ko maintindihan kung bakit parang wala akong gana bumangon sa higaan ko para pumasok. Naalala ko nanaman yung nangyari kahapon pag-uwi namin. Magkasabay na umuwi si Antonette at Jharix. Kung tutuusin dapat wala akong pakealam, oo nga tama! Wala naman talaga akong pakealam pero hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit hindi mawala-wala sa isip ko ang lahat. "Hoy Amos, bat di ka pa bumababa, papasok ka pa." napatingin ako kay Kuya Arvic na kakapasok lang ng pinto ng kwarto ko. Naka-uniform na rin sya at halatang ready na para pumasok. "Sige, maliligo lang ako saglit Kuya. Pababa na rin." sabi ko sa kanya. Tumango lang naman sya at isinara nya na ang pinto. Nang maka-alis na si Kuya ay bumangon na ako at dali-daling pumunta ng banyo para maligo. Makalipas ang ilang minuto ay nagbihis na rin ako ng uniform ko at inihanda ang gamit ko na dadalhin ko sa school. Binuksan ko ang drawer para kunin ang susi ng motor ko ng makita ko dun ang susi ng dati kong kotse. Kotse na naging dahilan ng trauma ko. Ipinilig ko ang ulo ko at pilit inalis ang mga ala-ala ng kotse ko sa isip ko matapos ay lumabas na ako ng kwarto ko. "Good morning Mommy! Daddy! Kuya!" sabi ko nang makarating ako sa dining area namin. "Good morning Anak, nagpaluto ako ng paborito mong bacon and egg. Kumain ka na." salubong saken ni Mommy at pinaupo na ako sa hapag-kainan. "Thank you for this Mommy." sabi ko habang ang tinutukoy ay ang mga ulam na pinaluto nya dahil paborito ko. Nag-umpisa na kami kumain ng breakfast. "Kamusta ang school Amos?" tanong ni Daddy. "Okay naman Dad." pormal na sagot ko. "Wala pa ba kayong practice ng basketball?" this time si Mommy naman ang nagtanong. "Wala pa po Mommy. Next month pa naman kasi ang intrams atsaka first week pa naman ng school e." mahabang sabi ko na ikinatango lang naman ni Mommy. "Ehh yung babaeng nambibwisit sayo, inlove ka na ba sa kanya?" nakangising tanong ni Kuya. "Pinagsasabi mo dyan?" masama ang tingin na sabi ko sa kanya na ikinakibit balikat nya lang. "Ohh, umagang-umaga nag-uumpisa nanaman kayo." saway samen ni Mommy. "Nagtatanong lang ako e. Pasok na nga ako. Bye Daddy, Bye Mommy!" sabi ni Kuya at humalik pa sa pisngi ni Mommy bago lumabas ng dining area. Dali-dali kong tinapos ang pagkain ko matapos ay uminom ng tubig at naghanda nang umalis. "Pasok na rin po ako Mommy and Daddy." paalam ko matapos ay humalik ako sa pisngi ni Mommy. "Mag-iingat sa pagda-drive." paala ni Mommy na tinanguan ko na lang. Pumunta na ako ng garage at kinuha ang Ducati ko matapos ay nagmaneho na papuntang school. Pagkarating na pagkarating ko ay si Mhico ang nadatnan ko. "Ohh, aga mo ahh." bati ko sa kanya matapos kong maipark ang motor ko. Tumingin lang si Mhico sa Rolex watch nya. "Oo nga Seonjang e. Aga ko kasi nagising." sabi nya. "Sina Yasper wala pa ba?" tanong ko sa kanya. "Wala pa. Pero si Jharix nanggaling na dito kanina kaso umalis din nakalimutan daw sunduin si Antonette e." pagke-kwento nya. "Ahh okay. Tara na." nasabi ko na lang. Naglakad na kami papunta sa corridor ng classroom namin at sumalubong nanaman samen yung tatlong tsismosa. Author's Note: Remember the Team LBM on chapter 1? Sila po yun hehe. Bye! "Good morning Amos! My name si Loraine Andrade" ngiting-ngiting sabi nung isa para magpakilala. "Hi Mhico! I'm Bernadette Catubay!" pakilala nung isa kay Mhico. "Hi Amos and Mhico! I'm Meca Ella Raby. The prettiest" kumindat pa sya nang sabihin nya yun. Inirapan ko na lang silang tatlo at naglakad na papalayo. "Ahh hehe. Nice to meet you all! Bye!" narinig ko pang sabi ni Mhico matapos ay humabol saken. "Grabe Seonjang, snober ka!" sabi nya pa saken ng makasabay na sya sa paglakakad ko. "Hindi ako snober, max ako." pagjo-joke ko pero hindi sya tumawa kaya tiningnan ko sya ng masama. Nang mapansin nyang masama ang tingin ko ay humalakhak sya ng pagkalakas-lakas. "BWAHAHAHAHAHA! Putek Captain! Bentang-benta yung joke mo! Whoa! Natawa ako sobra HAHAHA" pilit na humahalakhak na sabi nya. "Tara na nga! Bilisan mo puro ka kabulastugan!" sabi ko at nagdiretso na kami sa paglakad hanggang sa makarating kami sa classroom. Pagdating namin dun ay halos lahat ng kaklase namin ay nasa loob na ng classroom at nagsisipag-aral. Dumiretso kami ni Mhico sa upuan namin. Pagkaupo pa lang namin ay sumulpot si Raiden sa pinto ng classroom at dali-daling naglakad palapit samen. "Good morning sa inyo." parang antok na antok na sabi ni Raiden matapos ay umubob sa arm chair nya. "Bat parang puyat ka?" tanong ko sa kanya. "Bwisit si Yasper, inaya ba naman ako mag-bar kagabi tapos alas-tres ng madaling araw na kami nakauwi. Kaya ito, antok na antok ako." reklamo nya. "Yan ang napapala ng mga babaero." sermon ko. Babaero si Raiden at Yasper pero mas matindi si Yasper, halos lahat yata nilandi nun. "Good morning Seonjang! Good Morning Mhico! Good morning Raiden! Happy birthday and Merry Christmas sa inyong lahat!" energetic na sabi ni Yasper habang papalapit samen. "Malayo pa ang pasko at hindi rin naman namin birthday Kuya Yasper." sabi ni Mhico. "Ahh hindi ba? Sorry sorry! HAHAHA. Asan pala si Jharix?" tanong nya samen. "Sinundo yata si Ms. Dugyot." walang emosyon na sabi ko matapos ay binuklat ang page ng librong binabasa ko. "Naks! Mukha yatang seryoso talaga si Jharix kay Antonette ahh." komento ni Yasper. "Ikaw Seonjang di mo ba liligawan si Antonette?" napatingin ako dahil sa tanong nya. "Seryoso ka?" di makapaniwalang tanong ko kay Yasper. "Yes Seonjang, mukha ba akong nagjo-joke?" seryosong sabi nya na itinuro pa ang sarili nya. "Bakit ko naman liligawan yun? I don't like her, so for what reason at naisipan mong ligawan ko si Ms. Dugyot?" tanong ko. "For fun lang Seonjang." di ako nakapagsalita sa sinabi nya. Talagang idadamay pa ako sa mga kalokohan nya. "Speaking of for fun. I have an idea!" biglang nagising ang diwa ni Raiden. "What idea Kuya Raiden?" tanong ni Mhico sa kanya. "Bro, gusto mo bang magkaroon ng thrill ang life mo?" lumapit pa sya saken nang sabihin nya yun at kinuha pa ang librong binabasa ko. "Ano nanaman ba yan Raiden?" parang walang ganang sabi ko. "Oo nga Raiden anong trip yan sali kami!" parang batang sabi ni Mhico. "Di ka kasali Mhico bata ka pa, mangmatatanda lang ang trip ko. Rated SPG patnubay ng magulang ang kailangan." seryosong sabi ni Raiden. Ngumuso lang naman si Mhico. "Uyy SPG gusto ko yan sali ako!" energetic na sabi ni Yasper. "Di ka rin pwede, pangpogi lang ang trip ko pogi ka ba? pangit mo kaya!" panlalait ni Raiden kay Yasper. "Seryoso ka? Di talaga kami pwede sumali?" sabi ni Yasper. "Hunghang mukha ba talagang seryoso ako? Sus! Syempre dapat kasali talaga kayo kasi mawawalan ng thrill yung trip ko kapag di kayo sumali." sabi ni Raiden. "Ehh ano ba kasi yun Raiden? Pabitin ka pa e." malapit na akong mairita sa kanya sa totoo lang. "Kilala nyo naman si Antonette diba? Yung tinatawag ni Amos na Ms. Dugyot at yung hinalikan nya kahapon. Yung may gusto sa kanya! Yung nililigawan ni Jharix!" sunod-sunod na sabi nya. Binatukan ko nga. "Kilala namin sya! Di mo kailangang idetalyado bwisit ka! Ano nga kasing meron sa dugyot na yun?!" sabi ko. "Ligawan mo." seryosong sabi ni Raiden. "Gago ka ba?" tanong ko. "Seryoso nga!" sabi nya. Tinitigan ko lang sya at inaabangan kong tatawa sya ng malakas pero nakatingin lang talaga sya saken. "Seryoso ka talaga?" tanong ko ulit. "Oo nga!" sabi nya. "Ulol! f**k you sagad! Sapakin kita kaliwat kanan e makita mo!" inis na sabi ko. "Baliw ka talaga Kuya Raiden kung ano-ano pumapasok sa isip mo." kahit si Mhico natatawa na rin. "Pag napasagot mo sya babayaran kita 20,000 plus kapag naging kayo na at tumagal kayo ng 1 month another 20,000 pero kapag di mo sya napasagot syempre ako ang babayaran mo ng 40,000 ano Bro? Deal?" tanong nya. Tinitigan ko lang si Raiden matapos nyang sabihin yun. "Anong sabi mo? Tatanga-tanga ako? Oo na! Ako na yung tanga at ikaw na yung matalino! Ako na yung pangit at ikaw na yung gwapo wala e! perpekto ka kasi! Pero kahit gaano ka pa kaperpekto hinding-hindi ko hahayaang tuloyang mahulog ang loob ko sa mayabang at mahangin na gaya mo!" "Gusto kita pero wag kang umasa na magtatagal ang nararamdaman ko! Sa ugaling meron ka nasisuguro ko na magkukusa ang sarili ko na wag nang magkagusto sayo!" Isa-isang nagflashback saken ang mga sinabi ni Antonette kahapon. "Deal!" pagpayag ko. Hindi ko alam kung bakit ako pumayag. Di dahil sa perang makukuha ko basta pakiramdam ko dapat ko tong gawin. Bahala na kung anong kalalabasan nito. "Seonjang, seryoso ka ba dyan?" hindi makapaniwalang tanong ni Mhico. "Oo naman! Sisiw lang saken yang pinapagawa mo! May crush naman saken yun e kaya tingin ko naman magagawa ko agad yan." buong tiwala na sabi ko. "Hoy kayo ha? Wala namang ginagawa sa inyo si Antonette pero pinagpupustahan nyo. Pano kapag nalaman yan ni Jharix, magagalit yun saten." seryosong sabi ni Yasper. Ngayon lang pumasok ulit sa isip ko na nililigawan nga pala ni Jharix si Ms. Dugyot. "Hindi naman nya malalaman, basta walang magsasabi sa kanya. So ano, pupusta ba kayong dalawa?" tanong ni Raiden kay Yasper at Mhico. "Sige Kuya Raiden pusta ko na mapapasagot ni Seonjang si Antonette." sabi ni Mhico. "Ohh 10,000 ang ibabayad mo kapag natalo ka ha?" sabi ni Raiden kay Mhico na tumango lang. "Ikaw Yasper anong pusta mo?" baling ni Raiden kay Yasper. "Pusta ko na hindi mapapasagot ni Seonjang si Antonette." sabi nya. "Wala ka bang tiwala saken Yasper?" mayabang na sabi ko. Ngumisi lang sya saken at nagkibit-balikat. "Ohh basta deal na yan ha? Usapan yan!" sabi ni Raiden. "Good luck Seonjang, nasayo ang pusta ko!" sabi ni Mhico, kinindatan ko lang naman sya. "Don't worry Mhico! Don't worry!" nakangising sabi ko at hinawakan pa ang balikat nya. I hope so too! Sana nga mapasagot ko sya. Dun ko kasi masisimulan ang lahat. Antonette's POV Lumuluha akong bumangon ng kama ko dahil napanaginipan ko nanaman sya. Tiningnan ko ang picture frame naming dalawa na matagal nang nakatago sa drawer ko. Napangiti na lang ako ng pilit habang isa-isang pumapatak ang luha sa mata ko. "Pano ko matatanggap ang pagkawala mo kung paulit-ulit kung napapanaginipan ang nangyari. Sobrang nami-miss na kita. Sobrang laki ng pinagbago ko simula ng iwan mo ako." humihikbing sabi ko habang nakatingin sa litrato naming dalawa. Huminga ako ng malalim matapos ay pinunasan ko ang luha ko at itinabi ulit ang picture frame sa drawer. Kinuha ko ang towel at dali-daling pumasok sa banyo para maligo. Ilang minuto lang ay ready na ako pumasok, nakita ko pang namumugto ang mata ko pero hinayaan ko na lang. Sanay na si Mama saken. Bumaba na ako para kumain ng agahan. "Good morning Ma, si Ate?" tanong ko kay Mama nang makita kong wala si Ate sa hapag-kainan. "Maagang pumasok ang Ate mo. Namumugto nanaman ang mata mo, napanaginipan mo nanaman sya?" tanong ni Mama saken. Malungkot naman akong tumango sa kanya. "Oo Mama e." malungkot kong sabi. "Its okay Anak. Its okay." lumapit saken si Mama para yakapin ako. Nang yakapin nya ako ay bumuhos nanaman ako ang luha ko. "Its been 2 years Ma. Sobrang miss na miss ko na sya. Gustong-gusto ko na syang makita." humahagulgol na sabi ko. "Edi puntahan mo sya kapag wala ka nang pasok. Baka kaya napapanaginipan mo sya ay dahil hindi ka na pumupunta sa kanya, namimiss ka lang din nun." sabi ni Mama. Tumango lang naman ako sa kanya. "Sige na kumain ka na at may pasok ka pa." nag-umpisa na akong kumain ng breakfast. Nasa kalagitnaan ako ng pagkain ng may marinig ako na busina ng sasakyan mula sa labas ng bahay namin. "May bisita ka ba Mama?" tanong ko kay Mama. "Wala naman.. Sandali at titingnan ko kumain ka lang dyan." tumango lang ako kay Mama at pinagpatuloy ang pagkain. Si Mama naman ay lumabas na ng bahay para tingnan kung sino ang bumusina sa labas. Kumuha ako ng tubig sa ref dahil tapos na rin akong kumain ng marinig ko ang yabag ni Mama papasok sa kusina. "Sino Mama yung dumating? Kilala mo ba?" tanong ko habang nagsasalin ng tubig sa baso at ininom yun. "Jharix daw, manliligaw mo sinisundo ka." naibuga ko ang tubig na iniinom ko at malalaki ang matang napatingin ako kay Mama. Mabuti na lang at hindi nabasa ang uniform ko. "Hi Antonette good morning!" kumakaway na sabi ni Jharix mula sa likod ni Mama. Ngumiti lang ako sa kanya. "Anong ginagawa mo dito?" ilang na sabi ko. "Sinusundo ka! Sabay tayo pumasok!" nakangiting sabi nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD