Amos POV
Hapon na at ilang minuto na lang ang hinihintay namin malapit nang mag-uwian. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit hindi mawaglit sa isip ko ang ginawa kong paghalik kanina kay Ms. Dugyot.
Hindi ko rin maintindihan si Jharix kung bat hindi nya ako pinapansin after ng nangyari.
"Uyy Amos, cleaners tayo ngayon baka naman takasan nyo nanaman kami ng mga barkada mo. Sa susunod isusumbong na namin kayo sa adviser natin." sabi ni Angela leader ng cleaners.
Wednesday nga pala at kaming lima nina Raiden, Yasper, Mhico at Jharix ay magkakasamang na-assign sa cleaners tuwing myerkules.
"Hindi ako tumatakas Angela, tinulongan nga kitang magtapon ng basura last year e." sabi ni Yasper.
"Last year pa yun! At sa daming beses na cleaners ka yun lang ang una at huling beses na hindi ka tumakas." mataray na sabi ni Angela.
"Ehehe. Sorry baby, hatid na lang kita para makabawi ako." nagpapa-cute na sabi ni Yasper.
"Sure." nakangiting sabi ni Angela. Rupok HAHAHAHA
Hindi ko na lang sila pinansin at nagpatuloy na lang sa ginagawa kong pagbabasa ng libro. Kanina pa kasi nakalabas ang teacher namin pero dahil hindi pa nagri-ring ang bell sinabihan nya kami na wag na munang lumabas ng classroom. Ilang minuto na lang naman ang hihintayin namin so its fine.
"Seonjang, pwede bang wag na muna ako mag-cleaners ngayon? May tournament kasi kami ng ML hehe." sinamaan ko lang sya ng tingin. "Joke lang pala Seonjang, magki-cleaners ako, sabi ko nga." pagbawi nya.
Mabuti naman at nakukuha sa tingin ang batang to.
*KRIIING! KRIIING!*
Nang marinig ng mga kaklase ko ang bell hudyat na uwian na ay kanya-kanya na silang takbuhan palabas. Nakita ko si Raiden na dali-daling kinuha ang bag nya at akmang tatakas pero hinigit ko ang likod ng collar ng polo nya.
"San ka pupunta?" maangas na tanong ko.
"Magsi-cr ako Bro! Sama ka? Hehe." palusot nya habang nakangiting aso saken.
"Magsi-cr ka? Dala ang bag? sinong niluko mo?" seryosong sabi ko.
"Tss! Oo na maglilinis na! Bitaw na." inis na sabi nya at ibinalik ang bag nya sa arm chair nya at nag-umpisang kumuha ng walis tambo. Nginisihan ko na lang sya at umiling.
Nag-umpisa na akong magpunas ng board. Si Raiden ay nagwawalis ng sahig, si Yasper ay nakikipag-landian habang nagpupunas ng bintana, si Mhico ay nag-aayos ng arm chair na maayos na. Nagkukunwaring tumutulong pero pagalaw-galaw lang ng armchair. Nakita ko naman si Jharix na binubuhat ang teachers table papunta sa gilid ng classroom para malampasuhan ng mga babae ang sahig. Mukhang bigat na bigat ang luko.
"Hoy Mhico, wag kang pagalaw-galaw lang ng upuan dyan, dito ka. Ikaw na magtuloy nito." utos ko kay Mhico na kumakamot lang ng batok habang nakangusong papalapit saken.
"Okay Seonjang." walang ganang sabi nya.
"Tinatamad ka?!" maangas na tanong ko.
"Huh? Ano ka ba Seonjang hindi no! ang saya kaya magpunas ng board hehe!" sabi nya at nag-umpisa ng magpunas ng board.
Lumapit ako kay Jharix na hirap na hirap buhatin ang teachers table dahil mabigat nga yun at gawa sa pinaghalong kahoy at bubog.
"Let me help you." sabi ko.
"Hindi na Seonjang ako na." seryosong sabi nya na hindi ako tinitingnan.
"Are you mad because of what I did earlier?" tanong ko.
Tumingin muna sya saken ng diretso.
"I'm not mad for what you did Seonjang, aaminin ako naiinis ako pero dahil lang yun sa mga sinabi mo kanina kay Antonette. Nakakapanakit ka na ng tao Seonjang e. Pinahiya mo sya sa harap namin at ng mga kaibigan at kaklase nya." ramdam ko talaga ang iritasyon nya sa paraan ng pananalita nya.
Maybe I should apologize? Alam ko namang mali yung mga ginawa ko e, ayoko lang aminin.
"I know that I'm wrong, so I'm sorry. Don't worry I will not do it again." sabi ko.
"Wag ka saken mag-sorry Seonjang, kay Antonette ka mag-sorry. Tsaka hindi ko na rin hahayaang saktan mo sya." seryosong sabi nya.
"Do you really like that girl?" paniniguro ko.
"Yes Seonjang." parang siguradong-sigurado na sabi nya.
"No offense ha? But anong nagustohan mo sa kanya? Hindi sya maganda, sexy sya pero di sya maporma. In short dugyot sya." hindi ko alam pero naiinis ako.
At ngayon ko lang narealize na naatim kong halikan ang dugyot na babaeng yun. Ako mismo hindi ko alam kung bakit ko ginawa yun.
"Oo hindi sya palaayos, pero hindi naman pang-rampa ang hanap ko Seonjang e. Si Antonette nakikita ko na maganda ang kalooban nya kumpara sa ibang babae dyan na magaganda at mapoporma. Sabi ng Mommy ko wag daw ako maghahanap ng maganda, ang dapat ko daw hanapin yung kaya akong tanggapin kahit anong ugali at pagkatao ang meron ako at nakikita ko na si Antonette na ang babaeng yun." mahabang sabi nya.
Hindi na lang ako nakapagsalita dahil may point naman sya kaya nirerespeto ko yun.
"Oo na, naiintindihan na kita." ngumiti ako sa kanya matapos kung sabihin yun.
Ngumiti lang din sya saken at nag-umpisa na kaming buhatin yung teachers table.
Antonette's POV
Naglalakad na kami palabas ng classroom ng mapadako ang tingin ko sa dulo ng building kung nasaan ang classroom nina Amos nakita ko naman sina Amos at ang mga barkada nya na palabas na ng classroom nila.
"Antonette di ka ba sasabay saken? Ipapahatid kita sa driver." prisenta saken ni Humie.
"Hindi na Humie. Mas prefer ko maglakad tsaka wag ka ngang OA walking distance lang bahay namin HAHAHA" tumatawang sabi ko.
"Sorry Chingu nakalimutan ko hehe." tumatawang sabi rin nya.
"tss!" inirapan ko na lang sya.
"Hoy tingnan nyo yung shinare kong Memes!" tawang-tawa na sabi ni Aera sabay pakita samen ng phone nya.
Tiningnan naman namin ang memes na sinasabi nya at sabay-sabay kaming natawa dahil nakakatawa nga naman talaga.
Napatigil kami sa pagtawa ng mapansin namin si Rean na walang kaemo-emosyon matapos tingnan ang memes na pinagtatawanan namin.
"Ayy hindi sya natawa. Hindi memes ang happiness nya." sarcastic na sabi ni Lav.
"Bakit mo ba shinishare yung ganyang memes Aera?" poker face na tanong ni Rean.
"Why? is that bad? Bawal ba?" mataray namang tanong ni Antonette.
"Gusto mo bang sumikat? O gusto mo lang magpasikat? Gusto mo bang makisaya o gusto mo lang makisaya? Its showtime!" humagalpak ako ng tawa dahil sa sinabi ni Rean with full energy pa talaga yung pagkakasabi nya.
"HAHAHAHAHA nice joke Rean! Benta yun!" tumatawa pa ring sabi ko.
"Babaw ng kaligayahan mo Cyst! Korni nga nung joke nya e." walang emosyong sabi ni Yanichi.
Hindi ko na lang sya pinansin at nagpatuloy na lang kami sa pagke-kwentuhan tapos ay naglakad na ulit kami.
"Hi Antonette!" napalingon kaming lahat dahil sa tumawag ng pangalan ko at nakita ko si Jharix na tumatakbo papalapit samen.
Naalala ko nanaman yung pinag-usapan namin kanina sa garden sa may Music room.
F L A S H B A C K
Umiiyak akong lumabas ng classroom namin dahil sa pagkapahiya ko kanina. Hanggang sa makarating ako ng garden ay walang tigil sa pagtulo ang luha ko.
"Nakakainis! Bat ko ba kasi sya pinatulan?! Tingnan mo tuloy ang nangyari sayo Antonette! Nawalan ka tuloy ng first kiss! Aaaaahhh! Ang ini-expect ko pa namang first kiss ko e yung kasing-romantic ng mga nababasa at napapanuod ko sa TV. Yung nagkikiss under the rain, sa harap ng Eiffel tower o kaya sa ilalim ng sunset Waaaaa!!! Nakakainis talaga!" umiiyak at nagmamaktol na sabi ko.
Halos makalbo ko ang mga d**o sa garden dahil sa pagmamaktol ko.
"Haay! Kailangan ko ba talagang maging maganda at matalino para magustohan? Anong magagawa ko e ito lang ako." malungkot na tanong ko sa sarili ko tapos ay pinunasan ko ang luha ko.
"Ilang beses ko na bang sinabi sayo na you're pretty in your own way." napatingin ako sa nagsalita mula sa likod ko.
"Jharix, ikaw pala yan." bigla akong nakaramdam ng hiya dahil sa pagdating nya. Hindi naman kasi kami close. Ngayon nya nga lang ako nakausap pero antagal na naming magka-schoolmate.
"So you knew my name?" nakangiting tanong nya.
"Yeah, bakit naman hindi? Popular kaya kayo ng Team nyo." diretsong sabi ko.
"Sabagay." Sabi nya na lang at naglakad papalapit sa tabi ko. "Grabe ahh. Hindi ka na naawa sa mga d**o, nananahimik sila kinalbo mo naman." natatawang sabi nya at tumabi saken sa pagkakaupo sa damuhan.
"Sorry na." nakasimangot na sabi ko na lang.
"Okay lang. Okay ka na ba?" pangangamusta nya.
"Okay na. Wala namang mangyayari kung magmaktol ako dito buong maghapon. Bat ba kasi napaka-sama ng ugali ng Amos na yun! Kung pwede ko lang syang gilitan sa leeg ginawa ko na e! Nakakainis talaga!" bumalik ang pagkairita ko dahil naalala ko nanaman ang nangyari kanina.
"Akala ko ba okay ka na? Mukhang gigil na gigil ka pa rin kay Seonjang e. HAHAHA" tumatawang sabi nya. Nginusuan ko lang sya. "Ganun lang talaga si Seonjang, sanay na kasi kami sa ugali nun kaya hindi na namin pinapatulan pero mabait yun." pagtatanggol nya sa Captain nila.
"Seonjang? Ano yun?" kunot-noong tanong ko.
"Seonjang means Captain." sagot nya.
"Ahh bakit Seonjang? Kaartehan nyo rin e." natatawang sabi ko.
"Grabe ka naman HAHAHA. wala lang gusto lang namin maiba e." paliwanag nya.
"Ehh bat mo nga pala ako sinundan dito?" tanong ko ulit.
"Nag-alala kasi ako sayo nung bigla kang nag-walk out kanina tsaka ang totoo nyan I have something to tell you." seryosong sabi nya habang nakatingin saken ng diretso.
"May sasabihin ka? Ano yun?" curious na tanong ko.
"Mag-promise ka muna na wag mo akong pagtatawanan kapag nasabi ko na kung ano yung sasabihin ko." May pagdududang sabi nya.
"Bakit ako tatawa? Joke ba yung sasabihin mo?" nakangising tanong ko.
"Hindi. Basta mag-promise ka!" parang batang sabi nya.
Huminga muna ako ng malalim. "Okay sige. Promise! I will not laugh." seryosong sabi ko.
"Okay. Ahm.. Antonette, I like you!" seryosong sabi nya tapos ay kagat labing tumingin saken at naghihintay ng sagot ko.
Tinitigan ko lang sya dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko.
"HAHAHAHAHAHAHAHA" pilit na halakhak ko. Sumimangot naman sya bigla.
"Sabi mo di mo ako pagtatawanan? nag-promise ka pa naman. Kainis ka!" nakabusangot na sabi nya at hinampas pa ako sa balikat.
"Ikaw kasi! Anong I like you sinasabi mo dyan? HAHAHA"pilit na tawa ko pero ang totoo naiilang na ako.
"Seryoso nga kasi ako Antonette e!" sabi nya.
"EWAN KO SAYO!" nasabi ko na lang.
"Seryoso ako. Gusto kita at liligawan kita." mas lalo akong natigilan dahil sa huling sinabi nya.
"Liligawan mo ako? Seryoso ka? Teka Jharix, kung pinagtitripan mo ako itigil mo yan!" seryosong sabi ko.
"Hindi kita pinagti-tripan. Seryoso ako." mababakas mo talaga na seryoso sya dahil sa paraan ng pananalita nya idagdag mo pa na diretso syang nakatingin sa mga mata ko nang sabihin nya yun.
"P-pero bakit ako? Hindi ako maganda, hindi ako pala-ayos. Dugyot nga ako sabi ng Seonjang nyo e diba?" hindi makapaniwalang sabi ko.
"Para saken maganda ka inside and out. That's why you caught my attention nung unang beses na makita kita sa locker area namin." pagke-kwento nya. Hindi ako nakapagsalita dahil sa sinabi nya. Di kasi ako makapaniwala talaga.
"Basta liligawan kita wether you like it or not, may pag-asa man ako o wala." final na sabi nya. Wala akong nagawa kundi titigan lang sya.
E N D O F F L A S H B A C K.
"Bakit?" ilang na tanong ko ng makalapit na samen ng tuloyan si Jharix.
Tiningan ko ang mga kaibigan ko at pare-parehas lang sila nakatingin saken na parang ipinapahiwatig nilang "You need to explain everything to us."
Nilipat ko ang paningin ko kay Amos na malapit na makarating sa kinaroroonan namin kasama nya ang barkada nya. Seryoso lang syang nakatingin saken. As in saken lang talaga. Inalis ko ang tingin ko sa kanya.
"Sabay na tayo umuwi. Sa iisang village lang naman tayo nakatira e." nakangiting sabi saken ni Jharix.
Tiningnan ko si Amos sa peripheral vision ko at nakita kong nilampasan nya lang kami at nagpatuloy sa paglalakad.
"Uyy Antonette!" nabalik ang atensyon ko kay Jharix ng hawakan nya ang balikat ko at bahagya itong inuga.
"Sure. Tara." nasagot ko na lang.