Antonette's POV
Kakarating ko lang ng school at himala dahil ako ang pinaka-maaga sameng magkakabarkada ngayon. Ano kayang mga nangyari sa mga yun at mga nahuling pumasok?
Pagkapasok ko ng classroom namin ay si Jim lang at Mina ang nadatnan ko. Mga kaklase kong maaga pumasok hindi para mag-aral kundi para maaga lang pumasok. Trip lang nila yata pumasok ng maaga ano bang problema natin dun? HAHAHAHA
May recitation kami mamaya sa Accounting kaya pumasok ako ng maaga para magbasa-basa ng notes na diniscuss kahapon ng lecturer namin.
Ano ga naman ari, at ikatlong araw pa lamang ng pasok e ganire na. May recitation agad hayst.
Pinilit kong aralin ang notes ko kahit wala naman talagang pumapasok sa utak ko. Anak ng pilipit oo. Ano bang utak meron ka Antonette? gamunggo ba? Kalahati bulok? o baka bulok lahat? susme!
"Wow! early bird sya today!" napalingon ako kay Humie na kakapasok lang ng classroom.
"Hehe, kailangan mag-aral e." paliwanag ko na parang wala sa mood.
"Mag-aral? seryoso ka? Aral talaga? o sige! Tulongan mo kami sa recitation mamaya okie?" sabi nya ng makarating sya sa upuan nya.
"Wala kang aasahan saken, pare-parehas lang tayong mangmang." inis na sabi ko na ikinatawa nya lang at itinuon na lang ang atensyon nya sa phone nya.
Ilang minuto akong nagbasa-basa at masasabi kong kahit papano naman e may maisasagot na siguro ako mamaya.
Maya-maya ay sabay-sabay na nagsidatingan sina Yanichi, Rean, Lav at Aera.
"Good morning!" bati ko sa kanilang apat.
"Walang good sa morning." humihikab na sabi ni Lav.
"Why naman?" tanong ko.
"Kung mukha mo una kong makikita sa umaga sa tingin mo good pa ang morning ko?" pang-aasar nya.
Binato ko sa kanya ang notebook na binabasa ko.
"Aray! Sakit nun ahh!" iritang sabi nya.
"Alam kong pangit ako pero foul ka na letche!" kunwaring naiinis na sabi ko.
"Tama na nga! nagreview ba kayo? May recitation tayo." sabi ni Aera.
"Hindi nga ako nagkapag-review tumugtog kasi kami sa Hanes kagabi." sabi ni Yanichi at umupo sa armchair nya. May banda nga pala si Yanichi. Sya ang guitarist kaya naman minsan e napupuyat.
"Bahala na mamaya. Para namang di kayo sanay ng walang naisasagot e noh?" natatawang sabi ni Rean.
Nagtawanan lang kami dahil sa sinabi nya matapos ay nagkwentuhan lang kami ng kung ano-ano.
"Nakita ko pala si Amos kanina Antonette, nasa parking lot." pagkekwento ni Aera.
"Ohh tapos?" kunwaring hindi interesadong tanong ko.
"May feelings ka pa ba sa kanya? Bat di ka na kinikilig kapag pinag-uusapan sya?" tanong ni Lav.
"Siguro natauhan lang ako dahil sa sinabi nya."seryosong sabi ko habang hindi nakatingin sa kanila.
"Anong sinabi nya sayo?" tanong ni Rean.
"Ang sabi nya wag na akong lalapit sa kanya dahil kahit kelan hindi nya ako mapapansin. Ayaw nya daw saken dahil nandidiri sya sa itsura ko." pilit ang ngiting sabi ko.
"Ehh sira-ulo pala yang si Amos e! Gusto mo bungian ko na?!" galit na sabi ni Yanichi.
"Hoy wag ganun Yanichi! Bat mo bubungian? Bungi lang? Weak mo naman! Gawin mo nang bungal para Savage!" natawa naman kami dahil sa suggestion ni Humie.
"Oo nga! Pag nagawa mo yun Yanichi sabihin mo sa kanya ako na lang papagawa ng pustiso nya, tapos isurrender nya saken kada uwian para ako na rin ang magbabad sa baso ng tubig HAHAHAHA" sabi ni Lav at humagalpak ng tawa.
Tiningnan ko lang silang lima at napangiti ako dahil narealize ko na kahit hindi ako maganda at hindi ako magustohan ni Amos, andyan sila. Handa nila akong tanggapin kung anong itsura at kung sino talaga ako.
"Wag nyo na ngang pagtripan si Amos!" saway ko sa kanila. Sabay-sabay naman silang tumingin lang saken. "Oo hindi ako maganda pero andyan kayo para iparamdam saken na maganda ako. Dun pa lang swerte ko na. Kaya thank you. Thank you sa inyo." naluluhang sabi ko.
"Aww! Very touchy naman Cyst!" kunwaring umiiyak na sabi ni Aera at yayakapin sana ako pero bigla akong kinutungan.
"Awch! Ang hurt ha? Kaya siguro nabubungol ako kakakotong mo bwisit ka!" iritang sabi ko.
"Magdadrama ka pa kasi tsaka wag mo isisi saken pagiging boba mo at inborn yan HAHAHA" pang-aasar nya.
"Tsaka may Jharix ka naman e ayeeiii!" panunukso saken ni Rean na sinusugdot-sugdot pa ang tagiliran ko.
"Tumigil ka nga!" nakikiliting sabi ko.
"Guys manahimik na parating na daw ang lecturer" sabi ng President namin kaya nagsitahimikan na kami.
Amos POV
Vacant kami ng first subject kaya naman pare-parehas kaming lima na nakanganga dito sa classroom. Wala pa kaming practice ng basketball dahil una malayo pa ang intrams at first week pa lang ng pasukan. Next month pa magi-start ang practice namin ng basketball.
"Ano ba naman, kung alam ko lang na walang lecturer second subject pa ako pumasok." parang inip na inip na sabi ni Raiden habang nakabusangot ang mukha.
"Nabuhusan pa ako ng Mommy ko ng malamig na tubig para gumising ng maaga kanina tapos ito lang pala mapapala ko lintek!" iritang sabi ni Mhico.
Napatingin naman ako kay Yasper na nakikipag-harutan lang sa kaklase naming babae na talagang kilig na kilig. Susko! Nilipat ko ang atensyon ko kay Jharix na nagbabasa ng libro. Sinilip ko ang title ng librong binabasa nya at halos matawa ako ng makita ko yun.
"Pfft! Bat ka nagbabasa ng ganyan Jharix, ang corny mo! Hindi ka ba marunong manligaw?" natatawang sabi ko sa kanya.
Ang pamagat lang naman ng librong binabasa nya e "35 STEPS TO COURT THE GIRL YOU LIKE"
"Wag mo nga akong pagtawanan Seonjang, marunong ako manligaw pero si Antonette kasi ang liligawan ko kaya gusto ko tama lahat ng steps ng panliligaw ko sa kanya. Antonette deserves better." nakangiting sabi nya. Hindi na lang ako nagsalita.
"Good morning guys!" napatingin kaming lahat sa classroom president namin na nagsalita sa harapan.
"I have a task for Amos." napatingin ako sa kanya ng banggitin nya ang pangalan.
"Task? Anong task yun Amos?" curious na tanong ni Raiden saken.
"Mukha bang alam ko?" pambabara ko sa kanya.
"TASKtasin ko kaya dila mo pilosopo ka." hindi ko na lang pinansin ang sinabi nya at tinuon ang atensyon sa president namin.
"Actually this task is dapat saken ia-assign pero dahil magkakaroon kami ng urgent meeting sa SSG ay ikaw na lang ang uutusan ko para gawin ang task na ibinilin saken ng lecturer natin sa accounting." paliwanag nya.
"Ano ba kasing task yun? Pabitin ka pa e, gusto mo ibitin kita dyan sa kisame?" asar na sabi ko.
"Baka gusto mong ikaw ibitin ko. Tss! Ito na nga magkakaroon ng recitation ang ABM section F at ikaw ang pupunta dun para magpa-recitation sa kanila. Dala ko ang questionnaires at ang grades na pagbabasehan mo." mahabang sabi nya tapos ay pinakita ang envelope na hawak nya.
"Teka? Sa section F?! No way! Ayoko!" inis na sabi ko. Makikita ko dun si Ms. Dugyot at mabi-bwisit lang ako sa kanya. Ayokong masira ang araw ko noh!
"Seonjang if ayaw mo ako na lang." napatingin ako kay Jharix ng marinig ko ang sinabi nya.
Sigurado ako na gusto nya lang pumunta dun para maka-diskarte sya kay Ms. Dugyot. Asa pa sya! Di dahil sa nagseselos ako ha? payag naman talaga akong ligawan nya si Ms. Dugyot pero sa totoo lang ayoko na isa sa team ko ang makaroon ng girlfriend na dugyot gaya nya. Ano na lang sasabihin ng mga supporter namin? na lowkey kami dahil pumapatol kami sa mga dugyot? no way! no freaking way!
"Hindi ako na! Ako na ang gagawa ng task." seryosong sabi ko.
"Ohh, okay." parang dissapointed na sabi ni Jharix. Nakonsensya naman ako ng very light.
"S-sumama ka na lang kung gusto mo." utal na sabi ko.
"Uyy talaga Seonjang? Thank you ha!" tuwang-tuwa na sabi nya.
"Uyy sama rin ako maraming chixx sa section F!" excited na sabi rin ni Yasper.
"Ako din Kuya Yasper, gusto ko rin sumama!" nagpapa-cute na sabi naman ni Mhico.
"Tayong lima na lang ang pumunta! Arat na! Kamon!"sabi ni Raiden at kinuha ang mga gagamitin kay President at lumabas na ng classroom.
Sabay-sabay naman kami nina Jharix, Yasper at Mhico na sumunod kay Raiden papunta sa classroom ng section F.
Pagdating namin sa classroom nila ay sinalubong kami ng President nila.
"Hi Miss!" pagbati agad ni Yasper na hinawakan pa ang baba ni Ate girl.
"Yes ano yun?" kinikilig na sabi naman nung girl at winahi pa ang buhok sa tenga. Napakunot-noo na lang ako dahil sa kalandian nilang dalawa. Si Yasper talaga kahit kelan.
"Kami ang magpapa-recitation sa inyo ngayon." seryosong sabi ko.
"H-Huh? talaga? But why?" nagtatakang tanong nya.
"Wag ka nang matanong." sabi ko na lang matapos ay dumiretso ako sa loob ng classroom nila.
Agad namang sumunod saken sina Jharix, Raiden, Mhico at Yasper pati ang president nila.
Pagpasok namin ay agad silang nagtahimikan at sa aming lima sila lahat nakatingin.
Dumako ang tingin ko sa grupo nina Ms. Dugyot at ng mga kaibigan nya. Nakita kong wala syang emosyon habang nakatingin saken.
Pinakitaan ko lang sya ng aking mahiwagang death glare kaya naman nag-iwas sya ng tingin.
"Hi Antonette!" napatingin ako kay Jharix ng bigla nyang batiin ng Hi si Antonette. Si Antonette naman ay tila gulat na gulat at hindi alam ang sasabihin at gagawin. Tss!
"Okay let's start." sabi ko at nag-umpisa nang mag-roll call.
Halinhinan kami nina Raiden, Jharix, Mhico at Yasper magtanong. May ilang nakakasagot sa kanila pero hindi direct na tama ang sagot. Meron din namang sumasagot na walang kinalaman sa tanong. Nakakabwisit! Nag-aaral ba sila?
"Ako magtatanong kay Aera." sabi ni Raiden kaya naman tumango lang ako bilang pagpayag.
Tumayo si Raiden at tinawag ang pangalan ni Aera na agad namang tumayo.
"Okay the question for you is How do you maintain accounting accuracy?" matapos basahin ni Raiden ang tanong ay tumingin sya kay Aera.
"How? How do I maintain a-accounting accuracy? How? How how de carabao de batuten saya kong pula tatlong pera, saya kong puti tatlong salapi!" nagtawanan ang mga kaklase nya dahil sa sinagot nya.
"Sit down. you're wrong." seryosong sabi ni Raiden at bumalik sa upuan nya sa harap. Nakita ko namang nakabusangot na umupo si Aera.
"How ano daw ba kasi? Malay ko ba sa tanong nya." nagmamaktol na sabi pa ni Aera.
"Ako magtatanong kay Lav." sabi ni Yasper matapos ay pumunta sa una.
"Okay, My Lav, stand up." nakangising sabi ni Yasper.
"I'm not your Lav." mataray na sabi ni Lav.
"Saka mo na ako tarayan kapag nasagot mo ang itatanong ko."pambabara ni Yasper.
"Ano ba tanong mo?"
"Will you be my wife?" banat ni Yasper.
"Whoaaaaa! Yes na yan!" kantyaw ng mga kaklaseng lalaki ni Lav.
" Yes, I can't wait to be your wife then I will fixing your tie while saying "Tangina mo sige lumandi ka sa pupuntahan mo" tas isasakal ko diretso sayo yung tie. Happy?" mahahalata mo ang pagkabwisit sa pananalita ni Lav. Pikon amp.
"Brutal but sweet I like it beybe! But anyways here's your question. How many business transactions are there in accounting?" tanong ni Yasper.
"How many business transactions in accounting? Ting ting ting! Mukha kang walis tingting! time! HAHAHAHA" nagtawanan nanaman ang mga kaklase nya dahil sa sinagot ni Lav. Wala ba silang matinong sasabihin?
"Seryoso ka? Kahit hulaan mo lang My Lav." sabi ni Yasper.
"Okay I will. Ahm." nagbilang si Lav gamit ang daliri nya. "Alam ko na!" nagtinginan kaming lahat sa kanya.
"Come on My Lav! Spill it!" nakangising sabi ni Yasper.
"There are 2 business transactions in accounting!" tuwang-tuwang sagot nya at nanlalaki pa ang mga mata.
"Correct my Lav! Pasok ka na sa mga mapapangasawa ko!" tuwang-tuwa na sabi ni Yasper.
"Kapal mo!" sabi na lang ni Lav at nakangising umupo.
"Ako magtatanong kay Yanichi Seonjang." paalam saken ni Mhico.
"Go." nasabi ko na lang sa kanya habang nakangiti.
"Okay next question is for Yanichi. Please stand up." sabi ni Mhico.
"Ay ano ba yan! Lakas maka-miss universe ng tanungan!" sabi ni Yanichi matapos tumayo.
"Okay so the question for you is What is double entry bookkeeping?" tanong ni Mhico.
"Bookkeeping, ay balimbing? Ay hindi! Kambing! Hindi rin, ano ba tulong!" paghingi ng back-up ni Yanichi sa mga kaibigan nya. Kanya-kanya naman itong iwasan.
Dumako ang paningin ko kay Antonette na ngumunguya lang ng gummy worms. Gummy worms na binigay ni Jharix sa kanya kahapon. Tss! Corny!
"Hindi ko alam sagot dun!" inis na sabi ni Yanichi at umupo sa upuan nya.
"Sinong susunod na magtatanong?" lingon samen ni Mhico.
"Go lang Mhico tuloy mo na yan." sabi ni Raiden
"Ikaw Jharix? di ka pa magtatanong?" tanong sa kanya ni Mhico nilingon naman namin sya.
"Sige lang, mamaya na ako magtatanong." sabi nya.
"Seonjang?" baling saken ni Mhico.
"Go. Continue." may authority na sabi ko. Tumango lang sya para magtanong ulit.
"Okay, next question is for Rean."
"Okay." nakita kong tumayo na si Rean. Medyo maliit na babae sya.
"Asan si Rean? Nakikita nyo ba?" pang-aasar ni Yasper dahil pandak nga ito.
"Andito ako!" pagtawag ni Rean sa atensyon ni Yasper.
"Ohh andyan ka pala! Tumayo ka kasi! Di ka namin nakikita e." pang-aasar pa lalo ni Yasper.
"Bulag ka ba? Nakatayo na ako ogag!"
"Ohh? Nakatayo ka na pala ng lagay na yan HAHAHA sorry! liit mo kasi e." tumatawang sabi ni Yasper.
"Kahit maliit ako kaya ko padugoin nguso mo!" matapang na sabi ni Rean.
"Okay hindi po ako lalaban. Sorry pooooo!" mala-chichay ng got to believe na sabi ni Yasper at nag-bow pa sa una. Nagtawanan naman kaming lahat.
"Tama na yan Kuya Yasper magtatanong na ako e." saway ni Mhico sa Kuya Yasper nya. "So, Rean the question for you is What is nominal account?"
"Nominal account? Yun ba yung account ng mga nunal?" patanong na sagot ni Rean.
"BWAHAHAHAHAHAHAHA! PUTEK! HAHAHAHAHA Account ng mga nunal pfft! HAHAHAHAHAHA" humagalpak ako ng tawa dahil sa sagot nya. Napatingin naman ako sa kanilang lahat na seryoso lang na nakatingin saken kaya naman huminto ako sa pagtawa. "Okay continue. Your answer is wrong HAHAHA but nice joke Rean! HAHAHAHA" tunatawang sabi ko pero ganun pa rin ang reaksyon nila.
Sinamaan ko naman ng tingin ang mga kasama ko para ipahiwatig na tumawa rin sila kaya naman nakitawa rin sila pero halatadong mga tawang hilaw.
"HAHAHA LT yung joke mo hehe, sige ha magtatanong na ulit ako maupo ka na Rean." sabi ni Mhico kay Rhean na pilit na tumatawa. "So next question is for Humie."
Tumayo naman agad si Humie.
"The question for you is What is TDS in balance sheet?" tanong ni Mhico kay Humie.
"TDS? Ahmm.. Tandang Di Sinasadya hehe ewan ko po." kumakamot sa ulo na sagot ni Humie.
"You're wrong. sitdown tsk tsk." umiiling-iling na sabi ni Mhico.
"Okay last but not the least Antonette the last question is for you."
"Ako magtatanong!" nagkatinginan kami ni Jharix dahil sabay kaming napatayo at parehas kami ng sinabi.
"Seonjang, di pa ako nakakapagtanong." sabi ni Jharix.
"I don't care. Saken ibinigay tong task na to kaya ako ang magtatanong." sabi ko.
"Wag nga kayong magulo! ganto na lang! may game ako para kung sino sa inyo ang manalo syang magtatanong. Alam nyo ba yung larong My Name is Sharon Cuneta, Aiza Seguerra? Basta yun!" explain ni Raider na parang nagugulohan.
"Alam ko yun! Payag ako." sabi ni Jharix.
"Alam ko din yun. Game. Payag din ako." sabi ko.
"Okay start na." sabi ni Raiden.
"My name is Sharon Cuneta, Aiza Seguerra, Robin Padilla, Erap laking mata, gloria laking nunal, sinong di marunong magbasa! sinong di marunong magbasa! Sinong di marunong magbasa!" duet namin ni Jharix.
"Ohh panalo si Seonjang, sya magtatanong." sabi ni Mhico.
Pumunta ako sa unahan.
"Okay Ms. Dugyot stand up." mayabang na sabi ko.
Tumayo naman sya. Ibang-iba ang emosyon nya ngayon. Kanina hindi sya makatingin ng diretso saken pero ngayon walang emosyong ang mukha nya habang nakatingin saken.
"The question for you is what is inactive accounts?" tanong ko.
Seryoso lang sya pero maya-maya ay napansin ko na sinisimplehan nyang kublitin ang katabi nyang si Aera para humingi ng sagot.
"Hoy! Request backup!" bulong nya.
"Hindi ko alam!" sabi ni Aera.
"Lav! Ano sagot!" bulong nya kay Lav.
"I don't know either!" sabi ni Lav.
"Sabi ko naman kasi sa inyo tagalan mo pa ang pagsagot! Ubosin nyo yung oras hanggang lunch hayst!" Bigong-bigo na reklamo ni Ms. Dugyot.
Napangisi naman ako.
"That's a simple question pero di mo masagot? Puro kasi landi inaatupag mo." sarcastic na sabi ko. Nakita ko naman ang pagkabigla ni Antonette pati ng lahat ng kasama namin sa classroom dahil sa sinabi ko.
"Seonjang wag mo namang pagsalitaan ng ganyan si Antonette." saway saken ni Jharix pero di ko na lang sya pinansin.
"I don't know the answer." seryosong sabi ni Ms. Dugyot.
"Simpleng tanong pero di mo masagot, tapos ang lakas ng loob mong magkagusto saken? Saken na Rank 1 sa lahat ng ABM student? Pano kita magugustohan nyan kung tatanga-tanga ka." seryosong sabi ko.
Dali-dali syang lumapit saken at dahil sa bilis nya ay
*PAK!*
Dumapo sa pisngi ko ang kamay nya.
"Anong sabi mo? Tatanga-tanga ako? Oo na! Ako na yung tanga at ikaw na yung matalino! Ako na yung pangit at ikaw na yung gwapo wala e! perpekto ka kasi! Pero kahit gaano ka pa kaperpekto hinding-hindi ko hahayaang tuloyang mahulog ang loob ko sa mayabang at mahangin na gaya mo!" galit na sabi nya.
"Oo mayabang at mahangin ako pero gusto mo ako!" may paninindigan na sabi ko.
"Gusto kita pero wag kang umasa na magtatagal ang nararamdaman ko! Sa ugaling meron ka nasisuguro ko na magkukusa ang sarili ko na wag nang magkagusto sayo!"
Wala akong masabi kaya dali-dali kong hinawakan ang magkabila nyang pisngi at hinalikan sya. Makalipas ang ilang segundo ay iminulat ko ang mga mata ko at nakita ko ang nanlalaking mata nya dahil siguro nagulat sya sa ginawa ko.
"A-anong ginawa mo?" nauutal na tanong nya habang nanlalaki pa rin ang mga mata.
"Tingnan ko lang kung sumuko ka pa saken." matapos kong sabihin yun ay ngumisi ako sa kanya.
*PAK*
pangalawang sampal nya saken matapos ay tumakbo palabas ng classroom. Dali-dali namang tumakbo si Jharix para sundan si Ms. Dugyot.